Irene's POV
"Can you please calm down" utos sa akin ni Seulgi habang nagmamaneho.
"Sa tingin mo paano ako kakalma kung yung kapatid ko nasa ospital" galit kong wika sa kanya saka muling bumaling sa labas ng bintana. Parang kanina lamang masaya pa si Lisa na umalis ng guest house, nakangiti itong nagpaalam sa harap ko hindi ko aakalain na sa isang iglap lamang tatawag si Jennie habang umiiyak at ibabalita sa akin na isinugod nila si Lisa sa ospital. "Wala na bang ibibilis ang pagmamaneho mo Kang Seulgi?" naiirita kong wika na ikinaikot naman ng kanyang mga mata.
"Pwede ba wag mo din akong tarantahin, nag-aalala din ako kay Lisa. Manahimik ka muna dyan at kumalma ng sa ganun ay matiwasay tayong makarating ng ospital" napahalukipkip na lang ako sa aking kinauupuan, kung hindi ko lang gusto ang babaeng ito ay baka kanina pa ito tumilapon palabas ng sasakyan.
Nang marating namin ang harap ng ospital ay dali dali akong bumaba, hindi ko na hinintay pa si Seulgi. Kaagad akong dumiretso sa ICU kung saan dinala si Lisa.
"Jennie" humahangos kong tawag kay Jennie, nakaupo ito sa upuan sa labas ng kwarto habang nakatakip sa kanyang mukha ang dalawa nyang palad.
Nag-angat naman ito ng tingin, hilam ang mga luha sa kanyang mga pisngi na sa tingin ko ay kanina pa nagsisipagpatakan.
"I-Irene si..si Lisa" humihikbing saad nito agad ko syang dinaluhan at marahang hinagod ang kanyang likuran.
"Tell me Jennie what happen to Lisa?" kinakabahan kong tanong, muli na naman itong napahagulhol ng iyak.
"She told me she's hurt and... and she's bleeding Irene.. she's bleeding nonstop" nanginginig na pagsasalaysay ni Jennie.
I cursed a bit, so all of my assumptions was true Lisa is really sick. I felt a pain in my chest, cursing myself how irresponsible sister I am. Hindi ko man lang namalayan na may mali kay Lisa, nagbase ako sa kung ano lang yung sinasabi nya ni wala man lang akong ginawa.
"Here dry your eyes Lisa don't want to see both of you like this" malumanay na sambit ni Seulgi habang parehas kaming inaabutan ni Jennie ng tig-isang panyo. Kaagad kong dinama ang mga pisngi ko hindi ko namalayan na umiiyak na din pala ako.
Nagbaling kami ng tingin sa pintuan ng ICU ng bigla itong bumukas at iniluwa mula roon ang isang doctor.
"Who is the relative of the patient?" tanong ng doctor habang isa isa kaming pinagmamasdan.
Agad akong nagtaas ng kamay saka tumayo "I'm her sister doc"
"Well Miss your sister is stable as of now but I just want to know if the patient had a history of.." tumighim muna ito ng sandali saka muling nagsalita "cancer"
Dahan dahan akong tumango, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo "Y-yes doc"
"We found a lump in her right ovary and as of now we will run some test to determine what is that lump, let us hope that this is not cancerous" hindi ako nakasagot tila napipi ako sa nalaman ko mula sa doctor, kita ko kung paano magbukas sara ang bibig ng doctor na nasa harap ko ngunit tila wala akong naririnig tanging malakas na kabog lamang sa aking dibdib. Para akong nabibingi wala akong maintindihan bumalik muli ang pakiramdam nung unang beses kong natuklasan na may malubhang sakit si Lisa. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ako sa ganung kalagayan nagbalik lang ang aking diwa ng mahinang tapikin ni Seulgi ang aking pisngi.
"Irene" tawag nito sa akin. Makailang beses kong kinurap ang aking mga mata bago sumagot.
"Hmmmm"
"Umalis na yung doctor, nailipat na din si Lisa sa private room nandoon na din si Jennie" nanghihina ang mga tuhod ko pakiramdam ko mawawalan ako ng ulirat mabuti na lang at mabilis nakakilos ang katawan ni Seulgi, mabilis nya kong nasalo. Inalalayan nya ko para makaupo sa isang bakanteng upuan saka sinandal ako sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
The Waikapu Guest House (COMPLETED)
Fiksi Penggemar(Prologue) Sa gitnang bahagi ng Seoul, Korea matatagpuan ang isang bahay paupahan. Isang bahay paupahan na pinangalanang Waikapu Guest House, pagmamay-ari ito ng magkakaibang sina Jisoo, Lisa at Seulgi lahat ng perang naipundar nilang tatlo ay nilaa...