Chapter 38

898 29 0
                                    

Lisa's POV

Ilang linggo na ang nakakaraan ng makauwi kami galing sa Thailand at sa pagdaan ng mga linggo na yun ay unti-unting nagbabago si Jennie. Malimit ay gabing gabi na ito umuuwi sa guest house at madalas ay mainit ang kanyang ulo. Kagaya ngayong gabi alas onse na ito nakarating ng guest house.

"Love kumain ka na ba?" bungad kong tanong sa kanya ng makapasok ito ng bahay. Ilang oras na kong naghihintay dito sa sala, hindi pa din ako kumakain gusto kong sabay kaming dalawa.

"Wala akong ganang kumain" sagot nito saka ako nilampasan, hahakbang na sana ito paakyat sa hagdan ng pigilan ko ang kanyang kamay.

"Please Jen, alam kong may problema ang kompanya pero wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo. Nag-aalala ako sayo" walang ekspresyon itong tumitig sa akin saka iwinaksi ang aking kamay na nakahawak sa kanya.

"Pwede ba Lisa wag mo kong simulan, pagod na ko. Wag ngayon" galit na sigaw nito saka ako iniwan at padabog na isinara ang pintuan ng kwarto namin. Buhat ng bumalik kami galing Thailand ay napagdesisyunan kong sa isang kwarto na lang kami matulog hindi din naman si Jennie tumutol.

Matapos noon ay naisipan kong umakyat muna sa roof top para doon magpalamig ng ulo kung sasabayan ko ang galit ni Jennie siguro ay sa hiwalayan ang bagsak ng relasyon naming dalawa at ayokong mangyari yun. As much as possible pipilitin kong intindihin sya, kailangan nya ngayon ng taong masasandalan at uunawa sa kanya.

Tahimik lang akong nakatanaw sa baba ng guest house ng biglang maramdaman ko na naman ang pagkirot ng aking tagiliran. Ilang beses sa isang linggo kung umaatake ang pagkirot sa bahaging iyon ng aking tagiliran.

Mabilis kong sinapo ang bahagi kung saan ko nararamdaman ang sakit "Wag muna ngayon please" bulong ko habang nakapikit. Dahan dahan kong idinikit ang aking noo sa pader habang iniinda ang sakit.

"Lisa?" mabilis akong tumayo ng tuwid.

"Hmmm.. Seul" nakangiti kong tugon na para bang wala akong kahit ano mang nararamdamang sakit sa mga oras na ito.

"Kumain ka na ba? Hindi pa kasi nagagalaw yung tirang pagkain sa lamesa" agad akong umiling.

"Nawalan na ako ng ganang kumain Seul"

"Si Jen nakauwi na ba? Gusto mo sunduin na natin sa kompanya?" bakas sa boses nito ang pag-aalala, lahat kami halos ay nag-aalala sa inaasal nya ngayon bumabalik na naman ang dating Jennie.

"Nakauwi na sya kanina pa, nasa kwarto nagpapahinga na" tumango tango naman si Seulgi bilang tugon. Matapos noon ay ilang segundo din kaming nabalot ng katahimikan, wala na akong alam na sabihin buti na lang at nawala na din ang pagkirot sa aking tagiliran.

Pagkatapos naming makabalik galing Thailand iba't ibang problema ang sumalubong kay Jennie sa kompanya nila at isa na rito ang pagkawala ng ibang pondo na hindi nila alam kung saan napunta pati na din kung paano napunta sa kalabang kompanya ang mga design ni Jennie.

"Lis" basag ni Seulgi sa katahimikan na bumalot sa aming dalawa, kaagad naman akong tumingin sa kanya "Help Jennie back" bulong nito. Hindi ako nagsalita, tiningnan ko lang si Seulgi.

"She changed herself again Lisa, everybody see it in her eyes. Hear it in her tone, she's not the same Jennie again. It breaks my heart seeing one of you faced every struggles alone so please help her come back Lisa" Seulgi paused while looking at me, a glimps of tears is visible in the corner of her eyes. Hope and pleading that was the look she's giving towards me now.

I give her a smile, an assurance smile "I will Seul... we will get her back again" I promise Seul while caressing her left shoulder.

Right now, one solution is running to my mind. I will get some help even if I don't want to but for Jennie I will that the least I can do right now.

~

"Jisoo anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Chaeng kay Jisoo na bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan.

"Sasamahan kitang maglakad" nakangiting tugon nito, bakas ang lungkot sa mga mata nito.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" mahinang tanong ni Chaeng sa huli, nag-umpisa na ulit syang maglakad habang nasa tabi nya si Jisoo na tahimik sumasabay sa kanyang bawat hakbang.

"Sinundan kita kanina paglabas mo ng guest house, gabi na delikado maglakadlakad lalo na't nag-iisa" pag-amin nito sa harap ni Chaeng.

Wala na muli ang nagsalita pa sa kanilang dalawa, tahimik lang ang mga itong naglalakad na tila ninanamnam ang bawat hampas ng hangin sa kanilang mga balat.

"May gusto akong puntahang lugar gusto mong sumama?" pagbasag ni Jisoo sa katahimikang pumapagitna sa kanilang dalawa.

"Saan naman?" kunoot noong tanong ni Chaeng.

"Basta, ako ang bahala sayo" pumipiyok ang boses ni Jisoo habang binibitawan ang mga katagang iyon. Inilahad nito ang kanyang kamay sa harapan ni Chaeng, nagtataka naman iyong tiningnan ng huli.

"Chaeng, trust me please" nagmamakaawang sambit ni Jisoo saka itinaas ang kanyang kamay na nakalahad. Hindi na nagdalawang isip pa si Chaeng, mabilis nitong inabot ang kamay ni Jisoo. Nagpahila lang si Chaeng kay Jisoo habang nakangiti at wala sa sariling nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay. Bawat hakbang ng kanilang mga paa ay ang pagbilis ng tibok ng kanilang mga puso na tanging sila lang ang nakakaalam.

Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Chaeng ng marating nila ang parke.

"J-Jisoo a-anong ibig sabihin nito?" puno ng pagtatakang tanong nya kay Jisoo habang halinhinang tinitingnan si Jisoo at ang taong nakatayo mula sa di kalayuan. Nakangiti ang taong yun ba para bang inaabangan na ang kanilang pagdating.

"Go Chae" pabulong na bigkas ni Jisoo saka dahan dahang inaalis ang kanyang kamay mula sa pagkakakapit sa kamay nito. "Kanina ka pa nya inaantay"

Isa isang kumawala ang mga luha sa mga mata ni Chaeng habang nakatitig kay Jisoo. Ginagap ng huli ang mga pisngi nito at dahan dahang pinunasan ang mga nag-uunahang luha na nagsisipatak.

"I know he is your happiness, be happy Chae" nakangiting sambit ni Jisoo saka sya inalalayan patungo sa kinaroroonan ni Chanyeol.

"Don't hurt her again Chanyeol or else I will kill you" nagbabantang saad ni Jisoo bago iniabot sa lalaki ang kamay ni Chaeng.

Masaya naman iyong inabot ni Chanyeol "I will treat her right this time". Tanging tango lang ang itinugon ni Jisoo saka mabilis na tumalikod at naglakad papalayo. Bawat hakabang papalayo ay ang pag-uunahan ng mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bawat hakbang ay ang unti unti nyang pagkadurog.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon