"May sasabihin ka ba?" mataray na tanong ni Jennie kay Seulgi na naka upo sa kanyang harapan habang nakahalumbabang nakatitig sa kanya. Pasimula pa kanina matapos ang paghaharap nina Jennie at Lisa ay hindi na sya nito tinantanan ng titig. Kaagad na nag-angat ng tingin si Jennie mula sa sketch pad at sa nakabukas nyang laptop ay binaling nya ang kanyang mga mata kay Seulgi, puno ng pagtataka syang tumitig rito.
"Ano may sasabihin ka ba? Kasi kung wala makakalabas ka na ng kwarto ko" automatic na napaikot ang kanyang mga mata ng ngumisi ito sa kanyang harapan.
"Isang tanong isang sagot Miss CEO, anong pakiramdam ng muli mong makita ang iyong nakaraan?" nakakalokong tanong ni Seulgi habang taas baba ang isa nitong kilay.
"Wala" walang buhay nyang sagot saka itinuloy muli ang pag guhit sa sketch pad.
"Wala! Hindi ka man lang naiyak? Hindi ka na-excite ng makita mo si Lisa?" magkakasunod na tanong nito na ikinailing lang ng huli.
"Required ba na dapat may maramdaman ako?" mataray nitong tanong saka padabog na isinara ang kanyany laptop.
Napalunok muna si Seulgi bago muling nagtanong, kailangan nya talaga itong itanong kay Jennie "W-wala ka na ba talagang nararamdam para kay Lisa? Hindi mo na ba sya mahal?"
Napahalukipkip si Jennie saka tumitig kay Seulgi ng matalim, sa pangalawang pagkakataon ay napalunok na naman ang huli dahil sa nerbyos "Ano sa tingin mo Seul?"
"Sabi ko nga wala na" tugon nito bilang sagot saka ngumiti ng alanganin "Ah sige na Jennie ma-magpahinga ka na, a-aalis na ko" paalam nito saka mabilis na sumibat papalabas ng kwarto ni Jennie.
~
Lisa's POV
Agad akong napa upo mula sa pagkakahiga ng pumasok sa kwarto namin si Seulgi, hingal na hingal ito at pawis na pawis ng makaupo sa tabi ko.
"Anong nangyari sayo mukhang pagod na pagod ka eh sa second floor ka lang naman galing?" takang tanong ko sa kanya, pinilit ko kasi itong puntahan si Jennie sa kwarto nito.
"Kasalan mo walanghiya ka ginawa mo pa akong pain kay Jennie" reklamo nito sabay binigyan ako ng isang mahinang suntok sa braso "Napakataray ng ex mo akala ko hindi na ko makakalabas ng buhay sa kwarto nya" natawa ako, alam ko may pagkamataray nga ang babaeng yun gusto ko sanang makita kung mas lumala ba.
"Natanong mo ba?" excited kong tanong sa kanya, napangiti ako ng malawak ng marahan itong tumango "Oh anong sagot?" hindi ako mapakali gusto kong malaman kung may pag-asa pa ba akong muling makuha si Jennie.
"Positive Lis" tugon nito na ikinapalakpak ko sa sobrang saya ngunit kaagad iyong natigil ng muli na naman syang nagsalita "Positive na wala na syang gusto sayo"
Unti unting nabura ang malawak na ngiti sa aking mga labi, sinunod nya nga yung huling hiling ko bago ko sya iwan.
"M-may bago na ba Seul?" puno ng alinlangan kong tanong kay Seulgi "Nahuli na ba ako?"
Marahang tinapik ni Seulgi ang aking balikat "Hindi ko alam Lis mahirap ng basahin si Jennie".
Napahinga ako ng malalim, ako ang naglagay sa kanya sa sitwasyon na to, ako ang dahilan kung bakit sya nagbago.
~
Mag-aalas tres na ng madaling araw ng makaramdam ako ng pagkauhaw, sandali kong pinasadahan ng tingin ang kwarto naming tatlo nina Seulgi at Jisoo walang nagbago. Tiningnan ko si Seulgi mahimbing na itong natutulog samantalang walang tao sa higaan ni Jisoo sa palagay ko ay nasa shooting ito at sa set na natutulog. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bahagyang nagulat ng tumambad sa akin si Jennie na mahimbing na natutulog sa sofa, nagkalat ang mga gamit nya sa ibabaw ng coffee table. Muli ay nagbalik ako sa kwarto at kumuha ng unan at kumot para kay Jennie. Nang maayos ko ang unan sa kanyang ulunan at maitakip ang kumot sa kanyang nanlalamig na katawan ay saka ako lumuhod para sya ay mapagmasdan.
BINABASA MO ANG
The Waikapu Guest House (COMPLETED)
Fanfiction(Prologue) Sa gitnang bahagi ng Seoul, Korea matatagpuan ang isang bahay paupahan. Isang bahay paupahan na pinangalanang Waikapu Guest House, pagmamay-ari ito ng magkakaibang sina Jisoo, Lisa at Seulgi lahat ng perang naipundar nilang tatlo ay nilaa...