Seulgi's POV
Kinakabahan ako, namamawis ang mga palad ko habang nakahawak sa door knob ng isang kwarto dito sa second floor kapag nalaman ni Lisa ang ginawa ko kagabi siguradong mapapalayas ako dito sa bahay or mas worst baka mapatay nya ko ng wala sa oras. Napangiwi ako sa huling naisip ko, bigla akong naawa sa sarili ko mamamatay yata ako ng walang jowa. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang babaeng magiging dahilan ng aking pagpanaw.
"Hi Seulgi, good morning" naka ngising saad nito, gumapang sa buo kong katawan ang takot.
"Bakit nakapang tulog ka pa Irene Unnie? Diba ang usapan natin magpapalipas ka lang dito ng gabi tapos sa umaga aalis ka na" asik kong saad sa harap nya, oo tama ang iyong nabasa pinapasok ko si Irene kagabi.
~FLASHBACK~
"Psssttt.. Seullllgggiiiii" mahina ngunit malambing na tawag sa akin, kaagad kong inilibot ang aking paningin at halos atakihin na sa sobrang gulat ng biglang bumulaga si Irene sa likod ng tambak ng mga karton.
"Tang*na Irene Unnie" wika ko habang nakahawak sa aking dibdib.
"Seul" napatitig ako sa kanya ng biglang may tumulong mga luha sa kanyang mga mata, naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng bigla nya kong sunggaban ng yakap.
"Seul tulungan mo ko wala akong matutulugan ngayong gabi" napalunok ako, lintek anak ng hantek unti unti akong naaawa kay Irene. Ngunit kaagad kong winaksi ang pagkaawang nararamdaman ko ng pumasok sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Lisa kanina. Mabilis kong inalis ang kanyang kamay mula sa pagkakayakap sa akin.
"Pasensya ka na Irene Unnie pero hindi kita matutulungan ngayon" nakayuko kong saad saka tumalikod para mag-umpisa na sanang humakbang patungo ulit sa loob.
"Pati ba naman ikaw" napatigil ako ng marinig ko iyon kay Irene, puno ng hinanakit ang tinig nito habang humihikbi.
"Sobrang sama ko bang tao para lahat kayo talikuran ako? Madami ba akong naging kasalanan para pahirapan ng ganito?" napapikit ako ng mariin, Seulgi wag kang bibigay please mapapalayas ka ng wala sa oras pakiusap ko sa sarili ko.
"Seul" mahina nitong tawag sa pangalan ko. Naikuyom ko ang aking kamao saka humarap sa kanya.
"Nasaan ang maleta mo" nanlaki ang mga mata ko sa mga katagang lumabas mula sa aking bibig. Patay kang bata ka, anak ng tinapa bakit yun yung nasabi ko. Malawak ang ngiti ni Irene ng lumapit sa akin dala ang kanyang maleta.
"Thank you Seul" napairap ako, tang*na kasi ng bibig ko pahamak.
"Wag kang magpasalamat dahil ngayong gabi lang to bukas na bukas din ng umaga makakaalis ka na" mataray kong sambit sabay hila ng kanyang maleta, ako na ang nagdala papasok nakakahiya naman sa bruhang to.
Nag-ala ninja kami ni Irene hanggang marating namin ang second floor sa dulong kwarto ko dinala si Irene mahirap na baka may makakita pa sa kanya. Nang masigurado kong ayos na si Irene mabilis akong bumaba na parang walang nangyari sana lang ay hindi ito malaman ni Lisa kundi patay na.
~End of Flashback~
"So ano na Unnie kailangan mo ng umalis" nakahalukipkip kong saad sa kanya. Hindi ito sumagot sa halip ay tumingin na naman ito sa akin habang may namumuo na namang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Napamura ako ng mahina, bwisit namang buhay to bakit kasi ako pa ang nakatokang magtapon ng basura kagabi gusto ko na ding umiyak tiyak na ang aking pagpanaw.
"Seulgiiii" nanlaki ang mga mata ko ng lingunin ko ang pinanggalingan ng tinig, papalapit sa gawi namin si Jisoo habang naka ngisi. Dala ng panic ay agad kong niyakap si Irene at isinubsob sa aking dibdib, tinago ko ang mukha nito para hindi sya makilala ni Jisoo.
BINABASA MO ANG
The Waikapu Guest House (COMPLETED)
Fanfic(Prologue) Sa gitnang bahagi ng Seoul, Korea matatagpuan ang isang bahay paupahan. Isang bahay paupahan na pinangalanang Waikapu Guest House, pagmamay-ari ito ng magkakaibang sina Jisoo, Lisa at Seulgi lahat ng perang naipundar nilang tatlo ay nilaa...