"Vienna Li! Hindi ka nanaman nakikinig sa klase ko! Saka ano yang sinusulat mo?" Sabi ni Sir Shindong, kaya naman napaupo agad ako ng straight at ngumiti sa kanya.
"Luh, Sir Shindong naman, natulala lang po saglit. Gwapo mo kasi, eh, ehehe!" Pambobola ko, at natawa naman siya ng kaunti bago nagshrug.
"Well, di nga naman mapipigilan. Oh, hatid mo nalang to sa Class 2-1, si Heechul ang nandun ngayon. Bilisan, ha?" Sabi ni Sir, and I nodded.
Tatayo naman na sana ako, kaya lang ay naramdaman kong hawakan ni Lucienne ang sleeve ng cardigan ko. Seat mate ko siya, eh. Napatingin ako sa kanya, and then she smirked at me.
"Class 2-1 daw, kina Winwin," bulong ni Lucienne, kaya naman ay natigil ako saglit.
"Aba, tadhana," pagjojoke ko, at natawa naman siya ng kaunti.
Naglakad na ako papunta kay Sir Shindong, at iniabot niya sa akin ang mga papel na nacheck na siguro niya. Papers siguro ng 2-1 to.
"Hatid mo yan, ah? Ipadistribute mo nalang kay Jaehyun," sabi ni sir, and tumango naman ako.
Lumabas na ako sa classroom namin at saka naman kumatok sa class 2-1, since katabi lang ng room namin ang sa kanila. 2-2 kami, eh.
Tinignan ko yung mga scores nila and napataas naman ang mga kilay ko sa nabasa. Wow. Sana all.
Naghintay siguro ako ng 5 seconds bago may magbukas sa akin. Nagulat naman ako nang ang tumambad pa sa akin ay si Winwin mismo.
Mukhang nagulat rin siya pero nang magising na siya sa katotohanan ay isasara sana niya yung pinto kaya lang ay iniharang ko yung paa ko dun.
"Oy, easy ka lang, winner. Di ako nandito para manggulo HAHAHAHA! Pinapabigay lang to ni Sir Shindong, eh," sabi ko, chuckling.
Kumunot naman ang noo niya at mukhang naaasar kaya naman ay mas na-cutean ako sa kanya.
"Akin na nga 'yan. Ano ba 'to?" He said, and I smirked.
"Scores niyo. Sa quiz. Wow naman, winner, highest score pero kay Loucielle di nakascore-"
Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay naggroan na siya at saka tinakpan ng kamay niya yung buong mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko at medyo kinilig don, pero inalis ko yung kamay niya.
Jusko po!
"Ang dami mong sinasabi. Akala mo naman nagustuhan ka ni Hendery," sabi niya, and I widened my eyes.
HAH?!
"W-Winwin! Oy! San mo galing yan!?" Tanong ko, and then nginisian naman niya ako at saka pumasok na sa room nila.
Papasok rin sana ako kaya lang ay nilock niya agad yun habang nakangisi pa rin sa akin. May transparent part ang pinto, he wiggled his index finger at me at saka ngingisi ngisi pa na akala mo ay nasa kanya ang tagumpay!
Fck!
Paano niyang nalaman na gusto ko dati si Hendery?!
"Yah! Dong Sicheng!" Sigaw ko, pero hindi naman niya ako naririnig kaya I just groaned and showed him the finger.
Tumawa tawa naman siya at saka umiling iling, sticking his tongue out before he rolled his eyes and lazily went back to his seat.
T-Tangina! Winwin!
BINABASA MO ANG
winner ♡ dong sicheng
Fanfiction[ nshitty series ] "i-imagine mo, winwin pangalan mo pero di ka naging winner?" in which she loved teasing him, annoying the living daylights out of him. cover by @venleyy