"Uy, sige na kasi! Anong pinag-uusapan niyo kanina?" Pamimilit ni Hendery sa aming dalawa ni Winwin, nang mapag-usapan naming anim na magpunta sa arcade.
"Wala nga, ang kulit naman nito," sabi ni Winwin, kaya ay napatango ako.
"Kaya nga. Wala 'yun. Wala sa inyo 'yun," sabi ko, tapos ay pinanliitan kami ng mata ni Hendery.
"Cielle, ayaw nilang sabihin, oh? Pagalitan mo nga sila!" Sabi ni Hendery, kaya ay natawa nalang kami.
Nang tumawa kaming parehas ni Winwin, napatingin kami sa isa't isa at inirapan ko naman siya. Nakikisabay sa tawa, grr. Gwapo ka lang, galit ako sayo ngayon. Muntik akong malaglag kanina!
"Kung ayaw sabihin, wag kang mapilit. Iuntog kita sa pader, eh," sabi ni Loucielle, kaya naman ay mas nagtawanan kaming lahat.
Napalingon ako sa likuran, dahil mukhang antahimik nina Lucienne, only to see na magkasama na sila ni Dejun sa crane game. Mukhang nag-eenjoy pa nga sila at may dalawa nang plush na hawak si Cienne.
Bigla naman na nawala na rin sina Hendery at Cielle sa harapan namin ni Winwin, kaya ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Gustuhin ko man siyang asarin ngayon, medyo nahihiya ako dahil bukod sa ang gwapo niya ay di ako sanay na kaming dalawa lang ang magkasama na maghang out. Kung sa school siguro 'to, kahit abutin pa kami ng gabi.
Nakakita naman ako ng basketball na game kaya ay agad kong pinuntahan 'yun kahit na di naman ako marunong. May magawa man lang ba. Nag-umpisa na 'yung game, kaya ay basta shoot nalang ako nang shoot nang lumapit na sa akin ang mga bola.
Shoot!
Miss!
Miss!
Miss!
Miss!
Miss!
Agh! Nakakainis naman! Iisa palang ang nashushoot ko! Eh, andami dami ko nang bola na ginagamit! Nakakahiya, baka mamaya may nanunuod pa sakin.
Nagulat naman ako nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko, at saka humawak sa magkabilaang kamay ko. He guided my hands na magshoot, making my heart beat faster than it should.
Shet, shet, shet! Lord, ano po 'to? Bat may paganito po?
I looked kung sino 'yun, at nagkatinginan kami ni Winwin. Sheeeet! Nanlaki ang mga mata ko, kaya naman ay humarap nalang ulit ako at saka hayaan na iguide niya ako sa pagshushoot.
"Ampanget mo naman magshoot, Vienna. Balibag tae," sabi niya, and then he chuckled kaya nainis ako at saka humiwalay sa kanya.
"Winwin! Nakakainis ka. Umalis ka na nga. Di ko kailangan ng tulong mo!" Sabi ko, and he just laughed at me.
"Cute ka pala pag nahihiya? You were blushing earlier. Kala mo siguro si Hendery ako, no?" Pang-aasar niya pa, kaya naman ay binato ko siya ng bola.
Hindi, tanga. Sayo talaga ako kinilig.
"T-Tanga!" Sabi ko sa kanya, pero tawa lang siya ng tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/212113466-288-k598654.jpg)
BINABASA MO ANG
winner ♡ dong sicheng
Fanfiction[ nshitty series ] "i-imagine mo, winwin pangalan mo pero di ka naging winner?" in which she loved teasing him, annoying the living daylights out of him. cover by @venleyy