Hindi ko mapigilan ang pagkakaba habang nakikita kong papalapit sa harapan ko si Winwin. Nakakainis naman! Iniwasan ko na nga siya buong araw, tapos makikita ko lag siya sa NCity after school? Kung hindi nga naman ba ako pinaglalaruan ng tadhana!
So... kailangan ko lang naman ng matindihang acting skills gaya ng sabi ni Lucienne, 'diba?
"Oy," tawag ni Winwin, habang pahigop palang sana ako sa drink ko.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya, and then I grinned. God. Kaya mo 'yan! He narrowed his eyes at me bago siya naupo sa upuan sa harapan ko. Anong plano neto?
"Bakit?" I asked, and then he sighed bago siyang nagsalita.
"If you were toying with me last night about liking me, admit it now. Because-"
"Oo nga. Joke lang 'yun. Alam mo naman pala," tanging sagot ko.
Damn it! Nagtunog yata akong supladita dun, ah? Tsk.
"Pft. Don't pull jokes like that. Hindi nakakatuwa." sabi niya, at saka pinitik ang noo ko bago tumayo at iwan ako sa table.
While he was walking away, hindi ko mapigilan ang sarili ko na panuorin siya. As he calmly walked over to another table kung saan nandun ang ilan sa mga kaibigan niya, I couldn't help but shake my head. Wala pa akong lakas ng loob ba panindigan 'yung mga salitang gusto kita, so I'll resort to this muna.
I finished eating at saka tumayo na, heading for the exit. Somehow, medyo nasaktan ako sa ginawa ko. Paglabas na paglabas ko ay ramdam kong naiiyak ako.
Bakit ba ang duwag ko minsan? I was a step closer to letting him know na gusto ko siya! Ano naman kung hindi niya rin ako magustuhan, sanay naman na ako dun, hindi ba? I mean, gaya kay Hendery. Nagustuhan ko si Hendery pero hindi niya ako gusto. Tapos ngayon si Winwin. Hindi ba dapat sanay na ako?
I clenched my fists. What kind of coward am I? Tinutulungan na ako ng tadhana, eh. Ako naman ang umuurong.
Teka nga, why am I even being emotional over this?
♡♡♡
Habang nakahiga at nagpapaantok, hawak hawak ko si Hammy. 'Yung hamster na plush na galing kay Winwin. Well, may kapalit naman na load 'to, pero basta!
"Hammy, mukha lang akong straightforward na tao with her feelings diba? Pero alam mo ba, tiklop talaga ako kahit na kailan. 'Yung daddy Winwin mo, crush ko. Pero 'di niya ako crush kasi crush nita 'yung bessy niya. Pwede naman akong umamin na gusto ko nga siya, pero naduwag ako. Sa tingin mo ba, may chance ako kay daddy mo?" I talked to the plush, and then sighed.
"Bakit ko ba kasi kailangan na magustuhan 'yun? Bakit kasi kailangan ko pang magkagusto sa mga tipo ng lalaki na nakukuha lang ng mga babaeng tipo rin ng lahat? Nakakainis naman," I whispered, a tear slipping down my cheek.
Agad kong pinunasan 'yun at saka itinabi na lamang sa akin si Hammy. Matutulog nalang ako. I don't wanna deal with emotions right now. Hindi naman usual na ugali ko 'yung ganito, eh. Maybe tomorrow when I wake up, magiging maayos na ulit pakikitungo ko sa iba.
Sana.
BINABASA MO ANG
winner ♡ dong sicheng
Fanfic[ nshitty series ] "i-imagine mo, winwin pangalan mo pero di ka naging winner?" in which she loved teasing him, annoying the living daylights out of him. cover by @venleyy