winner ♡ five

33 4 3
                                    

"Sizt, nanggigigil ako kay Winwin!" Sabi ko kay Lucienne, habang naglalakad kaming dalawa papunta sa NCity.

Naisipan kasi namin na kumain na muna bago mauwi, kaya heto at napadpad kami dito on the way sa NCity.

"Bakit naman?" Tanong ni Lucienne sa akin, so I sighed before answering.

"Eh, paano! Nalaman niya na crush ko si Hendery dati," sagot ko naman, and napataas ang mga kilay niya.

"Huh? Paano naman?" Tanong niya, so I rolled my eyes.

"Nakikita raw niya akong nakatingin lagi dun sa lalaking yun. Anyway, nablock nanaman ako! HAHAHAHA!" I explained, and then she looked at me weirdly.

"Ikaw pa lang yata yung nakita kong babae na nasiyahan nung binlock siya," Lucienne told me, and I shrugged.

"Naaaliw ako, eh," sagot ko naman.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad, kaya lang ay bigla naman na natigil kami nang makita namin sina Loucielle at Hendery. Nakita ako ni Lou, kaya ay nginitian niya ako and nagwave so I did the same. Omo, naaalala niya ako!

"Hello, Viennaaaaa! San kayo? Teka, hi, Lucienne!" Sabi ni Loucielle, and I smiled. Di ko naman mapigilan na mapatingin kay Hendery, only to see him smiling while looking at Loucielle.

"NCity," sagot ko, and then tumingin siya kay Hendery.

"Sama sama na kaya tayo?" Sabi ni Loucielle, so nanlaki naman ang mga mata ko.

Eh? Sure?

"Hala? Totoo?" Tanong ni Lucienne, and Loucielle only nodded.

"Ano, okay lang ba, Vienna?" Loucielle asked, and wala naman akong nagawa kundi ang ngumiti at tumango.

Hindi naman na si Hendery ang gusto ko, eh. Si Winwin na, kaya bet na bet kong inaasar! HAHAHAHA! Pero syempre kahit na paano ay naiilang rin ako pag naaalala ko.

Sumunod nalang kami ni Lucienne sa kanila, at mukhang may pagkaclose rin pala si Lucienne at Hendery.

Bahala na.

♡♡♡

Ang lagay niyan, nakaupo na kaming apat sa six-seater na upuan, dahil yun daw ang fave spot nila. I mean, maganda nga naman ang ambiance dito sa spot na to. Nakikita mo yung mga dumadaan sa may gilid, pwede kang manuod ng mga dumadaan.

Kumakain na rin naman kami, kaya ayos na. Nasa harapan ko si Loucielle habang sa tabi naman niya ay si Hendery. Katabi ko sa left si Lucienne habang bakante naman ang sa right ko at ang sa harapan ni Lucienne.

"Buti nagkakilala ulit kayo, ano?" Sabi ni Lou sa amin, and napatango naman ako.

"Hindi yata ako makakalimutan ni Cienne, HAHAHAHA! Kasi nung naassign siya sa tabi ko na, agad niya akong naalala, eh. Sayang nga at hindi tayong tatlo magkakaklase," sagot ko naman.

Sayang rin at hindi ko kaklase si Winwin! HAHAHAHAHA. Mas masaya sana siyang asarin nun. Araw araw siyang ano sakin!

Magsasalita palang sana ulit ako, kaya lang ay nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Hendery.

"Oh, Winwin ge! Dejun! Dito na kayo, oh! May dalawa pang bakante!" Sabi ni Hendery, at agad naman akong napalingon.

Sa may bandang likod ko ay agad naman na nagtama ang paningin namin ni Winwin, kaya nanlaki ang mga mata ko. He smirked at me, at saka tinignan si Hendery.

He raised a brow at me, then tilted his head, so I rolled my eyes. Alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya!

"Sige ba," sabi ni Winwin, at saka agad na umupo sa tabi ko.

Lord! Punyeta po!

Umupo naman si Dejun sa harapan ni Lucienne and nagngitian sila, so I internally chuckled. Bagay sila!

Tumayo naman ang mga balahibo ko nang bumulong si Winwin sa akin.

"Kamusta naman yung harap-harapan?" Bulong niya, at hindi ako agad na nakasagot.

"WINWIN!" Sigaw ko, at tumawa naman siya ng malakas.

Lord! Huhuhu!

Ang... ang ano kasi nung bulong niya! Tapos ang gwapo pa niya ngayon! Vienna, gising! Ikaw ang dapat na winner! Hindi si Winwin!

"Coming from you," sabi ko naman sa kanya, "Mas malala nga yung sayo, eh, HAHAHAHA!" pang-aasar ko pa.

"Edi wow," sagot niya, "At least kahit na paano nagkachance."

"Lol, mas madali nang umasa sa wala kesa sa parang meron," sagot ko naman, and then napataas ang mga kilay niya.

Nakarinig naman kami ng nagclear ng throat, kaya sabay kaming napatingin ni Winwin sa kung sino yun. Si Hendery.

"Hmm, ano namang pinag-uusapan niyo jan? Share naman!" Sabi ni Hendery, at nagkatinginan pa kami saglit ni Winwin bago sabay na napasagot.

"WALA!"

winner ♡ dong sichengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon