winner ♡ thirteen

53 3 7
                                    

"Sige na kasi! Sama ka na? Andun si Winwin," sabi ni Hendery, kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong batukan siya.

Loucielle, who was beside him, laughed out loud. Nagpout pa si Hendery sa kanya pero tinatawanan pa rin siya ng girlfriend niya. Ang cute nila, sa totoo lang.

Pero ano ba 'yung hindi cute? 'Yung pang-aasar sa akin ni Hendery kay Winwin!

"Ano naman kung nandun si Winwin? As if naman gusto ko siyang makita," sagot ko, and then he grinned mischievously.

"Hay, hay, hay. Sabi ni unknown source nakita ka raw niyang nagconfess kay Winwin through chat-"

"The hell?! Sinong unknown source?!"

"Hi, unknown source," biglang sabi ni Hendery, kaya't napatalikod naman ako para tignan kung sino 'yun.

There Wong Yukhei was, grinning while Vernice was pulling his ear para sumunod sa kanya. Masokista ba siya?

"Uy, hi future girlfriend ni Winwin!" tawag ni Lucas, so I rolled my eyes at him.

"Gago ka ba? Pinagtitripan ko lang naman si Winwin nung gabing 'yun. Kahit tanungin mo pa lahat ng tao sa buong mundo. Bakit ko magugustuhan 'yun?" I said, making him snicker.

"Sumama ka nalang basta. Hindi naman kami nangangain. Para lang hindi ma-op si Winwin, sige na? Favour lang, oh? Mag-eenjoy ka dun, promise," sabi ni Lucas, but I shook my head.

"Wala akong pakialam kung ma-OP siya sa inyong apat, edi ma-OP siya. Di ko naman siya responsibilidad," sagot ko, and Hendery sighed.

"Ganito kasi 'yan. Libre ni Sicheng-ge, pero wala siyang partner na kasama sakaling magrollercoaster tayo. Sakaling may kung anong gawin na kailangan ng partner. Hindi ka ba naaawa sa kanya?" Hendery asked, making me laugh.

"Edi magsolo siya. Di ko na problema-"

"KJ naman neto. Sama ka na," biglang salita ng bagong boses, kaya't lumingon nanaman ako.

Napataas ang mga kilay ko nang makita ko mismo si Winwin na nakataas pa ang kilay sa akin. Aba? Bakit ang gwapo niya dun- ay mali. Aba? Bakit niya ako tinataasan ng kilay?! Saka sinong KJ?

"Ayoko nga, eh. Kasalanan ko bang wala kang girlfriend?" sabi ko, and then nagulat ako nang matahimik silang lahat.

Nakita ko pa si Hendery at Lucas na nagpipigil ng tawa. Mga demonyito!

"Hindi ko naman sinasabi na date 'to! Basta ayoko nga, magseselos si Hammy," pagdadahilan ko, and he chuckled.

"Daddy ako ni Hammy, ano naman?" sabi niya, making me gape at him.

"Nasa akin ang custody ng bata! AKIN SI HAMMY! WALA KA NANG KARAPATAN SA KANYA!"

"MERON AKONG KARAPATAN. AKO PA RIN ANG AMA NI HAMMY!"

"WEH? DI NGA? SABI NINO? DALHIN PA KITA SA KORTE! BINENTA MO SI HAMMY PARA SA 200 PESOS NA LOAD!"

"P-POTA, HAHAHAHAHA!"

Natahimik kaming dalawa dahil sa biglang sinabi ni Vernice.

"You fight like an old married couple."

T-Takte! Hindi nga, eh!

♡♡♡

After too much convincing, nagawa rin nila akong mapasama sa kanila bukas sa Amusement park. Libre naman daw ni Winwin dahil natalo siya sa isang unknown bet nila ng mga Wong, kaya wala akong ibang dapat na isipin.

I gripped on the roots of my hair. Gusto ko sanang sabihin kay Lucienne na mababaliw na ako at samahan niya ako, pero nasa US daw siya ngayon for one week. Bibisitahin niya si Inah, so wala naman akong magagawa.

Anong gagawin ko bukas?! Sino ba kasing nagsabi na pumayag ako?!

"Pag sumama ka, bibigyan ka ni Winwin ng malaking plush,"

"Bakit ako?"

"Kasi ikaw yung gagastos sa lahat, duh? A bet is a bet,"

"Mabait akong tao, pero nagiging animal ako pag kayo kasama ko. Palagay ko palang, plano na ninyong ubusin pera ko, pati na laman ng card ko,"

"HAHAHAHA! Neomu intelligent, Winwin-ge! Alam mong kapag hindi sumama si Vienna, kailangan mong ilibre ang buong Neo ng lunch, kasama ang teachers and staff!"

"Sumasama ugali ko dahil sa inyo, eh. Sumama ka na, Vienna. Ililibre kita ng kahit na ano."

"Kahit ano?"

"Kahit ano."

"Promise?"

"Hay, promise. Oo na, sige na."

Ang bilis kong nauto sa part na 'yun. Dapat lang talagang ilibre niya ako! Dahil may kung anong bet sila at nakasalalay sa akin! Kung ano man 'yun, hehe, what if pahirapan ko si Winwin?

Ano ba 'yan! Bukas talaga, babalik na ako sa usual na pang-aasar kay Winwin! May lahing demonyo kasi yata ang mga Wong at ako ang unang inasar bago pa man dumating si Winwin.

What was the bet, anyway?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

winner ♡ dong sichengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon