winner ♡ nine

29 4 5
                                    

"Good morning, winner!" Bati ko kay Winwin, nang sabay kaming makapasok sa gates ng Neo.

Nilingon niya ako, at saka inalis ang earphones niya. Natawa naman ako ng bahagya at saka lalagpasan na sana siya, kaya lang ay nagulat ako when I was pulled back. The hell?! I turned around, seeing him smirking at me habang nakahook ang daliri sa bag ko.

"B-Bitaw!" Sabi ko, but he only chuckled bago bitawan 'yun at sabayan ako sa paglalakad.

Nakakainis! Pero... hehehe, ang gwapo niya. Ang cool niya pa rin tignan.

"Bitaw? Di ka pa nga sinasalo, bibitaw na agad?" Pagbibiro niya, so I hit his arm. Napalakas pa yata, HAHAHAHA. "Hoy! Masakit! Ano 'yan, bakal na kamay?!"

"HAHAHAHA! Mas masakit 'yung nandyan ka na sa harapan niya pero hindi pa rin ikaw 'yung pinili," sabi ko naman, making him click his tongue.

"At least I was of use," he replied, his voice almost a whisper.

Nilagpasan na niya ako, kaya naman kumunot ang noo ko. Somehow, may something dun sa sinabi niya na hindi ako matahimik. Para bang gusto kong bawiin 'yung sinabi ko sa kanya at sabihin na joke lang, pero hindi ko ginawa. So... gusto niya talaga si Loucielle? Like... sobra? Pero pinaubaya niya kay Hendery, kasi alam niyang mas mamahalin ni Hendery si Loucielle, at si Hendery ang mahal ni Loucielle?

I shook my head. Umagang umaga, andami ko nang iniisip. Nakakainis.

Nang makarating na ako sa harapan ng room namin, however, nagulat ako nang nasa may table na pala si Sir Shindong.

"Late ka ng 3 minutes, Vienna. Late ka nanaman. Gusto mo sa labas nalang magklase?" Sabi ni sir, kaya naman ay umiling nalang ako at saka naupo sa upuan ko.

"Ayoko sir, gusto ko makita gwapo mong mukha. Yiee," pagbibiro ko pa, dahilan para magtawanan 'yung mga kaklase namin at si sir.

That's how they knew me. Magulo ako sa klase, madaldal minsan. Laging may nasasabi, laging napapansin ng teachers pero madalas ay pabiro naman. In short, I might be the class clown, pero ngayon medyo wala talaga ako sa mood na makipagtawanan muna.

Nakakainis naman. 'Yung tono kasi ng boses ni Winwin kanina! Naguilty tuloy ako ng very light!

♡♡♡

"Vienna, hanap ka sa labas," sabi ni Sir Heechul, kaya naman napataas ang mga kilay ko.

Halos kalalabas lang ni sir Shindong, ha? Mga ten minutes palang yata?

"Sino 'yun sir?" Tanong ko naman, kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Future mo. Dali na, nagdidiscuss ako," sagot naman niya, making everyone tease me.

Luh, unless si Winwin 'yan, sir... HAHAHAHA!

Pagtayo ko naman, hinarap ko na 'yung pinto para pagbuksan kung sino man 'yun na kausap ni sir Heechul kanina sa pinto. Bakit hindi nalang kaya niya pinapasok. Char.

"Sana all, may minus three. Late ka, 'no?" Sabi ng nasa pinto, kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

Shet!

SIR HEECHUL YES PO FUTURE KO PO SIYA. HAHAHAHAHA!

"Oo, kasalanan mo," pagbibiro ko, at umiling naman siya.

"Late rin ako. May minus three rin ako. Kay Sir Leeteuk. Sino ba kasi magpapaquiz ng umagang umaga," sabi naman niya, making me chuckle.

"Akin na nga. Papamigay ko ba?" Sabi ko, and he raised his brows at me.

"Alangan naman i-bag mo lahat. Ikaw ba 'yan lahat?" Sabi naman niya, kaya pabiro ko siyang sinipa.

"BAKIT ANTAGAL? TIME IS GOLD. MAMAYA NA KAYO MAGDATE," bigla namang sabi ni Sir Heechul, kaya nagulat kaming pareho ni Winwin.

"SIR, 'DI KO PAPATULAN 'YAN!" sagot ni Winwin, kaya naman pinagsarhan ko na siya ng pinto.

"Oh, quiz niyo, mga hangal," sabi ko sa mga kaklase ko, at pinaulan ko 'yung mga papel nila matapos na kunin 'yung akin, kay Lucienne, at kay Kaede. Sila lang love ko. Grr.

Pinagkukuha naman nila 'yun, at inabot ko kina Cienne at Kaede 'yung kanila. Mas malala pa minsan 'yang mga 'yan magbigay ng papel, eh. Isa isa nilang isasaboy. Hindi ko alam kung anong klaseng section 'to. Sa totoo lang.

"Pwede na tayo magklase?" Sabi naman ni Sir Heechul, kaya sumagot na kami.

"Yes, sir,"

"Mga siraulo. Para kayong sumasagot sa military. Gusto niyo bang lahat magmilitary service?"

"Sir naman!"

"Ulit. Gusto ko lahat ng tanong ko, ganyan sagot niyo."

"Yes, sir!"

"Makikinig na ba kayo?"

"Yes, sir!"

"Mag-aaral kayong mabuti?"

"Yes, sir!"

"Gwapo ba ako?"

"Y-Yes, sir!"

"MGA UTO UTO!"

"VIENNA LI!"

winner ♡ dong sichengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon