Nakatayo ako dito ngaun sa may waiting shed ng school namin. hinihintay ko kasi ang ate ko na syang susundo sakin. sabay kasi kami ng ate ko umuuwi. 6pm ang labas ko sa huli kong klase, si ate naman 6:30 pm ang out nya sa trabaho niya. nag oovertime pa kasi siya kaya hinihintay ko na lang siya tutal 30 mins. lang naman.
Tinignan ko ang orasan ko at mag 7 na wala pa siya nangangawit na ang mga paa ko kakatayo hindi naman ako makaupo kasi madumi ang upuan ng waiting shed. kaya imbes na madumihan ko ang palda ko tiisin ko na lng tumayo
Medyo wala na akong nakikitang mga estudyante na nakapaligid sa school. magang nagsiuwian ata at hindi mga nagsitambay sa paligid ng school.
Tinignan ko ang relo ko at may 48 years na pala ako naghihintay dito .. hehehe biro lang mag 20 mins. na .. bakit kaya ang tagal ni ate..
Hmmm ....
Habang hinihintay ko ang ate ko magpapakilala muna ako.
Ako nga pala si Cheska Lorraine Gonzaga, my friends call me "Cess, cheska" im 14 years old. 3rd year high school na po sabi nila pretty ako. well.. hahaha sabi lang nila yon hehe 2 lang kami magkapatid una si ate Karen Joy Gonzaga 26 years old, with 2 kids pero no husband. asan ang husband? ... well binaon na ni ate sa lupa hehehe joke lang hindi din namin alam kung nasaan.. isang 7 at isang 5 years old ang anak ng ate ko puro girls .. kya puro girls kami sa bhay.
Maya maya lang dumating na si ate at sumakay na ako ng sasakyan at umuwi na kami
Habang kumakain naisip ko bigla na may sasabihin pala ako kay ate sana matuwa sya
"Ate may sasabihin ako"twag ko kay ate
"Oh ano nanaman yan?" ano ba yan maka nanaman si ate para namang may hihingin akong pabor hhhmmmffff....
"Good news ito ate. hehehe" nakangiting sabi ko
"Oh ano na ba yan sabihin mo na pinapatagal mo pa eh" iritang sabi ni ate habang nakakunot ang kanyang mga noo
"Top 3 ako ate!imagine sa dami ng matatalino sa room nakapasok pa ako sa top!!" Tuwang sabi ko kay ate habang khnakain kami
"Sus, top 3 lang pala sabihin mo sakin yan pag top 1 ka, akala ko kung anong importanteng sasabihin mo. next time mga ganyang balita wag mo sakin ikwekwento ha kung walang kwenta lang naman"
"Opo" tanging nasagot ko sa ate ko
Pagkatapos dumiretso na agad ako sa kwarto ko at umupo sa kama ko kinuha ko ung picture ni mami at daddy na nasa may table na katabi ng kama ko.
"Hi mami, daddy, mag good news ako sainyo. alam nyo po ba nasa top po ako at top 3 ako. alam ko po natutuwa po kayo sa akin ngaun, sana po andito kayo ngaun"
Para lang akong tanga kinakausap ko ang picture nila habang umiiyak, para namang sasagutin ako ng mga nasa litrato. na sobrang imposible naman.
Patay na kasi sina mami at daddy. si daddy nung 7 years old ako si mami naman last year lang. sa totoo lang hindi ko pa tanggap na wala na silang dalawa sakin. Paano kasi naiwan ako kay ate na hindi ko maramdaman kung kapatid ba talaga ang turing sakin. magmula naman kasi noon malamig na pkikitungo nya sakin. lalo lang lumala ngaun.
Tinignan ko ulit ang picture na hawak ko at niyakap ko
"Miss na miss ko na po kayo mami at daddy"
Kasabay niyon ang unting unting pagpikit ng aking nga mata
BINABASA MO ANG
A Good Love
RomanceBuong buhay ko isa lang naman ang hinihiling ko.Ang mahalin ako ng mga taong mahal ko. Ang maramdaman ko kung paano ako pahalagahan ng mga taong pinapahalagahan ko.May dadating pa ba na magpaparamdam sakin na totoo ang pag-ibig? Na maipaparamdam din...