TOK TOK TOK!!!
"Cheska, gising ka na may bisita ka." katok sa pintuan ni ate mila
"Ha? sino daw, po?" tanong ko
"Hindi ko kilala ngaun ko lang nakita bilisan mo na bumaba ha... kay gwapong nilalang pa man din nun " natatwang sabi nya
"gwapong nilalang?" kunot noo kong sabi
"bumaba ka na lang para malamn mo kung sino" sabay baba ni ate mila
Hmmm bakit kaya? at sino kaya un? tinignan ko ang oras 8 pa lang ng umaga at sino namang gantong kaaga ang bwisita ko este bisita ko.
Nag ayos na ako naghilamos at tooth brush, tinali ko na lang basta ang buhok ko, bago ako bumaba napapaisip ako hmmm.. nkakaloka sino kaya gantong kaaga ang bibisita sa akin
PAgkababa ko nanlaki ang mga mata ko kung sino ang naka upo sa sala namin at kausap ni ate napatingin sila sa gawi ko nung naramdaman nilang nkababa na ako
"Mi...miguel a..nong gi..nagawa mo dito?" nauutal kong sabi habang palipat lipat ang tingin ko sknya at kay ate
"Binibisita ka. " nakangiti nyang sabi
"Bakit" tanong ko
"Namiss kasi kita" sagot nya sa akin na ikinalaki ulit ng mata ko
"Miguel!" saway ko saknya
"Ate oh si Cheska sinisigawan ako" pagsusumbong nya kay ate
Tumingin sakin si ate at sinuway ako "Hoy Cheska! Umayos ka ikaw na nga ang binisita sisigawan mo pa,"
Napanguso na lang ako.
"Bakit ka ba kasi andito?" tanong ko saknya at sabay umupo sa kabilang sofa
"Ayain sana kita na mag mall ngaun at manuod ng sine" aya nya sa akin
"Hindi ako pwede eh, madami ako gagawin saka hindi ako papayagan" pagtanggi ko dahil alam ko naman na hindi ako papayagan ni ate tiyak ko papagalitan ako nito mamaya
"Don't worry napag paalam na kita sa ate mo at pumayag na siya" sabay kindat sakin.
Tumingin ako kay ate tinitignan ko kung mgagalit nga ba sya o ano
"Oo Cheska, pinagpaalam na ikaw ni Miguel sa akin, pero kasma si Jamilla ha, at bago mag 6 andito na kayo sa bahay" tapos tumingin sya kay Miguel "Miguel kung gusto mo makaulit ng aya sa kapatid ko at makabisita parati dito wag mo sisirain ang usapan natin ha? Pumayag na ako na hanggang 6 kayo kaya wag na wag kang sisira"
"Opo ate!" sabay saludo nya kay ate na akala mo sundalo sya
"O sya sige na Cheska maligo ka na si Jamilla, nag aayos na" utos sakin ni ate
Aba! ang batang un! nauna pa skin excited lang!! hmmm parang ang bait ni ate ngaun ah...
Pumanhik na ako sa taas para mag ayos at maligo
Pagkatapos ko maligo namimili na ako ng susuotin ko. hanggang sa napili ko ang isang blouse na pink at jeans tapos mag doll shoes na lang ako.. nag hairband na lang ako para kht papano maayos ang buhok ko. nag popolbo na ako ng bigla my kumatok
"Cheska" si ate pala ang kumakatok kaya pinagbuksan ko sya. Hay kinabahan ako bigla dahil mamaya nyan bigla nya ako saktan
"Po?" sabi ko kay ate na syang pumasok na sa kwarto ko at umupo sa kama ko
"Si Miguel pala ay anak ni Mayor?"
"Opo," sagot ko
"Hmmmm... okay kung sya din naman ang magiging boyfriend mo papayag ako, kahit papano ginagamit mo din pala yang utak mo"
"Wala pa sa isip ko yan ate, masyado pa kaming bata" paliwanag ko
"Sinasabi ko lang na kung balak mo mag landi sya na lang atlist mabubuhay ka dun, saka kung iboboyfriend mo na Cheska sinasabi ko sayo wag kang magpapabuntis! kontrol kontrol muna ha! gamitin mo ang kokote mo wag yang puso mo ha!" Sabay duro sa ulo at dibdib ko
"Opo, masyado pa kaming bata ate, para isipin ang nga ganyan, at pasukin ang mga ganyang seryosong bagay kaya hindi ko naiisip yan ate" nakayuko kong sabi
"Kaya nga pinapaalalahanan lang kita ulit! eh may pagka tanga ka pa naman saka gwapo na mayaman pa, kaya wag mu na pakawalan Saka mukhang patay na patay sayo eh,. Kaya sana maging matalino ka lang huwag kang gumaya sa akin na maaga magpabuntis tapos iiwanan lang ng tatay ng anak. Bago ka mag anak siguraduhin mong may trabaho at ipon ka dahil pag nagkataon hinding hindi kita kakarguhin. Hala cge bilisan mo na tapos na si Jamilla ikaw na lang hinihintay" sabay talikod ni ate at Lumabs ng kwarto ko
Bumaba na din ako pagkababa ng ate ko at nakita ko si Jamilla at Miguel magkatabi at tawa ng tawa si Jam kay Miguel.
Tumikhim ako dahilan para mapansin nila ako
"Cess, jan ka na pala" sabay napatitig saakin
"Ai wala poster ko lang to" sabi ko
"Si ate cess , vice ganda lang ang peg?? haha tara na nga dali! dami plano ni kuya Migs!" sabay hila sakin palabas ng bhay
"Sige po ate alis na kami" paalam ni Miguel kay ate
"Okay sige. Mag iingat kayo. Miguel ha ang bilin ko wag kang sisira?" sabi ni ate kay miguel
"Naman ate! para makaulit ng paulit ulit hehehe"
"Okay sige ingat!" paalam samin ni ate
"Ate cess, bait ni mama ngaun noh? sana jan na lang palagi si kuya Migs para lagi sya mabait sayo nalaman kasi nya anak ni mayor kaya hindi nya nagawang magtaray" bulong sakin ni Jam
Pumasok na kami sa kotse at tumabi sakin si Jam
"Jam, pwede ba tabi kami ni ate cheska mo? sa harap ka na lang?" pakiusap ni Miggy kay Jam
"Ayaw, di ba kuya bawal ang bata sa harapan?" Sagot ni Jam napangiti na lang ako
"Sa mga bus lang at jeep un sige na Jam bibili kita maya ice cream promise!" panguuto nya kay Jam
"Kuya Migs, bawal nga okay? pag malaki na ako 10 years old pa lang ako kya ndi ako pwede jan, gusto ko katabi si ate cess. jan ka na lang po sa harap dahil mas matanda po kayo sakin" paliwanag ni Jam
"Sabi ko nga....... kainis!" bulong ni Miguel sa huling salita
"May sinasabi ka kuya?" tanong ni Jam
"Wala ah, sabi ko ang ganda mong bata!" sabay kurot sa pisngi ni jam
"Aray ko! kuya! tama na ! ate oh" sumbong sakin ni Jam
"Miguel tama na nga haha, akala ko ba magkasundo kau pa ang close na close kayo kanna tapos ngaun" suwaynko sakanila
Ngumuso Na lang si Miguel sa sinabi ko
"Nakakatuwa naman po yang pamangkin mo Ms. Cheska, parang matanda na magsalita, hindi pinalusot tong si Sir Migs" tawa twang sabi ni kuya Jose
"Isa ka pa kuya, geh pagtulungan nyo akong tatlo!" sabi ni Miguel
"Hahaha ikaw talaga Miguel, haha opo kuya ganyan yan minsan parang mas matanda pa sakin tong si Jam," sabi ko kay kuya jose
"Ang bibong bata ang ganda pa parang ikaw lang" nakangiting sabi ni kuya
"Tama ka kuya! mana ako kay ate cheska at hindi kay mama hehehe" singit ni Jam
"Mas magiging kamukha ka ng ate Cheska mo kng pinatabi mo ako kasi mabait ang ate Cheska mo" sabi ni Miguel kay Jam
"Kuya Miguel, stop ka na okay? may balak ka lang ata bad kay ate Cheska eh ska di ba nililigawan mo si ate dapat mabait ka skin okay? kasi love ako nyan pag ako inaway mo baka mabasted ka kaagad di ba ate?" sabay tingin sakin ni Jam natatawa na lang ako at napatingin kay Miguel na ang reaction ng mukha ay di maipinta
"Oo na!" sabi ni Miguel "tara na kuya sa Mall baka mabasted ako ng di oras"
Nagtawanan na lang kaming tatlo nila kuya jose at Jam.
BINABASA MO ANG
A Good Love
RomanceBuong buhay ko isa lang naman ang hinihiling ko.Ang mahalin ako ng mga taong mahal ko. Ang maramdaman ko kung paano ako pahalagahan ng mga taong pinapahalagahan ko.May dadating pa ba na magpaparamdam sakin na totoo ang pag-ibig? Na maipaparamdam din...