Chapter 12

27 1 0
                                    

"Ate Cheska ung assignment ko lagay mo na lang sa lamesa sa kusina ah," sigaw ng pamangkin ko

"Okay sige lagay ko na lang dun bago ako matulog"

"Matutulog ka na ba?" Tanong ni jam

"Oo tapusin ko lang to. " sagot ko sakanya

"Okay! good night ate Cheska!! muah!!" paalam nya

Napangiti ako. "good night too.. muah muah tsuptsup!!!" ang sweet talaga ng pamangkin ko sakanilang dalawa ni jenny si jamilla ang panganay at matuturing na sweet sa kanila dalawa kaya pati assignment na sila dapat ang gumgwa ako na lang tutal wala nman na ako assignment.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatpos ko gawin ung assignment ni jamilla. kumuha lang ako ng gatas at pumasok na sa loob ng kwarto ko.

Hindi pa ako masyado antok kaya nagbukas muna ako ng facebook sa cellphone ko.wifi kasi tong bahay hehe...

Nagscroll ako ng nagscroll hanggang sa may makita akong post. post un ni Miguel at pic naming dalawa ang nakalagay dun. ung nkasideview ako taz sya din nkasideview habang nag gagawa kami ng assignment sa library at ang caption..

SARAP MAG ARAL PAG NAKIKITA MO ANG INSPIRASYON MO

Ang daming likes 110 likes pati comment ung iba heart ang comment ung iba naman tinag nila ako. pero may isang comment na pumukaw ng atensyin ko

Ian Pangilinan : swerte mo naman brad.

May kung anong lungkot na hindi ko mawari ang naramdaman sa comment na yun ni Ian

Naalala ko tuloy ang mga nagyari at Napapaisip ako sa sinabi ni ian sakin nung isang araw, sa mga pinag usapan namin,

Flashback

"Huli na ba Ako Cheska?"

Napatigil ako sa sinabi ni ian kaya hinarap ko sya

"Huh"tanging nasabi ko

Tahimik lang sya at hindi makatingin saakin

"Ano ulit ung sinabi mo?"

"Naalala mo ba ung sinabi ko sayo dati?" tanong nya sakin at lumapit sya

"Huh?" tanong ko nman sknya.

"Na gusto kita Cheska, at gusto din kita ligawan.." sagot nya sa akin..

" ah un ba ah eh ih.." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko

"Gusto mo na ba sya?" putol nya sa sinasabi ko at tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"Ha? Sino?" tanong ko

"Si Miguel Lopez... gusto mo ba sya Cheska?" Tumitig sya sakin na tila wari ay pinagaaralan nya ang mukha ko na tila doon hinahanap ang magiging sagot ko

"Huh..? si Mi..miguel, nanliligaw pa naman sya eh" sagot ko

"Pero gusto mo na ba sya?"

Hindi ako makasagot, gusto ko na ba talga si Miguel? hindi ko alam.. ewan..

"Siguro nga gusto mo na sya kasi hindi ka makasagot, saka sa dami ng nagtangkang manligaw sayo tanging si Miguel lang ung pinayagan mo manligaw" sabi nya, nakita ko may kung anong lungkot sa mga mata nya, ng mapansin nyang nkatitig ako sakanya umiwas sya ng tingin,

"Oo, pinayagan ko sya manligaw pero hindi ibig sabihin nun gusto ko na talaga sya," napatingin sya sa akin " hindi ba pag manliligaw ka ay para patunayn sa nililigawan mo na karapat dapat ka Pagkatiwalaan o mahalin yun naman ang purpose nun hindi ba,," at umiwas ulit sya ng tingin saakin "kapag pinayagan kayo ng nililigawan nyo na magpaligaw, hindi ibig sabihin nun assurance na un para sagutin kayo., at malinaw kay Miguel lahat un," napatingin na sya saakin ng tuluyan

A Good LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon