Chapter 2: Woman of few words

291 21 11
                                    

Takbo. Takbo. Takbo.

Eto nanaman ako, mapa-bus man o lrt late pa rin ako.

Lagi ko nalang hinahabol ang oras. Hays. =.='

Sumasakit na nga yung sa may gilid ng tiyan ko eh.

Habang papatawid ako...

*POOOTTT POOOOTTTT

Paglingon ko, nakita ko na may kotse na mabilis na patungo sa kintatayuan ko. Takte, Siguro nga eh hinahabol na talaga ako ni kamatayan. Parang kinain ng lupa ang mga paa ko kaya nanigas na ako dun kaya inilagay ko nalang ang dalawang kamay ko sa mukha ko at pumikit.

*SHRRRIIIEEEEKKKKKK. CLICK (Tunog ng pagbukas ng kotse. hehe. bare with me.)

"Miss, are you alright?"

Hmm... Pamilyar ang linya. Pamilyar ang boses. *singhot*singhot* at pamilyar din ang amoy.

Tinanggal ko yung kamay ko na tumatakip sa mukha ko at minulat ang mga mata ko para makumpirma kung tama nga ang hinala ko. At ayun, tumpak! Bingo! Nadali ko ang Jackpot!

"S-s-san Pedro? Naku pasensya ka na ha? Late na kasi ako kaya nagmamadali ako. Sorry talaga." Pinagdikit ko yung dalawang kamay ko na parang nagdadasal at yumuko sa kanya.

He patted my shoulders. "Ikaw pala yan Miss train girl. Mahilig ka talagang magpasagasa noh?"

Miss Train Girl? That means naaalala niya ko. Huwaa~ Oy nakakakilig yun noh! At ayan nanaman yung ngiti niyang nakakapantunaw naman talaga. >_<

"Tara, sumabay ka na sakin, mahirap na baka matuluyan ka sa daan. Sa Northern Bridge University ka rin naman papunta diba?"

At dahil nasa gitna kami ng kalsada, wala na akong panahon para magpakipot pa. I just smiled and nodded at him. He opened the door for me. Kita niyo naman ang pagkagentleman nitong si San Pedro.

Ang bango bango sa loob ng kotse niya, hindi nakakahilo. Tapos may naka-sabit pa na car rosary dun sa may rearview mirror niya. Pagtingin ko sa may likuran may nakita akong lab gown. Sa kanya kaya yun?

"San Pedro, ano nga palang course mo?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti nanaman siya. Buti nalang sa daan siya nakatingin at hindi sakin kundi baka nasunggaban ko na 'to bigla. hehehe. Ay ano ba yang iniisip mo Harmony. Behave.

"Just call me Philip, hindi ako kumportable sa San Pedro eh, di pa naman ako ganun katanda. Haha. 3rd year nursing student ako. Ikaw pala Miss, what's your name?"

Philip? Sus kaya naman pala eh, pangalan palang pang prinsipe na. Naalala ko si Prince Philip sa Sleeping Beauty eh.

"Prince Philip, pwede bang ako nalang ang maging Princess Aurora mo?" Sabi ng bibig ko habang naka-tingin sa mala-prinsipe niyang mukha. Pero napansin kong biglang nagtaka yung expression ng mukha niya.

"I'm sorry, ano ulit yun?" Tumingin siya sakin kaya napabalik ako sa realidad at narealize ko kung ano yung sinabi ng bibig ko sa kanya. Naramdaman ko na naginit ang buong mukha ko kaya umiling-iling ako na parang aso habang sinasampal ng mahina yung dalawang pisngi ko.

"Aah, I mean... ano... Harmony, Harmony ang pangalan ko, 3rd year psych."

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo... kasing ganda mo." Joke lang. Wala siyang sinabi na "kasing ganda mo" nangangarap lang ako. Hehe.

Operation: Jerk to Gentleman [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon