Chapter 6.2: The Deal

196 15 2
                                    

Red's POV

Hay sa wakas pinagbuksan din niya ako ng pinto, "Tsk. Pagbubuksan mo rin naman pala ako nagpapakipot ka pa jan."

Pagsasarhan niya dapat ulit ako buti nalang alisto ako at naharang ko agad yung pinto gamit ang kamay ko. "Oh oh! Eto naman, hindi ka naman mabiro." ^____^v

"Wala akong panahon sa pagbibiro."

Pumasok na ako kaagad, mahirap na baka pagsarhan nanaman ako ng babaeng 'to. Umupo ako dun sa sofa nila. Pagkatapos niyang i-lock yung pinto, tumayo naman siya sa harapan ko na naka-crossed-arms, "Sige, papatuluyin kita dito sa bahay ngayong gabi, ngayong gabi lang, bukas maghanap ka na ng ibang matutuluyan."

*KRUUUUUUUUUUUU~

Nauna pang magreact yung tiyan ko kesa sa bibig ko dun sa sinabi niya. Aiissh!

"Pfft..."Tumalikod siya sakin pero kitang-kita ko naman yung balikat niyang nagtataas-baba. Loko 'tong babaeng 'to ah!

"Hoy! Anong tinatawa tawa mo jan? Masisi mo ba yung tiyan ko eh kanina pang lunch yung huling kain ko!!!"

Pumunta siya dun sa may kusina, kinuha niya yung takure tapos nagpainit siya ng tubig. Nakikita ko lahat ng ginagawa niya kasi maliit lang naman yung bahay nila, mas malaki pa nga ata yung kwarto ko kesa sa buong bahay nila eh.

"O! Halika na dito sa lamesa, cup noodles lang 'to ha! Wag ka nang maarte sa pagkain, matatagalan kasi pag nagluto pa ko."

"Cup noodles? Safe ba yan? Baka malason ako jan!" Wala akong tiwala sa babaeng 'to eh.

"Ayaw mo? Edi wag ako nalang kakain."

"Teka teka! Wala naman akong sinabing ayoko eh."

Nginitian niya ko ng nakakaasar. May magagawa pa ba ko? Kinuha ko sa kanya yung cup noodles na inangkin niya. Nagmamakaawa na kasi sakin yung tiyan ko eh. Hays. Ngayon lang ako kakain ng ganito, anak ng sea lion, pag ako talaga namatay dito. Aynaku. Magkatapat kami ngayon habang kumakain.

"Oy ikaw, ikaw lang ba magisa ang nakatira dito?" 

"Hindi ah, dalawa kami ng papa ko, kaya nga lang nagpunta siya sa Italy dahil sa work niya. 1 month siya dun kaya magisa lang ako ngayon dito."

"Oh ayun naman pala eh. *higop sabaw* Edi dito muna ako ng isang buwan!"

"Ha!? Hindi pwede noh. Ano nalang sasabihin ng papa ko pag nalaman niyang nagpapatulog ako ng lalake dito sa bahay tapos lalakeng kagaya mo pa!"

"Anong ibig mong sabihing kagaya ko ha? *kain noodles* Ayus-ayusin mo 'yang pananalita mong babae ka kung ayaw mong masapak!"

"Yan! *tutok sakin ng tinidor* yan mismong ugaling yan! Hay nako kailan ka kaya matuto ng magandang asal. Kahit ata ipagnovena pa kita sa isang libong mga santo hindi ka na titino." Napalunok naman ako dahil sa pagtutok niya sakin ng tinidor.

Napatigil ako sa pagsasalita at paglamon kasi parang may naaalala ako,

Believe me son, this is for your own good. I just want you to learn your lesson. Pababalikin lang kita kapag naayos mo na yang buhay mo!

Pababalikin lang kita kapag naayos mo na yang buhay mo!

Pababalikin lang kita kapag naayos mo na yang buhay mo!

Operation: Jerk to Gentleman [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon