"The stars look a lot brighter tonight." says my father.
I looked at my father and smiled at him. Kasalukuyan kaming nasa bubungan ngayon na nakahiga habang pinapanood ang mga bituin.
<( ' _ ' )> <(/ ' _ ' )>
"Siguro pinakiusapan sila ni mama na mas magningning ngayong gabi kasi nakita niya tayo dito sa bubungan, noh pa?. Haha."
Namatay ang mama ko while she was giving birth to me kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makita at mahagkan man lamang siya. Pero sobrang swerte ko pa rin sa papa ko dahil hindi naman niya ako pinabayaan at inaalagaan niya ako ng maayos.
Ilang minuto lang I heard a warm and comforting voice singing...
"When it rains it pours and open doors
And floods the floors we thought would always keep us safe and dry
And in the midst of sailing ships we sink our lips into the ones we love
That have to say goodbye"
(*para sa mga di nakaka-alam nung kanta, nasa gilid po yung video, i-play niyo nalang. :))
Pinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang napaka-gandang boses ng papa ko.
"And as I float along the ocean
I can feel you like a notion that won't seem to let me go."
Magaling kumanta ang papa ko, he's a talented musician. Marunong siyang tumugtog ng violin, flute, at ng piano and so is my mother. Pareho silang member ng iisang orchestra at doon nabuo ang feelings nila para sa isa't isa.
"Cause when I look to the sky something tells me you're here with me
And you make everything alright
And when I feel like I'm lost something tells me you're here with me
And I can always find my way when you are near"
I can feel his longing desire for my mother through his voice, his loneliness and love for her. Ewan ko ba ba't di ako nabiyayaan ng magandang boses, hindi ko tuloy masabayan si papa sa pagkanta kahit na gustong-gusto ko, baka masira kasi yung moment eh. hehe.
Umupo ako. "I miss her, pa. I just wish I had the chance to be with her."
Umupo rin si papa at nilagay ang kamay niya sa balikat ko, "She is always with us anak."
I smiled at my father, and by that, bumaba na kami at natulog na.
**
*TOK TOK TOK
"Pasok lang!" sigaw ni papa mula sa kainan. Maliit lang ang bahay na inuupahan namin kaya maririnig na yun nung kumakatok. Bumukas naman ang pinto.
"Goooooood morning Titow! Si Harie powz?"
Lumabas ako ng kwarto at niyakap ko na si Papa. "Layas na kami Pa ha, babye!" Sinarado ko na ang pinto.
"At ikaw naman bakla, ang tagal mo ha, parang ang layo ng bahay mo eh nanjan ka lang sa kabila, usapan natin 7:00 anong oras na? 7:30 na!"
"Ito naman, Chillax ka lang sister, friday na nga lang tayo nagsasabay papasok dadakdakan mo pa akez."
"Hay ewan ko sa'yo inuuna mo pa kasi yang kalandian mo. Kamukha mo na nga si mcdo kaka-make-up mo eh kita mo yang mukha mo oh?"
BINABASA MO ANG
Operation: Jerk to Gentleman [HIATUS]
Teen FictionMars is the God of War, at alam niyo kung anong kulay ng Mars? PULA! Tss. Bagay talaga kay Red ang pangalan niya.