Chapter 4: Bango ni San Pedro

271 14 5
                                    

Tinignan ko yung relo ko, 8:35 am palang pero palabas na ako ng university. Kakatapos lang kasi ng kaisa-isa kong klase kapag sabado. Nadaanan ko yung covered court, narinig kong may nagdi-dribble ng bola. Ang aga ata ng practice ng varsity ngayon?  Dahil dakilang usi ako, sinilip ko yung loob nung court.

Isang tao lang yung nandun. Hinagis niya yung bola pero hindi niya na-shoot sa net.

"Aiish! Ano ba! Bakit ayaw mong lumusot dun sa net ha?". Rinig kong reklamo niya. Kinuha niya yung bola at sinubukan ulit i-shoot pero hindi parin pumasok, napakamot tuloy siya ng ulo.

Pawis na pawis na siya pero ang gwapo parin niya, parang nakinang nga yung pawis na tumutulo mula sa buhok niya eh. Haha. Siguro kanina pa siya nandito. 

"Ay naku naman, ayaw makisama oh!" Reklamo niya ulit sa bola. Hinagis nalang niya kung saan yung bola, hinilamos niya yung kamay niya sa oh-so-handsome face niya tapos humilata siya dun sa gitna ng court na hingal na hingal.  Natatawa ako, hindi pala marunong magbasketball 'tong si Philip. Natatawa rin ako sa reaksyon niya, marunong pala siyang mainis.

Pumasok ako sa loob ng court, kinuha ko yung bola, pumuwesto ng maayos, nag-aim and...

YES! Three-point-shot!

Dali-daling umayos ng upo si Philip at lumingon sa direksyon ko. Huwaa~ ~(*´ ▽`*)~ ang cute ng gulat na expression niya.

"Good morning!" (^v^)Tinagilid ko pa ng kaunti yung mukha ko habang binabati ko siya. Langya. Ang landi ko pagdating kay Philip.

Tumayo siya at lumapit sakin, "Ikaw pala yan Harmony, aiish, nakakahiya kanina ka pa ba anjan?"

"Hindi naman, kakarating ko lang. Kakatapos lang kasi ng klase ko, pauwi na sana ako kaya lang nakita kita eh. Ikaw, kanina ka pa ba andito?"

Yumuko siya ng kaunti at hinawakan yung batok niya, halatang nahihiya siya, "Mga dalawang oras na nga ako dito eh, kailangan ko kasi matutunan i-shoot 'tong bola. Basketball kasi ang P.E. ko ngayon eh hindi naman ako marunong nito. Mahirap na baka mababa ang ibigay sakin ng Prof."

Kung ako dakilang usi, itong si Philip dakilang mag-aaral. At dahil gusto ko pa siyang makasama ng matagal, kinuha ko na ang opportunity na ito, Huwahaha!

"Wala na naman akong klase eh, gusto mo tulungan kita?"

"Talaga?! Hay Salamat, malaking tulong ka Harmony!" Umaliwalas yung mukha niya, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib tapos yung tinik na yun naging mga paru-paro at lumipat sa tiyan ko.

"Wala yun, ilang beses mo narin naman akong tinulungan eh. Osya, ano? Umpisahan na natin?" Bakit parang ako yung dumadamoves? xD

 Mga isang oras ko rin siyang tinuruan. Ewan ko ba kung bakit parang bumilis yung oras, parang isang minuto lang kasi yung isang oras na yun. Dibale, sulit na sulit parin talaga, maalala ko palang yung mga ngiti niya pag nakaka-shoot siya solve na ko. Lalo na kapag maiiisip mo na isa ka sa mga dahilan kung bakit siya ngumingiti ng ganun. 

 Kasalukuyan akong nasa bleachers ngayon at hinihintay ang prinsipe ko ay este si Philip, nagshower lang siya saglit. Sinabi ko rin kasi na ako na ang magbabantay ng gamit niya, baka kasi may magnakaw habang nag-sha-shower siya diba? Paraparaan lang yan, haha oo na, malandi na kung malandi. 

 Ilang minuto lang dumating na rin siya. Fresh na fresh. Ang linis linis niya, ang bango bango! Bagong ligo man o hindi. Haha. Ganun siguro talaga pag nurse.

"Tara Harmony, kain tayo sa labas, I'll treat you." Kinuha niya yung kamay ko at hinila ako palabas.

Kinuha niya yung kamay ko...

Operation: Jerk to Gentleman [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon