Chapter 6.1: The Deal

244 14 1
                                    

Harmony's POV

Hays. Anong oras na pero hindi pa rin talaga ako makatulog, hindi ako sanay na magisa lang ako sa bahay. Si papa naman kasi eh papunta-punta pa sa Italy. Huhu. T ^ T

*BRROOOGGSHH!

Ayy susme! Ano ba yun? Tumayo ako mula sa kama ko para silipin kung saan nanggaling yung tunog pero may naaninag akong dalawang anino ng tao sa bintana ng kwarto ko kaya napayuko tuloy ako.

"Dito nalang ba natin iiwan yun, tol?"

"Oo, jan pinapatapon ni bosing eh, para daw madilim walang makakapansin. Tara na bilis! Pag nagkamalay yan yari tayo!"

Hala! Ano yun? Bomba? Ay hindi "pag nagkamalay" daw eh. Hmmm... baka aso? Pwede ding buwaya. Tigre? Baka naman leon? Shet, baka fetus, uso itapon yun ng mga walangyang tao ngayon eh.

Nung masiguro ko na umalis na yung dalawang taong yun, binuksan ko ng maigi yung bintana tapos sumilip ako dun sa pinanggalingan kanina ng tunog, pero ang dilim talaga kaya hindi ko makita. At dahil nga dakilang usi ako, lumabas ako at kinatok sa kabilang bahay si Jiro. Pagbukas niya ng pinto hinatak ko na siya agad.

"Hoy sissy wherelalu mo ba akez dadalhin?"

"Doon oh, dun sa madilim!"

Tinabing ni jiro yung kamay ko na humahatak sa kanya. Paglingon ko sa kanya nakayakap siya sa sarili niya tapos yung tingin niya sakin parang natataeng, naiiyak na ewan.

"Sissy, I-i can't believe na magagawa mo sakin 'to?"

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo jan? Tara na nga!" Hahatakin ko dapat ulit yung kamay niya pero iniwas niya agad.

"Oy ano bang problema mo bakla! Tara na kasi!"

"I treated you like a real sister tapos eto ang igaganti mo sakin? Pagsasamantalahan mo ang oh-so-gorgeous body ko!?!"

Lumapit ako sa kanya tapos piningot ko yung tenga niya.

"A-a-arayyyy! Harie anubey!!!"

"Ikaw kasi ang OA OA mong bakla ka kahit kelan! Kilabutan ka nga jan sa pinagsasasabi mo! Titignan lang natin kung ano yung tinapon dun nung mga nakakapanghinalang mga lalaki!"

Nagpatuloy kami sa paglalakad, "Mga papable? Asan? Anong tinapon? Hindi kita magetchiwa sissy!"

"Hay nako, basta mamaya ko nalang ikukwento."

As we approach, may naaninag akong shape na parang paa ng tao. Siomai, ba't ba kasi tapang-tapangan ang peg ko ngayong gabi? Unti-unting nagiging malinaw sa paningin ko ang bagay na iniwan dun nung mga lalaki, mali pala, hindi siya bagay, kundi tao. >__< Humarap at hinarangan ko agad si Jiro.

"Ah J-j-jiro, w-w-wag na pala natin tignan, i-i-inantok ako b-b-bigla eh. tara na u-u-uwi na tayo." Pagaaya ko kay Jiro.

"Ay, ano yun sis? Inistorbo mo ang beauty sleep ko just for nothing? Ano ba yun?"

"Eeee... w-wala pala, b-b-basura lang pala yung tinapon nila. T-tara na tulog na tayo!"

"Eh bakit parang pinagpapawisan ka jan ha? Ang lamig lamig naman dito sa labas? Alis nga jan ako nalang titingin." Nilagpasan niya ko.

(・_・;) -------------AWKWARD SILENCE----------------------( ゚ Д゚)

"SISSSSSYYYY!!!" Nakakabinging sigaw ni Jiro.

Operation: Jerk to Gentleman [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon