Chapter 5: The Beginning

245 15 4
                                    

Red's POV

"Red, please, pumunta ka na sa shop, malapit lang naman yun eh. Ikaw na muna ang mag-manage dun, may business meeting ako sa Batangas ngayon. Kundi lagot ka na talaga kay mom at dad!"

"Aiish.. ate naman, linggo ngayon, dapat wala akong ginagawa tsaka ano bang silbi ng mga empleyado natin kung kailangan din palang nandun ako ha?!"

"Dapat matuto ka na kung paano magmanage ng shop, baka nakakalimutan mo na family business natin yan! Puro kalokohan lang kasi ang inaatupag mo eh! Akala mo ba hindi nakakarating kay mom at dad 'yang mga pinaggagagawa mo?! Naku, pag napuno talaga--"

Hindi ko na pinatapos magsalita yung ate kong bungangera na parang laging nakalunok ng megaphone!  Ang dami daming sinasabi, nakakarindi, para pang sirang plaka, paulit-ulit.

Ringing tone~

So what we get drunk, so what we smoke weed

We're just having fun, we don't care who sees

So what we go out

That's how it's supposed to be

Living young and wild and free

Pagtingin ko si Ate nanaman. Tsanggala naman oh, hindi ako titigilan neto eh. Sinagot ko yung tawag niya pero nilayo ko sa tenga ko yung cellphone.

"HOW DARE YOU PARA BABAAN AKO NG PHO---"

"FINE! FINE! I'LL GO OKAY? PUPUNTA NA AKO SA SHOP. JUST STOP BLABBERING! TSS."

"Good. Pupunta ka rin naman pala eh."

Binaba ko na ulit yung cellphone ko, badtrip naman oh. Kaya nga ginawa ang linggo para magpahinga eh. Tumayo na ako sa kama tapos nag-ayos na. Bakit kasi kailangan pang pumunta dun, manguuto lang naman ako ng mga tao para bumili samin. Tae talaga.

Inangat ko yung telepono sa kwarto ko na nakakonekta sa mga telepono sa baba para sa mga katulong. Buti naman may sumagot agad kundi lagot talaga sakin 'tong mga katulong na 'to.

"H-h-hello s-s-sir?" Ano ba 'tong mga 'to parang hindi marunong magsalita. Lagi nalang nanginginig yung mga boses. Tss.

"Hoy ikaw sabihin mo dun sa driver ko, ihanda niya yung kotse ko. Pupunta kamo kami sa Durante's Allegro! Naiintindihan mo!?"

"Y-y-yes po s-sir." Binagsakan ko na sia ng telepono. bwisit na mga katulong 'to.

Pagkatapos ko mag-ayos bumaba na ako, paglabas ko naman ng pinto nakaready na yung kotse. Buti naman. Sumakay na ako sa loob.

"Good morning sir!" Pambungad sakin nung driver. Tss. Ano bang maganda sa umaga? Kundi lang talaga ako tinatamad na magdrive ngayon eh hindi ko pagtsatsagaan 'tong driver na 'to.

Oo na! Lagi naman akong ganito eh, high blood. Eh pakialam niyo rin ba? Kayo na nga 'tong trespassing sa isip ko magrereklamo pa kayo! Buong byahe nakakunot lang yung noo ko at nakatingin sa kawalan. Eh badtrip nga kasi diba?

"Andito na po tayo sir." Lumabas ako ng kotse at sinarado ng malakas yung pinto.

Habang papasok ako sa shop, nakita ko sa loob yung babaeng nambuhos sakin ng tubig dati sa cr at nang-iwan sakin sa hallway. Kasama niya yung bading na kaibigan niya. Wag niyong sabihing bibili sila samin, aba mahal kaya ang presyo ng mga instruments namin.

Operation: Jerk to Gentleman [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon