MAPUPUDPOD na ang mga daliri ni Claudette pero hindi pa rin sinasagot ni Jerry ang cellphone nito. Kunsabagay, kailan ba nito sinagot ang mga tawag at text messages niya? Nanghiram na siya ng cellphone sa mga kaibigan niya para lang hindi nito malaman na siya ang tumatawag at sagutin nito ang tawag ngunit nanatili siyang bigo. Inis na inis na siya.
Wala pa kasi ito sa party ni Hero. Kanina pa niya ito hinahanap pero ni anino nito ay hindi pa niya nakikita. Si Morris lang ang nakita niya roon. Ayaw naman niyang lapitan at tanungin ito dahil inis siya sa lalaking iyon. Noon kasi, kapag tinatanong niya ito kung nasaan ang pinsan nito ay hindi nito sinasabi ang totoo. Nagtuturo ito ng lugar kung saan wala naman si Jerry. Itinatago nito ang pinsan nito sa kanya. Kaya walang sense na kausapin pa niya ito at tanungin kung bakit hindi pa rin dumarating si Jerry.
Muli siyang nag-attempt na tumawag dito. Matapos ang ilang ring, sa wakas ay nasagot din ang tawag niya. "Jerry, where are you?" tanong kaagad niya.
"He's busy driving," tinig ng isang babae sa kabilang linya.
Kaagad ang pagsasalubong ng mga kilay niya. "Who's this?" marahas na tanong niya.
"Starr."
Her eyes widened. "Starr? Starr Villamonte?" she almost snapped.
"Yes, that's me!" masiglang tugon nito.
Starr Villamonte! She was her fashion rival in school. They did not get along because she hated the fact that Starr had a great fashion sense. Minsan ay natatalbugan nito ang porma niya. At hindi lamang iyon, na-dethrone siya nito sa Campus Sweetheart pageant title. And like her, Starr was a brat. She did not like her. Hindi siya makapaniwalang magkasama ito at si Jerry sa mga oras na iyon.
"Why are you holding Jerry's phone?"
"Because he's driving and he couldn't answer calls."
"What are you doing in his car?" she did not hide her anger.
"He's driving me home."
She gasped in surprise. "What?"
"You're disturbing us."
Naggiritan ang mga ngipin niya. Halata kasi na ginagalit siya nito. "You bitch!"
"Bye!" At nawala na ito sa linya.
Ibinato niya sa sahig ang cellphone na hawak.
"Claudette! That's my phone you just broke!" tila naghihisteryang wika ni Pria.
Hindi niya pinansin ang kaibigan. Nanggigigil sa galit na hinarang niya ang nagdaraang drink server at kumuha ng isang baso ng alak doon. Nilagok niya iyon kahit hindi talaga siya sanay uminom.
"Hey, what's wrong?" tanong ni Michie na lumapit sa kanya.
"That bitch, inagaw niya sa akin si Jerry!" malakas na tugon niya.
"Who?"
"Starr Villamonte."
"Starr? That's impossible. They are political rivals, aren't they?" pagre-react ni Raizy.
"Iyon na nga rin ang ipinagtataka ko, eh. Pero siya ang sumagot sa phone ni Jerry! Nasa kotse siya ni Jerry! At ihahatid daw siya ni Jerry sa bahay nila!"
Takang-taka ang mga hitsura nina Michie at Raizy.
"Lagot sa akin bukas 'yang Starr na 'yan. I will scratch her face off!"
"We're just right behind you, sis. Whatever you want to do with her, we'll help you," nakataas ang isang kilay na wika ni Michie.
Her friends had a lot of use. They could be her friends, assistants and bodyguards. She could ask for anything and they would give it to her. She could criticize and make fun of them and they would not get mad. In return, she also kept them protected, popular and envied by many like her.
BINABASA MO ANG
CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED]
Romance*RAW AND UNEDITED VERSION* Claudette was the campus queen bee. Siya na yata ang pinakamaldita sa buong SCU. But because she was beautiful and popular, she could always get away with anything. Akala ng mga tao, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin. Pe...