LUMABAS si Claudette sa veranda mula sa kanyang silid tulad ng ginagawa niya sa tuwing gigising sa umaga. Mataas na ang araw nang magising siya. Napuyat kasi siya sa kaiisip sa nangyari kagabi. Halos buong magdamag niyang inisip ang halik ni Morris. The kiss was explosive. Hanggang sa mga oras na iyon ay tila nararamdaman pa rin niya ang mga labi nito. Hindi ganoon ang balak niya. Hindi dapat siya nagpahalik nang ganoon dito. At mas lalong hindi dapat niya nagustuhan ang halik nito. She hated him. Bakit niya nagustuhan ang halik ng isang kaaway?
Napapitlag siya nang biglang may marinig siyang pagtikhim. Hindi niya namalayan ang paglabas ni Morris sa veranda dahil gulung-gulo ang isip niya. Para siyang tangang napatulala nang makita itong nakatingin sa kanya habang nakasandal sa barandilya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang magrigodon ang tibok ng puso niya.
He looked so handsome, wearing a slight smile on his lips. His lips... they kissed so great. Tandang-tanda niya kung paano gumalaw ang mga iyon sa mga labi niya. She shivered at the thought. Wait a minute. Why did she have to make a big deal out a kiss? It was not as if she had not been kissed before. Bakit kailangang mag-react siya nang ganoon?
"Good morning," bati nito. May kakaiba sa klase ng tingin nito sa kanya.
"Good..." sadya siyang huminto dahil napansin niyang iba ang pitch ng kanyang boses. She cleared her throat. "Good morning," tuloy niya. Bakit ba kailangan niyang mataranta?
"You woke up late this day. Medyo late na rin akong nagising, eh. It's almost lunch. Let's have brunch."
Tatanggi sana siya ngunit naalala niyang kasama ang pagsabay rito sa hapag-kainan sa mga tasks niya. Luto na ang pagkain nila nang maratnan niya sa dining table. Siya ang pinagluluto nito ng almusal dahil puro prito lang naman ang mga kinakain sa umaga. Naisip niyang breakfast-lunch pala iyon kaya may totoong ulam na dapat. Ito ang nagluluto ng mga ulam. May cookbook ito. Tatlong beses siya nitong tinuruan na magluto ngunit sinasadya niyang maging palpak ang lasa kaya hindi na siya nito pinaglutong muli.
Sa hapag ay nagpanggap siyang busy sa pagkain. Hindi siya komportable sa ginagawa nitong pagmamasid sa kanya. She felt so weird. Kailan pa siya nakadama ng awkwardness matapos makipaghalikan sa isang lalaki?
Nagsimulang magsalita ito. "Last night..."
"Last night was nothing!" iglap ay lumabas sa bibig niya. Then she realized how stupid she was. Bakit ganoon ang lumabas sa bibig niya? Hindi ba dapat ay nagfi-flirt na siya rito ngayon dahil kailangan niyang maakit ito para maisakatuparan ang kanyang plano? Pero hindi ba at nasira na niya ang kanyang plano kagabi pa nang iwan niya ito sa dalampasigan dahil sa pagkalito sa epekto sa kanya ng halik nito?
Bahagyang kumunot ang noo nito.
"I mean, kalimutan mo na lang ang nangyari. I was vulnerable and consumed with my emotion at that time. I didn't know what I was doing then." Gusto niyang sabunutan ang sarili sa idinugtong sa sinabi. Bakit kailangan niyang maging defensive?
Tumangu-tango ito matapos siyang titigan. For a moment, she thought he looked disappointed. Ngumiti ito pagkatapos. "Ang akala ko, sinadya mong gawin iyon para akitin ako."
Pinigilan niya ang mapamulagat sa sinabi nito. "Bakit naman kita aakitin?"
"Trick. Para makawala ka sa islang ito."
Ngayon siya naniniwala na mas matalino at tuso nga talaga ito kaysa sa kanya. Natumbok nito ang mismong plano niya kagabi.
Plano niya kagabi... Nakakatawang isipin na biglang naglaho ang kanyang plano. Just because she was strangely affected by his kiss. Ngunit mabuti na lang din pala at hindi niya itinuloy ang kanyang plano dahil mabubuking din pala siya nito.
BINABASA MO ANG
CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED]
Romance*RAW AND UNEDITED VERSION* Claudette was the campus queen bee. Siya na yata ang pinakamaldita sa buong SCU. But because she was beautiful and popular, she could always get away with anything. Akala ng mga tao, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin. Pe...