Chapter 9

2.5K 86 4
                                    


"OMG... so cheesy," humahagikhik na komento ni Pria.

Nagkatinginan sina Claudette at Morris na nang mga sandaling iyon ay magka-holding-hands habang naglalakad sa walkway na papasok sa school. Nahuli pa ni Pria na hinahalikan ni Morris ang kamay niya.

Her friends were shocked when she told them that she and Morris were not official lovers. Hindi makapaniwala ang mga ito. Ngunit tulad ng dati ay sinusuportahan ng mga ito kahit anong nangyayari sa kanya.

"From now on, you must get used to this cheesiness. Okay, Pria?" nakangising sabi ni Morris dito.

"Hi, Morris!" bati ng isang matabang lalaki na nakasalubong nila. Tumingin ito sa kanya ngunit tila nag-alangang bumati sa kanya. Dati na kasi niyang hindi pinansin ang pagbati nito noon.

"Hi, Bonjie! Looking great. Ilang pounds ang nabawas sa 'yo?"

Bonjie was not Morris' friend. Isa lang itong schoolmate na umiidolo kay Morris. "Two pounds?" Tumawa ito. Tumawa rin si Morris.

"You have to work hard, dude."

"Sabi mo, eh." Muli itong tumingin sa kanya.

Nginitian niya ito. "Hi!"

Tila nabigla ito sa ginawa niya gayunpaman ay mabilis na ngumiti ito. "Hi, Claudette! Uhm... bagay kayo ni Morris. Goodluck sa relationship n'yo."

"Thank you, Bonjie. That's sweet of you." Totoong na-appreciate niya ang sinabi nito.

Nagpaalam na ang lalaki. Naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi ni Morris sa sentido niya.

"I'm proud of you, baby. Hindi ka na queen bee ngayon. Social bee ka na," anito.

She smiled. Simula nang bumalik siya sa Maynila ay mas na-appreciate na niya ang mga kaibigan niya at hindi na niya ginagawang alalay ang mga ito. Hindi na niya dine-deadma ang mga taong bumabati at ngumingiti sa kanya at nakikipag-usap na siya nang maayos sa mga taong bagamat hindi niya kasing-antas ay nararapat naman na bigyan ng respeto. She realized she had been very disrespectful and unappreciative then. Gusto rin niyang maging proud sa kanya si Morris kaya tuluy-tuloy ang mga naging pagbabago niya. Her parents were also amazed of her changes. Love had changed her. At masayang masaya siya sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Natanaw niya si Jerry na naglalakad nang medyo malayo sa kanila. Niyon lamang niya nakita ito simula nang magbukas ang eskuwelahan five days ago. Tumingin rin ito sa gawi nila. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Morris was unaware of Jerry's presence from afar because he was busy greeting back some schoolmates. Mukhang hindi pa alam ni Jerry na magnobyo na sila ni Morris. Hahayaan na lamang siguro niya si Morris na magsabi rito ng tungkol doon.

Wala na siyang nadaramang kahit anupaman kay Jerry sa mga oras na iyon kundi guilt. One of these days, kapag handa na siyang humarap dito ay kakausapin niya ito upang humingi ng tawad sa lahat ng mga naging kasalanan niya rito na alam niyang maaaring walang kapatawaran.


"HINDI mo pa pala sinasabi kay Jerry ang tungkol sa atin," ani Claudette kay Morris habang kumakain sila sa Romantico's restaurant.

Natigil ito sa pagkain at pagkatapos ay tumango.

"Why? Dahil ba... galit sa akin si Jerry at hindi niya ako matatanggap na girlfriend ng pinsan niya?" Iyon lang kasi ang tanging dahilan na naisip niya.

"It's not that. Jerry's having some... emotional issues just recently. Parang inconsiderate naman kung sasabihin ko sa kanya na may girlfriend ako."

Naiintindihan niya ito. Alam niya na ayaw nito na makadama siya ng guilt kaya pilit nitong pinagtakpan ang punong dahilan kung bakit hindi pa nito sinasabi sa pinsan ang tungkol sa kanila. But she felt really guilty.

CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon