Chapter 10

2.6K 97 5
                                    


Three years later...

PINAGMASDAN ni Claudette ang karagatan mula sa kinatatayuan sa deck ng naglalayag na yate. Patungo siya sa isang beach sa Palawan kasama ng transsexual na si Dindi---ang kanyang personal assistant---at ang staff at crew ng Vicky G. composed of photographers, stylists, make-up artists, set designer and production assistants.

Vicky G. was a line of clothing owned by a well-known designer Vicky Genares-del Castillo. Iyon ang unang pagkakataong imo-modelo niya ang mga likha nito. Ilang beses na siyang inalok ng kampo ng designer na magmodelo sa Vicky G. collections ngunit tumatanggi siya. Idinadahilan niya palagi na marami siyang projects at hindi niya kayang i-accommodate ito.

Hindi na siya nakatanggi sa pagkakataong ito dahil sa pakiusap ng kanyang mommy. Mukhang nakipag-coordinate ang Vicky G. sa kanyang ina kaya ito na ang nakiusap sa kanya na tumanggap na siya ng projects sa clothing company. Hindi niya sigurado kung alam ng kanyang mommy kung bakit iniiwasan niya na tumanggap ng proyekto mula roon dahil niya sinabi rito ang tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Morris noon.

Vicky Genares was Morris' mother. Wala na siyang galit kay Morris. Ayaw lamang sana niyang magkaroon ng kaugnayan dito. As much as possible nga ay ayaw na niyang makakita ng mga bagay na makapagpapaalala rito. Nalulungkot kasi siya kapag naalala niya ang nakaraan.

Tatlong taon na ang lumipas ngunit sa tuwing sumasagi sa isip niya ang nakaraan nila ni Morris ay nakadarama pa rin siya ng hindi maipaliwanag na lungkot. It was the most painful experience she had in her life, kaya naman natural lamang na hindi niya makalimutan ang karanasang iyon at sa tuwina ay hindi maiiwasang maghatid iyon ng lungkot sa kanya.

She did not want to remember the past anymore. Kaya naman ayaw niya sanang magkaroon ng kaugnayan kay Morris. Kaya lamang ay hindi na siya nakatanggi dahil ang kanyang mommy na ang nakiusap sa kanya. Naipagsabi na raw nito sa mga amiga na siya ang magiging main model ng newest Vicky G. collections. Ayaw naman niyang mapahiya ito sa mga tao kaya tinanggap na niya ang malaking proyektong inaalok ng clothing company.

Bago pa siya nakapagtapos sa pag-aaral ay nagsimula na siyang tumanggap ng mga modeling offers. Naging isa na siya sa mga pinaka-in demand na print, commercial at image models sa bansa. Ngunit ang balak niya ay mag-lie low na sa pagmomodelo after a year or two. Gusto niyang tumulong sa business ng kanyang pamilya.

Nakapagtapos siya ng business management course ngunit hindi sa St. Catherine University. Nag-transfer kasi siya sa ibang college para umiwas kay Morris. Sa palagay kasi niya ay hindi siya makaka-move on kung malapit lang siya rito kaya napagdesisyunan niyang mag-drop out kahit masakit para sa kanya na iwan ang university at ang mga kaibigan. After a year, she was back to dating men but no one made her fall in love again.

Kumunot ang noo niya nang may matanaw ang isang isla na tila pamilyar sa kanya. And it looked like the yatch were heading that way.

"Claudette, darling, do you need anything?" tanong ni Dindi na lumapit sa kanya.

"No. I'm just wondering where we are heading. Hindi nasabi sa akin ni Tita Ness ang exact location ng photo shoot." Si Tita Ness ang kanyang manager.

"Sa isang private island dito sa Balabac."

"Private island?" Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang kabahan sa narinig mula rito. "Sino ang may-ari ng island na iyon?"

"I don't know. Hindi sinabi sa akin ni Tita Ness."

"Ask the crew. Siguradong alam nila."

"Okay." At tumalikod na ito.

Hindi na bumalik si Dindi. Siya naman ay unti-unting nagkakahinala kung saan patungo ang yate na iyon habang papalapit iyon nang papalapit sa islang tinutumbok niyon.

CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon