Chapter 4

2.3K 84 3
                                    


"WHERE the hell is the yatch?" naiiritang tanong ni Claudette kay Morris na tinawagan niya sa cellphone nang makitang walang yate na nakadaong sa lugar na sinabi nito. Ang yateng iyon daw ang maghahatid sa sa mga guests sa islang paggaganapan ng party ni Jerry. Ngunit nang dumating siya ay wala ang yate. Dumating naman siya sa oras kaya imposibleng naiwan siya ng yate.

"Oh, snap! Nakalimutan kong i-inform ka na nagbago ang schedule ng pag-alis ng yate. Mas napaaga."

"What?!"

"I'm sorry. My bad. Nakalimutan ko kasi na kasama ka pala sa mga in-invite ko."

Nainsulto siya sa sinabi nito. Ngalingaling bulyawan niya ito ngunit pinakapigilan niya ang sarili. Baka tuluyan na siyang hindi makapunta sa party kapag inaway niya ito. "So, paano ako makakarating sa island na iyon?"

"Kung gusto mo, sumabay ka na lang sa akin papunta roon. I'll be riding a helicopter. Are you okay with that?"

Kumalma siya sa sinabi nito. "Okay."

"Pero mamayang gabi pa ako bibiyahe."

Mas mabilis kasi ang helicopter kaysa sa yate kaya madaling-araw pa lamang ay umalis na ang yate. Wala na siyang choice kundi ang makibagay dito kahit inis na inis siya sa kapalpakan nito.

Kinagabihan nga ay lulan na sila ng helicopter na pinalilipad ng isang piloto. Habang nakatanaw sa tanawin sa ibaba ay hindi niya naiwasan ang mapangiti sa excitement. Nang magpaalam siya sa kanyang mommy ay sinabi niyang magbabakasyon siya sa isang private island sa Palawan kasama ang ilang kaklase. Hindi naman mahigpit ang kanyang ina at hindi na naman siya teenager para paghigpitan nito. She was allowed to go wherever she wanted to go—in or out of the country.

"Do you plan to stay there for a month?" tanong ni Morris.

Napabaling siya rito.

"Your luggages are heavier than this helicopter," patuloy nito sa pang-uuyam.

Ang sabi nito ay maaari silang manatili sa isla hanggang isang linggo ngunit nagbaon siya ng mga kailangan niya na sobra pa sa pang-isang linggo. "Hindi lang naman mga damit ang laman ng luggage ko. You won't understand being a girl. Anyway, where exactly is the island? Anong parte ng Palawan?"

"I'll tell you when we get there." Ngumisi ito. Hindi niya alam kung para saan ang ekspresyon sa mga mata nito na tila nagdiriwang ito. "You'll surely love your stay there."

Sana nga ay magtagumpay siya sa plano para kay Jerry. Ilang sandali pa ay nakalapag na ang helicopter sa dalampasigan ng isla ni Jerry. The sand was white. Mukhang maganda ang beach sa umaga. May isang malaking cottage house na nakatirik sa di-kalayuan. May ilaw ang buong bahay. May mga ilaw sa paligid niyon na tila mga lamp posts. Puro puno na ang nasa tabi niyon.

Wala siyang nakita ni isang tao sa paligid. Nakapagtatakang walang tanda na may party sa beach. Naisip tuloy niya na baka hindi sa gabing iyon ang party kundi kinabukasan pa. Nang makaalis na ang helicopter ay saka lamang lumapit sa kanya si Morris.

"So, do you like the place?" tanong nito habang nakapamulsa.

"It looks nice. I have to see them in daylight. Where are the people? They should have been here by now, right? Nasaan si Jerry? Bakit parang walang party na mangyayari? Akala ko ba nag-prepare si Mrs. Genares ng isang island party?" sunud-sunod na tanong niya.

"Wala talagang party, Claudette."

Marahas ang ginawa niyang pagbaling dito. "Huh?"

"Walang party. Walang guests at lalung-lalo nang wala si Jerry dito. And this island is not Jerry's but mine. You've just been tricked." Mala-demonyo ang ngising sumilay sa mga labi nito.

CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon