KABANATA 1: KAKAHUYAN

84 6 0
                                    

Habang papauwi sa aming bahay ako ay napadaan sa kakahuyan.
Inalala ang kwento ng aming munting bayan…
'Na ang sino mang pumasok dito'y hindi na makakabalik ng kanyang pinanggalingan.'

Nahintakotan ako at ipinaling ang ulo sa ibang direksyon,
At tinahak na ang daan papauwi sa aming munting tahanan.

Ilang minuto lang at ako'y nakarating,
Sa tahanang aking kinagisnan ng ako'y isilang.
Ang aking ina'y natagpuan,
Sa likod bahay, na nagluluto para sa aming haponan.

Humalik ako sa kanyang pisnge at saka nagmano ng mabilis,
At nagwikang…
"Ina ako'y narito na at aakyat muna upang makapagpahinga."

Ngumiti siya sa akin na abot hanggang tenga,
At tumango na nagpapahiwatig na "sige na…"

Muli akong pumasok at nagtungo sa aking munting silid.
Hinubad ang uniporme at sinabit sa lubid sa tabi ng bintanang gawa sa pawid.
Humiga sa kama at sandaling ipinikit ang mga mata.

Muling inisip ang kakahuyang nadaanan kanina.
Malawak ito, ayon sa sabi-sabi ng iba.
Marami rin daw na mababangis na hayop ang nasa bukana.

Marami ang takot dito dahil sa mga insidente tulad na lamang ng pagkawala ng mga tao na parang bula.

Ngunit kung ako ang tatanungin, hindi ako naniniwala sa sinasabi nila.
Wala naman kasing kasiguradohan yung mga hinala ng karamihan sa kanila.

Kesyo daw maraming engkanto dito,
Maraming mga kaluluwang ligaw,
At maraming kababalaghan ang hindi maipaliwanag ng karamihan.

Ngunit para sakin, ito ay hindi dapat katakotan,
Kundi dapat tuklasin ng mga mamamayan.

Gusto ko 'tong pasukin, at hanapan ng kapaliwanagan.
Dahil magaling ako sa larangan ng hanapan.
'At hindi sa pagmamayabang pero, kaya kong pabalikin ang nangiwan.
At kalimutan ang mga bagay na wala ng pakinabang…'

Alam kong ang sinabi ko'y walang katuturan,
Pero yun ay katotohanan,
Lalo na ngayon sa kasalukoyan.

Mabilis kong ipinikit ang mga mata,
At ilang sandali lang at ako'y nakatulog na ng tuloyan.

~~~~~~

Sa pagmulat ng aking mga mata,
Hindi inaasahan ang aking makikita.

Ako ay nasa gitna ng kakahuyan,
Nakahiga sa malawak na damuhan.
May mga bulaklak din sa kapaligiran,
At mga paru-parong nagliliparan.

Iginala ko ang aking mga mata,
At may isang dalaga akong nakita.

Mahaba ang buhok, nakasuot ng bistidang pula,
Habang may mga bulaklak na nakapatong sa ulo niya,
Kakurte ng kurona ng isang prinsesa.

Napatulala ako sa kanyang ganda,
At hindi maipaliwanag ang kabang aking nadama.

Sinubukan ko pang ikurap-kurap ang mga mata.
Nagbabakasakaling ito'y isang ilusyon lang pala.

Ngunit sa aking pagdilat muli ay napatunayan kong hindi ako namamalikmata.
At gumagawa na naman ng sariling imahe sa sarili kong mundo.

Ang Hiwaga ng GubatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon