Mabibigat ang aming mga lakad.
Tanging mga tunog lang ng tuyong dahon na aming natatapakan ang tanging tunog na iyong maririnig.Mula nung maglakad kami sa labas ng mansyon nila,
Hindi na mawala ang kaba ko.
Hindi na mawala ang takot sa dibdib ko.Katahimikan lang ang namamayani sa pagitan namin ni Hilda.
Tanging tunog lang din ng hininga namin ang aming naririnig.Mahaba-haba rin ang ginawa naming paglalakad.
Hindi ko na inalintana ang pagod ko.Hindi ko na inalintana ang panginginig ng katawan ko.
Ang mahalaga lang ngayon ay magkita na tayo.Hawak ko lang ng mahigpit ang aking kaibigang patpat.
Animo'y sa kanya na lamang ako humuhugot ng aking lakas."Iho wag ka sanang mabibigla sa makikita mo. Ginusto mo naman siyang makita, kung gayo'y ipapakilala na rin kita sa pamilya niya.
Marahil magkakasama na sila ngayon."
Sabi ni Hilda ng tuluyan na niyang basagin ang katahimikan ng paligid.Hindi ko na lamang siya pinagtuonan ng pansin.
At sa halip ay muli ko na namang pinakalma ang sistema ko.Ito na.
Nandito na ako sinta.
Makikita na muli kita.
At sa pagkakataong ito ay totoo na.Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Hilda.
Ayaw kong maniwala sa kasinungalingan niya.
Gayong kasama pa kita nung nakaraan.Napatigil na lang ako sa paglalakad ng tumigil na si Hilda sa kanyang paghakbang.
At ng dahil sa nasa likod niya lamang ako ay pwersahan na lamang din akong napatigil."Iho nandito na tayo.
Makita mo sana ang hinahanap mo, ng sa ganun ay kumalma na ang sarili mo. Maiwan na muna kita riyan, hanapin mo na lang ako sa loob ng mansyon. Dahil maghihintay ako sayo..."Tinapik niya ng marahan ang aking likuran,
At saka na ako iniwan.
Ito na makikita na talaga kita.Iginala ko kaagad ang aking mga mata.
Nandun ang pagasang muli na kitang makikita pa.Ngunit tila ba binigo na naman ako ng mismong sarili ko.
Yung kaninang ayaw maniwalang wala ka na,
Ngayo'y unti-unti ko ng pinipilit isarado ang isipan ko.Hindi kita makita sa paligid ko.
Hindi na kita maabot ng mga tingin ko.
Siguro nga'y tuluyan ka ng lumayo sa piling ko.Naiyuko ko ang ulo ko.
At wala sa sariling napaluhod na lamang ako.
Habang ang mga palad ay nasa mga labi ko.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Hindi ko kayang paniwalain ang sarili ko.At sa pagkakataong ito tuluyan na nga talaga tayong nagkita.
Habang nasa lupa ang aking magkadaupang palad.Hindi magkamaway ang mga luha ko sa pagagos.
Ang mga tingin ko ay wari mong tumatagos.At doon nga nakita na kita.
Habang may suot na bulaklak sa iyong uluhan.
Suot ang bistidang pula, na bumagay sa ganda mong talaga.Lumapit ako sayo...
Dahan-dahang hinaplos ang mukha mo.
Hinawaka ko rin ang mga kamay mo.Yun na naman ang mga ngiti mong taglay.
Para bang hindi ka nangangalay.
Kahusa ng ikaw ay sanay na sanay.Ngumiti ako...
Pinilit kong pangitiin ang sarili ko.
Kahit durog na durog na ang puso ko.Ang imahinado kong mundo ay unti-unti ng gumuguho.
Kasi naman dala mo ang pundasyon ng munting pagaari ko.Dun nakita kita.
Nakita na kita, pagkatapos ng matagal na panahon iginugul ko sa paghahanap sayo.Ngayon ay nasa harapan na mismo kita.
Harap-harapan na kitang nakikita.Ngunit ang masakit lang ay mas pinili mong lumisan.
Mas pinili mo ng mamaalam ng tuluyan.Makasama mo na nga ng tuluyan ang iyong kapamilya.
Kasama ka na rin nila sa mundo nila.Iniwan mo na rin ako sinta.
Kinalimutan mo ang isang 'ako' na minsang naging parte ng pagbuo sa mundo mo.Pinakatitigan kita,
Habang kasama mo na sila.
Pakasaya ka ha...
Kahit hindi na ako ang kahusa.'Kyla Alpha Maximo'
Date of birth:
September 12, 1986Died:
October 30, 2***'Andrew Aapeli Maximo'
'Alula Saffron Maximo'
'Abbe Alessandro Maximo'
'Ainsley Nicole Maximo'
Died:
October 18, 2***'Adley Christina Marie Maximo'
Died:
February 25, 19**'Ambrose Apollo Maximo'
Died:
June 16, 19**
At ang iyong pangalan na nakaukit sa matigas na sementong iyan, ay magiiwan ng isang alaala sa aking isipan.
Ang isang 'ikaw' ay mananatili sa aking memorya,
Na babaunin ko hanggang sa pangkasalukuyan.Saan mang dako ako maparuon.
Pangalan mo ang maaalala ko kapag na mababangit ang misteryosong kagubatan sa aming bayan.Ngayon hangad ko na lamang ang kapayapaan ng iyong kaluluwa.
Masakit man para sa akin na tanggaping wala ka na talaga,
Wala naman na akong magagawa.Patay ka na...
Kahit gustohin ko mang sundan ka.
Hindi pa pwede kasi maiiwan ko si Ina.Ngunit pangako hindi man ngayon,
Hindi man bukas o sa susunod.
Asahan mong hahanapin kita,
Kahit asan ka mang sulok ng mundo nakatira...Hahanapin kita kahit mapagod pa ako ng sobra.
Susuyurin ko ang buong mundo para lang makita kita,
At sa pagkakataong iyon ay hindi na kita pakakawalan pa....
BINABASA MO ANG
Ang Hiwaga ng Gubat
Short StoryMagpapalamon ka ba sa hiwaga ng gubat? O Ikaw mismo ang magiging daan upang ang hiwagang nakatago doon ay tuluyan ng matuldukan? Halika samahan mo akong pasukin ang mundo ng panaginip at hayaang dalhin kita sa lugar na hindi mo aakalaing mapupuntaha...