Muli kong inihakbang ang aking mga paa.
Kahit hindi alam kung saan ang punta.Hinayaang maligaw ang sarili.
Umaasang muli kang darating,
At magkakamaling ako ay sagipin.Saan nga ba ako pupunta?.
Hindi ko na kasi alam kung paano pa kita hahanapin sinta.
Hindi na alam kung magpapakita ka pa ba.Wala sa sariling ako ay muli na namang naglakad.
Kahit na tila'y ang aking mga paa ay akin na lamang na kinakaladkad.Dangan-dangan ang bag sa aking likuran.
At ang munting patpat na aking hinahawakan.Hindi na inalintana ang init.
Hindi inaalintana ang pagod na nararamdaman.
Basta't ang mahalaga'y makita ka lamang.Sa aking paglalakad, nakikita ko ang mga hayop sa aking kapaligiran.
Ang mga damong nagsisimula ng magsipagtuyoan.Ang mga dahon sa puno ay naglalaglagan.
Ang mga ibon ay nagsisimula na ring magsipagalsahan.Para bang ito ay kanila ng napagpasyahan.
Ito ay kanila ng napagusapan.
At wala ng sinuman ang makakapagpabago pa ng kanilang isipan.At sa muli ako ay napatingin sa kalangitan.
Tinanaw ang haring araw sa itaasan.Maging ang mga ulap na unti-unti na ring namamaalam.
Para bang iisa lang ang nasa isip nila.
At yun ay iwan na lang ako ng bigla.Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.
Sinubukang alalahanin ang mga lugar na pinuntahan namin dito.Ang magandang palasyo ng prinsesa ko.
Ang munting kubo,
Maging pati na rin ang tabing ilog na sigurado akong nasa malapit lamang.Napangiti ako sa isiping yun.
Marahin ay dapat kung subukang puntahan yun.
Baka narun lang siya't nagtatago.~~~~~~~
Mukhang nawawala na ata ako.
Hindi ko na alam kung tama pa ba 'tong dinaraanan ko.
Kanina pa din ako sa paglalakad ko.Ilang oras na ba ang lumipas?.
Ilang minuto na ba ang aking naaaksaya?.
Marahil ay ang kahit sigundo'y napipikon na dahil sa aking pinaggagagawa.Ang tangi ko na lamang na naaalala ay ang palasyong iyon ay nakatayo hindi kalayuan sa gitna ng kagubatan.
Ngunit hindi ko alam kung saang daan ang dapat kung sundan.
Kung alin ba dapat ang aking tunguhin makuha lamang ang tamang direksyong aking pupuntahan.Wala sa sariling ako ay muling nagpatuloy.
Hinayaan na ang puso ko ang magturo ng tamang daan.
Ng tamang sagot sa aking mga katanungan.Pinakinggan ang pintig ng puso.
Na wari'y nagsilbing mapa upang marating ko ang tamang paruroonan ko.Pinalakas ang loob.
Hinayaan na ang katahimikan na dalhin ako saanmang dako.
Hindi na inalintana ang pagod na nadarama.At yun nga lumipas pa ang ilang oras.
Hangang sa nagpasya na akong magpahinga.
Siguro'y magtatanghalian na naman.Ang bilis talaga ng oras.
Parang kaylan lang nung magsimula ako.
Ngayo'y magdadapit hapon na naman.At nung magpasya na akong sumuko.
Nung magpasya na akong panandaliang talikuran ang mundo
Saka ko naalala ang lahat.Oo nga pala...
Nandito na ako...
Malapit na ako sayo...
Malapit na kitang matagpuan mahal ko.Ito...
Dito mismo sa kinauupuan ko,
Madalas tayong umupo...
Bakit nga ba kinalimutan ko yun?.
Bakit hindi ko yun napansin kanina?....Napalibot ako ng tingin saka ko napansin ang putol na sanga.
Pagputol sa sanga na ako mismo ang may gawa.
Palatandaan na ako'y nanggaling na dito kanina.Maging sa mga kalapit na puno'y ganoon din.
Para bang sinadya akong paglaruan ng tadhana.Binulag ng mga mata...
At hinayaang ng pagkakataong ituro ang tamang daan.
Kasama ang puso na nagsilbi kong panandaliang mapa.Napapangiti na lamang ako ng mapait.
Ipinilig ang ulo dahil sa katangahan ko.Hindi ko man lang napansin na hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.
Hindi ako umuusad sa paghahanap ko sayo.At kung kaylan nagpasya na akong panandaliang magpahinga.
Saka ko napansin ang lahat.Kaya muli akong tumayo.
Pinilit ang sariling magpatuloy sa paghahanap sayo.
Kahit alam kong malabo nang ikaw ay aking matagpuan.Hakbang lang ng hakbang ang aking ginawa.
Hindi na pinansin ang mga nagtataasang talahib sa aking daanan.Ang mga kahoy ay nagmistulang nagsasayawan.
Kahit ang mga dahon nito'y unti-unti ng naglalaglagan.At sa pagkakataong ito,
Alam ko ng tamang daan na ang tatahakin ko.
Tamang daan na papunta sa kinalulugaran mo.Hintayin mo lang ako.
At asahan mong sasagipin kita sa kalungkutan mo.
Sasagipin kita sa pinagdaraanan mo.Kapit ka lang dahil sa ngayon,
Sigurado na akong tamang daan na 'to.
Tamang daan na ang tatahakin ko.Humugot ako ng malalalim na buntong hininga.
Pinakalma ang naghuhuramentado ng sistema.Ipinanatag ang naguguluhang isipan.
Ikinundisyong muli ang aking pangangatawan.Dahil sa wari ko'y sa pagkakataong ito'y hindi ka na muli pang pakakawalan.
Sa pagkakataong ito sigurado na ako sayo.....Kaya sana hintayin mo muna ako.
Hayaan mong sagipin kita mula sa kalupitan ng mundo.
Sa mapanghusga at mapanghamong reyalidad ng buhay ng tao....Dahil ito ang totoo nating kwento...
"Ang kwento ng paglalakbay ko, para lang sagipin ang prinsesa ko laban sa buong mundo..."
BINABASA MO ANG
Ang Hiwaga ng Gubat
Short StoryMagpapalamon ka ba sa hiwaga ng gubat? O Ikaw mismo ang magiging daan upang ang hiwagang nakatago doon ay tuluyan ng matuldukan? Halika samahan mo akong pasukin ang mundo ng panaginip at hayaang dalhin kita sa lugar na hindi mo aakalaing mapupuntaha...