Panibagong araw na naman.
Nababagot ako, dahil kagabi'y bigla ka na lang nawala.
At iniwan ako sa gitna ng kagubatan.Ngunit pinilit ko pa ring maglakad, para makauwi na sa aming tahanan.
Kanina sa paaralan, ay wala akong naintindihan.Pano ba naman, nasa iyo na naman ang aking isipan.
Ikaw na naman ang nakikitang sagot sa aking palaisipan.
Kaya hangat maaari ay ayaw ko ng pagusapan.Sa ngayon nga'y kasalukuyan kong binabagtas ang daan,
pauwi sa aming tahanan.
Hindi alintana ang nagdidilim ng kapaligiran.
Hindi alintana ang katahimikan.Mabagal lang ang aking paglalakad.
Maging ang aking mga paa'y animo'y kinakaladkad.
Tahimik na napapabuntong hininga.
Habang may kabang nadarama.
Hindi mapirmi ang mga mata.
At may gabutil ng pawis na tumutulo sa mukha.Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Ngunit isa lang ang alam ko.
At ako'y nagaalala na sa kalagayan mo.Ng malapit na ako sa aming tahanan,
Hindi sinasadyang ako ay napahinto sa gitna ng daan.Napatingin sa gilid kung saan narun ang kagubatan.
Natutukso mang pasukin 'to,
Ngunit narun ang pagdadalawang isip na baka wala ka naman dun.Ilang minuto ang lumipas.
At ako'y nanatiling nakatayo.
Nakaharap lang sa bukana ng kakahuyan.At doon nga'y nagpasyang wag na lang.
Na baka kailangan niya ng oras ng siya lang.Kaya labag man sa loob ko'y, ako ay nagpatuloy na sa aking paglalakbay.
Makauwi lang sa aming bahay.Wala sa sariling ako ay naglakad.
Hindi man lang namalayang, ako ay nakauwi na.Binuksan lang ang kahoy na tarangkahan.
At wala sa sariling nagtungo na sa loob ng bahay.Dun nga'y nakita si Inay.
Habang may hawak na abanikong pamaypay.
Sinusubukang palakihin ang apoy, sa simpleng lutuan.Ng ako'y makita niya.
Agad siyang ngumiti, kahit pawisan ang noo niya.
Lumapit naman ako at nagmano sa mga kamay niya.Pagkatapos ay mabilis na pumanhik sa kwarto, para makapagpahinga.
Inilagay ang bag sa munting silya, sa tabi lang ng kama.
At doon nga'y hinayaan ang sariling lumusong na sa kama.***
Iminulat ang mga mata,
Habang umaasang makikita kita.
Iginala sa kabuohan ng kagubatan.
Sa gitna ng mga punong nagtatayugan.Nagbabakasakaling ikaw ay aking matatagpuan.
At muling masisilayan ang iyong anking kagandahan.Ngunit hindi.
Nagkamali ako.
Ang kaninang sabik na nadarama para lang makita ka,
Ay nawala na lang ng bigla.Nababalisa sa kakaisip kung kamusta ka na?.
Kung okay ka lang ba?.
O, kaya kung kumain ka na?.Sumigaw ako.
Isinigaw ko ang pangalan mo,
Ngunit ang boses ko'y tinangay lang ng hanging malamig.Hinanap kita.
Sinuyod ang buong kagubatan, para lang makita ka.
Narun ang pagasang baka naisip mo na namang paglaruan ang aking mga mata.Sinubukan kong magpunta sa munti mong palasyo,
Maging dun sa lumang kubo.
Sinilip ang ilog.
Pero wala ka.Natatakot na ko.
Kinakabahan at, nalilito.
Iniisip sa kung anong nagawa ko,
Para magpasya kang iwan ako.Sa pagod ay napaupo na lang ako, sa gitna ng gubat.
Nakita ko pa nga yung mga usa.
Maging ang mga itim na lubo.
At ang mga paru-parong dati'y nakadapo sayo.Ang mga bulaklak na naggagandahan na ngayon ay iilan na lang.
Ang mga puno na nagsipagtahimikan.
Na para bang ako'y dinadamayan sa aking dinaramdam.Pinunasan ang pawis sa aking noo.
Pinakiramdaman ang mga nangyayari sa paligid ko.
Kinalma ang sarili, kahit hindi naman totoo.Pinalipas lang ata ang ilang minuto.
Saka pinatay ang mumunting sigundo.Muli uling tumayo, at nagpasyang hanapin ka.
Kahit halata namang ayaw mong magpakita...
Ayaw mo akong makita.Sinuyod muli ang kagubatan.
Maging, kahit ang kasuluksulokan.
Umaasang ikaw ay akin ng matatagpuan.Pero hindi.
Hindi ka nagpakita.
Hindi mo man lang ako binigyang pagasa.~~~~~~
Nagising na lamang ako sa balahaw ng aking Ina.
Sa labas ng aking kwartong nakatulugan ko na rin pala.Inunat ang mga braso.
Kinusot ang mga mata.
At saka matamlay na tumayo na.
Habang may mabigat na dinadala.Pumunta ako sa kusina at nakita ko siya.
Ang aking Inay sa harap ng aming munting lamesita.Tinunghayan niya lang ako at saka pinaupo na.
Nilagyan ng pagkain ang platong nasa aking harapan.
At saka tahimik na nagdasal.Pagkatapos nga'y tahimik na kumain ng sabay.
Habang parehong nakakamay.
Hmm, kay sarap talaga ng luto ni Inay.Para akong lantang gulay.
Dahil sa tahimik na nakaagulapay.
Na wari mo'y ang isip ko'y naglalayag ng malaya.Hinayaan ko lang ang sariling malunod sa mga iniisip.
Kinukumbinsi ang sariling ito'y isa lamang na panaginip.Ng matapos sa pagkain ay akin lamang na hinugasan ang aming pinagkainan.
Nilinis ang mga platong pinaglagyan.Saka na nagdiretso sa kwarto.
At doon ay naisipang magmukmuk.
Hinayaan okupahin mo ang aking isipan.Binuksan ang bintana,
Hinanap ang mga tala.
Umaasang ako'y pagbibigyan sa aking kahilingan.Pero sadya atang madayang maglaro ang tadhana.
Dahil maging ang mga tala,
Ay hindi sa akin nagpakita.Maging ang buwan ay nagtatago sa likod ng mga ulap.
Ang mga puno sa di kalayuan,
Ay nagtatago rin sa likod ng mga hamog.Ang mga alitaptap ay nahiya.
At hindi rin ako binigyan ng kahit isang sulyap.
Ang hangin na tila bang nahiya.
Kaya ang dating preskong hangin ay napalitan din ng lamig.Ang tangi lang atang nanatili ay ang mga huni ng insekto.
Ngunit ayaw ring magpaabot ng kahit ni isang sulyap ko.Niyakap ko na lang ang sarili ko.
Yung yakap na para bang ikaw ang nandito.
Yung yakap na ayaw ka ng pakawalan sa mga bisig ko.Pero hindi ka na makahinga.
Kaya mas pinili mo na lang na iwan ako.
Mas piniling umalis ng hindi man lang nagpapaalam sa isang ako...
BINABASA MO ANG
Ang Hiwaga ng Gubat
Short StoryMagpapalamon ka ba sa hiwaga ng gubat? O Ikaw mismo ang magiging daan upang ang hiwagang nakatago doon ay tuluyan ng matuldukan? Halika samahan mo akong pasukin ang mundo ng panaginip at hayaang dalhin kita sa lugar na hindi mo aakalaing mapupuntaha...