Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko,
At dun ko napagtantong umaga na pala.Hinayaan ko munang maglayag ang aking isipan.
Hinayaan ko munang malunod ang sarili ko sa aking imahinasyon.Hindi pa ako bumabangon,
Dahil sa tingin ko'y hindi pa kaya ng katawan ko.
Namamanhid kasi ito at nararamdaman ko ang pagod kahit galing pa lang ako sa pagtulog.Iginala ko naman ang paningin ko sa buong paligid ko,
Nung mapansin kong nasa kwarto na pala ako.Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago ko napagpasyahang ayosin na ang sarili ko.
Kaya bumangon na ako at saka naginat na ng mga braso.Panandalian ko ring kinusot ang mga mata ko,
Dahil sa kadahilanang pumipikit pa ito.Humakbang na ako papunta sa gilid na kama ko para sana hawiin ang kurtinang nakatabing dito,
Ng mapansin ko ang bag ko sa tabi ng isang patpat.
Na nakapatong sa lamesa sa harap ng bintana ko.Meron pang mangilan-ngilang dahon at mga sangga na nakasabit sa bag ko.
Para bang galing ako sa mahabang paglalakbay ko.Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at saka tumuloy na sa banyo para maligo.
Nangangati na kasi talaga ako.At ng mapagawi ang tingin ko sa damit kong suot.
Doon ko nakita ang mga hiwa rito.May mga putik rin ito sa laylayan.
Maging nga sa may manggas ay may mga dagta rin ng kung anong puno.Pumasok na lamang ako sa banyo,
At saka nagtuloy na sa aking paliligo.~~~~~~
Bumaba agad ako ng makapagbihis na ako.
At doon ko nga naabutan ang Inay na naghahanda pa lang ng aming umagahan.Lumapit naman ako sa kanya,
At saka humalik lang sa kanyang pisnge.
Binati ko na rin siya ng magandang umaga,
Ngunit ngiti lang ang isinagot niya.Umupo na ako sa aking silya,
At pinanood siyang magtimpla ng kape naming dalawa.
Pagkatapos ay umupo na rin siya sa upuan sa aking harapan.
At kami'y nagsimula na sa aming pagkain ng umagahan."Inay umalis ho ba ako kagabi?, ang dumi kasi ng suot kong damit at puno ng dahon at sanga yung bag kong kadalasan kong gamit."
tanong ko sa kanya, kaya't binitawan niya muna ang kanyang kutsaritang hawak bago ako sagotin."Hindi ka naman umalis kagabi, pagkadating mo nga galing sa iskwela ay dumiretso ka na kaagad sa kwarto mo. Nung tinawag naman kita ay hindi ka sumagot kaya't pinuntahan na kita at nakitang tulog na tulog ka na kaya hindi na kita ginising pa."
Naguguluhan niyang turan saka uminom sa kape niyang nasa harap."Ganun ho ba. Baka naglakad lang akong tulog kaya nagkaganon iyon no'."
"Siguro nga ganun lang yun."
Bumalik naman na kami sa aming pagkain at hindi na nagkwentuhan pa pagkatapos nung naging usapan naming iyon.
Mabilisan ko lang na tinapos ang pagkain ko at saka na tumayo at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
Huhugasan ko pa lang sana iyon ng paakyatin na ako ni Inay sa kwarto ko para makapagayos na at magpunta na sa eskwela.
Kayasinunod ko na lamang ang kagustuhan niya.
Kinuha ko lang yung bag ko saka muli ng lumabas.Nagpaalam naman na ako kay Inay.
At saka nagmano pa sa kanyang kamay,
Saka lumakad na palabas ng bahay.~~~~~~
Ito na magsisimula na naman akong maglakad papunta sa aming paaralan.
Bitbit ang bag na luma.
Suot ang unipormeng kupasNgunit hayaan na dahil ito lang naman ang kaya ni Inay,
Kaya tatangapin ko na lang ang mga ibigay niyang bagay.Habang naglalakad muli na naman akong napadaan sa misteryosong kagubatan,
Sa gilid ng daan.Napatingin na naman ako ditong muli,
At saka may mga imaheng pumasok sa aking isipan.Ah oo natatandaan ko na.
Tungkol pala sa misteryosong kagubatan ito ang panaginip ko.
Kaya siguro marahil ay napupukaw nito ang atensyon ko.Sa panaginip kong yun may nakilala ako.
Isang babaeng maganda,
Na laging nakasuot ng bistidang pula.
Habang sa ulo'y may bulaklak na kurona.Pumunta raw kami sa gitna ng gubat,
At doon una kaming nagkakilala.
Inilibot niya ako sa palasyo niya,
Maging sa kubo at tabi ng ilog sa gitna ng kakahuyan.Tapos hindi na raw siya nagparamdam,
Kaya siya ay akin ng sinundan.
Hinanap ko raw siya at napadpad naman ako sa palasyo niya at doon may nakilala ulit akong babaeng nagngangalang Hilda.Tapos nalaman ko rin ang kwento ng pamilya nila.
At sa panaginip kong iyon ay namatay ang babaeng itinuturing ko raw na prinsesa.
At pagkatapos ay wala na akong maalala.Hahaha nakakatawa no'?
Ang saklap kasi ng panaginip kong iyon.
Ngunit masasabi kong magandang panaginip ang aking nasaksihan.'Isang panaginip na hamirap mang paniwalaan ngunit damang-dama ko ang bigat ng bawat eksenang iyon.'
Nagtuloy na lang ako sa aking paglalakad dahil baka mahuli pa ako sa aking klase.
Ipinagsawalang-bahala na muna ang aking panaginip.
Dahil mas kailangan ko ngayong mabuhay sa katotohanan...The End...
BINABASA MO ANG
Ang Hiwaga ng Gubat
Short StoryMagpapalamon ka ba sa hiwaga ng gubat? O Ikaw mismo ang magiging daan upang ang hiwagang nakatago doon ay tuluyan ng matuldukan? Halika samahan mo akong pasukin ang mundo ng panaginip at hayaang dalhin kita sa lugar na hindi mo aakalaing mapupuntaha...