KABANATA 5: PAGLALAKBAY

9 4 0
                                    

Mabilis lang na lumipas ang mga araw.
At ngayon nga'y araw na ng Sabado.

At heto pa rin ako,
Nagaabang sayo.
Umaasang magpapakita kang muli.
Kahit na isang minuto.

Makita ka lang.
Malaman kung ayos ka lang,
Ay masaya na rin ako.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama.
Habang nakaunan sa braso kong dalawa.

Pinipilit ang sariling bumangon na sa pagkakahiga.
Ngunit ayaw makisama ng aking katawang lupa.

Ang araw ay hindi pa nagsisimula.
Pero heto ako't nababagot ng bigla.

Ayaw ko lang kasing isipin,
Na sa akin ay hindi ka pa rin magpapakita.
Ayaw kong isipin na ikaw ay nagsawa.

Gising na ang aking diwa.
Pero ayaw pang kumilos ng aking mga paa,
Upang magsilbing aking haligi,
At makatayo na nga ng matuwid.

Alam kong nahahalata na ni Inay.
Ang aking pagiging matamlay.
Ngunit mas pinipili niyang maging tahimik,
Para hindi makapagbitaw ng kahit na anong masasakit na salita.

Kaya kahit labag sa loob ko'y bumangon na ako.
Hindi dahil sa mga rason ko kundi dahil yun yung makakabuti sa sarili ko.

Pagkalabas nga sa kwarto,
Isinara na ang pinto.
Nagbabakasakaling kaya kong itago ang lungkot.

Dumiretso na kaagad ako sa kusina.
At mabilisang kumain ng umagahan.
Saka pinuntahan si Inay.
Sa aming maliit na sala.

Hinalikan ko siya sa pisnge, at naupo sa tabi niya.
Nakayuko lang ako.
Habang siya'y tahimik na nakamasid sa akin.

Hindi alintana ang sikreto ko.
Hindi alintana ang nararamdaman ko.

Siya ay ngumiti.
Tumingin ng diretso sa mga mata ko.
Hinawakan ang kamay ko.
At sinabing "Hanapin mo ang sagot sa mga tanong mo, anak ko.
Sundin mo ang sinasabi ng puso mo.
Dahil malay mo, baka tama ang disisyong pipiliin mo..."

Napangiti ako.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
At ayun na naman.
Naramdaman ko na naman ang mainit niyang mga yakap.

Yung yakap na walang makakatumbas.
Ang yakap ng inang walang makakapantay.

Marahan akong lumayo mula sa kanya.
At saka siya tiningnan sa mga mata.

"Inay, nais ko sanang magpaalam.
Hahanapin ko lang sana ang babaeng mahal ko.
Dahil ilang araw na akong hindi mapalagay sa kanyang bigla na lamang paglaho..."

"Hanapin mo siya, para tuluyan ka ng makalaya mula sa kanya.
At ganun din siya.
Sana'y matagpuan mo siya,
Ng sa ganun ay magising ka na..."

Nalilito man ay pinilit kong tumayo.
Pumunta sa kwarto at mabilisang naligo.
Nagbihis ng kupas na mga damit.
At pinili ng humayo.

Lumabas akong muli sa aking kwarto.
Nakita si Inay na nakatayo sa may pinto.
Napatingin siya sa gawi ko.
At niyakap uli ako.

Matagal bago siya bumitaw.
Matagal bago niya ako maisipang  pakawalan.
Hinalikan ko siya sa noo niya.
Kinuha ang kamay at nagmano pa.

"Inay aalis na po ako.
Hahanapin ko yung babaeng gusto ko.
Ngunit pinapangako kong babalik ako.
Babalik ako para sayo."

"Magiingat ka, alam kong matapang ka.
Kaya anumang malaman mo'y sana'y maging okay ka.
Hangad ko ang ligtas mong paglalakbay.
Bumalik ka sakin ng tayo'y magkapanabay."

Tumango ako, at nagpasyang lisanin na ang bahay namin.
Panandaliang iniwan ang lahat, para lamang ika'y mahanap.

***

Ilang oras na ba akong naglalakad.
Ilang oras na rin ba ang nakakaraan nung mas pinili kong hanapin ka,
Kaysa ang tumulong na lang sa mga gawaing bahay?

Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Hindi ko alam kung saan kita hahanapin.

Para akong bulag.
Bulag na nangangapa,
Hindi alam kung saan maguumpisa.

Hindi alam kung asan ka,
Kaya mas piniling magmangapa.
Sinusubukang maghanap ng kahit anong ilaw.
Dahil baka narun lang sa sulok ang isang 'ikaw'.

Wala man sa sarili ako ay patuloy na naglalakad.
Walang direksyong patutunguhan.

Hindi alam kung saan ka ba pwedeng matagpuan.
Hindi sigurado kung alin ang tamang daan.

Mabagal lang ang mga hakbang.
Iginagala ang paningin kahit saan.
Umaasang ikaw ay akin ng matatagpuan.

Sa paglalakad ako ay napadpad.
Dun sa misteryosong kagubatan.
Ng hindi alam ang dahilan.
Tila ba'y bigla na lamang akong hinila nito.
Kinuha ang atensyon para pasukin ang kaibuturan nito.

Nahihintakutan man,
Pero pilit na pinalakas ang loob ko.
Para lang makita ka, at makasama.
Kahit saglit na panahon lang.

Bitbit ang maliit na bag sa likuran.
Kumuha ako ng maliit na patpat sa may tabing daan.

Dahil mahirap ng ibaba ang pader na nakapalibot sayo.
Hindi mo alam kung sino ang titira sayo,
Sa tuwing ika'y nakatalikod.

Sinusubukang palakasin ang saliri.
Kumuha ng sapat na lakas.
Huminga ng malalim at ako'y nagpatuloy na sa aking paghahanap.

Umaasang sa lugar na ito, ikaw na ay aking matagpuan.
Umaasang sa likod ng nagtataasang punong kahoy na ito, ay may isang 'ikaw' na nagaabang...


Ang Hiwaga ng GubatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon