Curiosity

129 10 1
                                    

Author's Note:
Welcome to 'The Dolorian Tales' kung saan mababasa mo, oo ikaw, ang mga kalokohan naming magkaklase.

Disclaimer!
Tanging first name lang ng nga tauhan ang aking ginamit at hindi ko babanggitin ang apelyido nila upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan. Anumang pagkakapareho o pagkakahawig ng mga pangalan ng tauhan ay hindi sinasadya.

Enjoy at your own risk
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dionna's POV
Isa na namang araw ng eskwela. Ba't parang exited na akong mag summer kahit ilang buwan pa lang kami sa eskwela? Thursday na ngayon at eto ang aming schedule:

7:10 am to 8:25 am - Math - Sir Jony
8:25 to 9:40 - Science (Physics) - Sir Jay-Ar
                           (Earth Sci) - Man Letty
                           (Chemistry) - Mam Marcia
                           (Biology) - Mam Eva
9:40 to 10:00 - Recess (YAYYYYY)
10:00 to 10:50 - Filipino - Mam Marissa
10:50 to 11:50 - AP (Wednesday to Friday) - Mam Rose
                          - EsP (Monday to Tuesday) - Mam Analyn
1:00 to 1:50 pm - English - Mam Rowena
1:50 to 2:40 - MAPEH - Sir Andrew
2:40 to 3:30 - Research - Sir Bryan

Kapag Lunes hanggang Martes, Esp yung last subject namin, at kapag Wednesday to Friday naman ay AP. At sa 1st Quarter naman, ang aming topic s science ay physics, kapag 2nd quarter naman ay Earth Science, kapag 3rd quarter ay Chemistry, at kapag 4th quarter, Biology. Medyo kumplikado ang schedule ng seksyon namin at sa kabila (may dalawang seksyon ang STE, ang sa amin ay Dolores Ramirez at yung kabila naman ay Angel Alcala) pag dating sa AP at ESP, dahil from Monday to Wednesday, AP ang kanilang subject, at from Thursday to Friday, ESP. Sa amin naman, gaya nga ng sabi ko kanina, Monday at Tuesday, ESP at Thursday to Friday, AP.

So, ngayon nga ay Thrusday at sasabihon ko sa inyo — napaka-memorable ng araw na ito sa Araling Panlipunan.

Pa-haba-habain ko muna yung kuwento at baka mabitin kayo.

So, si Mam Rose ang, to be honest, favorite teacher ko. Sinasabi ko nga na iniidolo ko sya bilang isang teacher na napakamasiyahin, matalino, at palabiro.

Napaka-intense at seryoso na ng lesson namin tungkolsa Greek History. Nakalimutan ko kung ano yung topic namin, pero pakiramdam ko tungkol 'yon sa Iliad, o sa movie na Troy.

"...so, Ang Iliad ay maaari ninyong panoorin at pag aralan. Ang tawag sa movie ay Troy. Matagal na syang pelikula." Sabi ni Mam.

"Mam, meron ka po ba ng Troy sa laptop mo?" Tanong ni Shanley.

"Ano?" Tanong ni Mam. Hindi niya narinig yung tanong ni Shanley dahil ang iingay namin, lalo na kapag sa time ni Mam Rose...d ko alam kung bakit.

"Kung meron ka po ng Troy?" Inulit ni Shanley ang kanyang tanong kanina, "Kasi kun meron po, pwede po bang magpapasa? Dalhin ko na lang po yung USB at itransfer ko na lang po Mam galing sa laptop mo." Pagpaliwanag niya.

"Ahhh...gusto mong ihiram yung laptop ko dahil gusto mo ng copy ng Troy?" Pagpasigurado ni Mam.

"Opo." Sagot ni Shanley.

"Baka may makita kang kung ano jan!" Biro ni Mam at biglang napatingin sa kaniya ng may pagka shock.

Mam ha! Nagbibiro lang yan si Mam! Wag kayong maniniwala jan! Naisip ko.

Naku, naku, naku, naku! Dapat lang naniwala ako.

"Mam, nanonood ka po ba ng ano?" Pabirong tanong ng isa kong kaklase na hindi ko maalala kung sino. Alam niyo yung ano? Ha, yung ano? Basta, alam mo na yun! Kung hindi, magpaka-green minded ka.

"Hoy! Wag ganun!" Natatawang sigaw ko. Tumingin ako kay Mam na namumula at tumitingin sa taas na tila bang umiisp ng kung ano ang isasagot.

Oh...my....gash.....Mam? Totoo?! Naisip ko.

"Ano kasi yan...curiosity feeds the brain." And with that said, nagkagulo kami. Grabe! Anlakas ng tawa ko na may halong pag sigaw, kagaya ng iba.

"Hindi! Kasi noong ano..." nagsimula nag explain si Mam, ngunit, ika nga nila, 'Masabi, madabi!' Kaya parang walang nakikinig sa kanyang explanation, pero, oy! Nakinig ako sa explanation niya!

"Wala!!! Walang bawian!!!" Sigaw ko. Lahat kami, kasama si Mam, natatawa sa nangyayari.

"Ano kasi...yung roommate ko noong college, nanonood no'n! Pinakira lang niya sa akin kaya masasabi kong nanood na ako." Pagpaliwanag ni Mam, ngunit wa epek yung backstory sa iba. Tawang tawa ako talaga sa araw na'yon, kaya ito ay isa sa pinaka-memorable na pangyayari sa buhay ko bilang isang Dolorian.

~~~~
So, kumusta yung first chapter? Please don't forget to leave a star kung nag enjoy kayo! Let me know if I should continue this book. At quick note lang po: Hindi po pasunod-sunod yung date/arrangement ng kuwento dahil hindi ko po maalala kung kailan naganap yung ibang pangyayari. Salamat!

The Dolorian TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon