Christmas Cantatragedy

13 2 6
                                    

Author's POV
Some point in December...

Noong Nobyembre, inanunsyo na yung iba't ibang teams para sa Christmas Cantata. At na-assign kami sa Team Blue, yung Angel Alcala naman ya Team Red which means...Red V.S. Blue tayo.

Oo nga pala, kung hindi mo alam kung ano ang Cantata, ito yan: Tuwing malapit na mag pasko, may paligsahan ang buong paaralan sa pagkakanta at pagsasayaw (acoustic or acapella). So parang ganito, sa isang kahon, may nakalagay na pangalan ng iba't ibang seksyon sa buong paaralan, maliban lang sa Senior High, ngunit pero (oo may ganon) ngayon, pinasali yung Senior High at naroroon sila sa Red Team (naol). Yung mga leader ay magbubunot ng section sa kahaon at kung anong seksyon yung mabunot nila, kagrupo nila 'yon. Yung leader sa Cantata ay isang selected section Grade 9, madalas nasa general curriculum.

Kumbaga, in short, ang Cantata ay ginawa upang magkaisa ang paaralan sa pamamagitan ng paligsahan. Nagkaisa ba kami? Hinde. At hindi yon dahil walang unity ang Dolorians, for once, nagkaisa kami sa topic na ito: LANG KWENTA YUNG CANTATA NGAYONG TAON.

Bakit? Kasi walang respeto yung grade 9 na leaders, sa mga mata nila, kami nalang yung laging mali kahit na mas madalas nagkakamali yung higher grade level o yung iba, kaming Dolorians lang talaga yung hindi nila nirerespeto. Parang sa tingin nila sila na yung supreme overlord dahil sila yung leader. D BA NILA ALAM YUNG RESPECT?! At tsaka, reklamo sila nang reklamo dahil hindi raw kami tumutulon, at nung humahanap sila ng maaaring idagdag na kanta, dahil ang late nilang gumawa ng plano, at nagsend naman ako ng kanta, pero ano? BINALEWALA NILA. At ang lakas nilang rumeklamo na hindi kami tumutulong!

Nakalimutan ko kung ano yung pangalan ng section nila, pero tawagin natin silang Section Tragedy, kasi sila yung pinaka--wag na tayong mag out of topic, nacacarry away na naman ako. Haysss.

So, ngayong taon, nagkataon naman na makagrupo ko yung very close pinsan ko na nasa general curriculum na grade 10.

1st night...
*Group Chat*
Zander: *like*
Vincent: *like*
Others: *like*
Lester(isa sa mga grade 9 na leader): Tumigil nga kayo sa kakasend ng like!!

Oo nga, tumigil kaming Dolorians pero yung iba, hindi.

2nd night...
*group chat*
*yung ibang grade levels: *nagsapm ng like*
*seen*
Zander: *like* *like* *like*
Lester: Ramirez, tumigil nga kayo!!!

Ilang araw ganon yung nangyayari, kaya syempre, nagalit kami dahil kami lang yung nanonotice nila na nagsesend ng like, pero yung iba, hinahayaan lang nila.

Eto, nakakabaliw talaga.

Ako: Pasensya na po dahil yung buong Grade 8 Dolores Ramirez ay hindi makakapag practice ngayon dahil napakarami ho ng aming gagawin.
Lester: Puro lang kayo excuses.
Ako: Sorry po dahil napaka busy ho namin, kaya sana maintindihan ninyo. May mga gawain at proyekto kami sa Research, ESP, Science, etc.

Sa totoo lang ha, nawawalan na ako ng pasensya sa kanila dahil kung tutuusin, mas madami pa ang gawain namin kesa sa kanila, ngunit, ayoko mawalan ng galang. Kasi, para sa akin, mas may impact yung alam nilang galit na galit ka na, pero ang galang mo...parang sneak atack.

Lester: Kung tutuusin nga, meron pa kaming proyekto, at tatapusin pa namin yung mga kanta
Ako: Meron akong nasulat na mga kanta, sinend ko na ho dito noon, ewan ko pang kung nakita ninyo, pero isesend ko po ulit dito.
Lester: O sya, sige, basta sa susunod, magpractice kayo.
Ako: Sige po.

Bago ako magchat ng ganyan sa kanila, (Actually, mas mahaba at mas ma-impact yung original convo, kaso nakalimutan ko na) eto talaga yung isyu namin, kaya yung pinsan ko, tawagin natin syang Meg, nag step up at nagsalita.

The Dolorian TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon