Christmas Party ng Dolorians

23 2 5
                                    

Woooh! Malapit na ang kaarawan ng mahal na Panginoong Jesus. Napakasaya ng araw na ito para sa nakararami, lalo na sa aming Dolorians. Ay, teka, teka, teka, teka. Wala naman pala kaming Christmas Party noong 2019 😅. Hindi ko naman nakalomutan, gusto ko lang kayong patawanin. Bakit nga ba? Magkakaroon na nga sana. Nagkaroon na ng bunutan, alam ko na kung sino yung reregaluhan ko, kaso, wala pa yatang naplaplanong dadalhing pagkain. Pero yung desisyon ng iba ay wag nalang daw mag Christmas Party. Nagalit si sir Jony dahil, bakit naman daw aalisin yan? Tradisyon ng paaralan na magkaroon ng Christmas Party, kaya naatasan ang di sumang ayon na gumawa ng letter na kung saan nakasulat ang VALID reason kung bakit. Pero, ano nga ba talaga ang tunay na rason kung bakit hindi natuloy? Two words: Bagyong Tisoy. Napakalakas ng bagyong ito kaya nakansela ang mga klase. Sayang naman, ang ganda na ng nagawa naming disenyo. Halos 6pm na kaming umuwi kakagawa ng designs na inignore lang naman ng mga teachers 🙄. So ayon, walang Dolorians Christmas Party.

The Dolorian TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon