Ako, MUSE?!

11 3 10
                                    

Author's Note:
Previously on Dolorian Tales...

1:01 pm...

So, naglalakad na ako papunta sa room namin nang mabagal. Don't rush it, right? Up top! ✋

So, pagdating ko sa room, napanganga ako. Literally, nagnga. Bakit? Dahil pagdating ko, may teacher na...mas shocking pa yung fact na may sub kami.

Nakatayo ako sa may pinto ng room namin at tinitingnan ko yung mga kaklase ko kung tunay ba yung nakikita ko.

"I'm Ma'am Jara."

"Bakit may sub?" Tanong ko.

"Wala si Mam Rowena." Sagot ni Golda.

"Di ko nga alam eh. Bigla nalang kasi akong na-assign bilang inyong sub dahil may nilakad daw si Mam Rowi." Sagot ni Mam.

Teka...Mam Rowi?!

"Bilisan ninyo!! Ambabagal ninyo!!" Sigaw sa amin ni Mam hababg nakatayo ako sa likuran niya at kinukuha yung ginawang 3D lettering ng 8 Dolores Ramirez ni Sir Jony sa taas ng blackboard.

November, 2019

Tiningnan ako ni Mam "Rowi" mula sa paa hanggang sa ulo at sinabi niya yung kaisa isang pinakakinatatakutan kong pangungusap.

"Ikaw nalang yung Muse."

Lumaki yung mga mata ko at halos mapasalita ako ng...

"What the fu--"

Present Day...

Malapit na ang National Reading Month at makikita mo kaming tumatakbo papunta sa gym/covered court ng alas otso ng umaga.

Bakit? Kasi may Quiz Bowl at ngayong araw ng contest lang kaming nagpasyang sumali.

Gaya ng last year, last minute entry na naman kami.

Kung di nyo alam, yung quiz bowl ay isang contest para sa junior high at iniiscramble ang iba't ibang estudyange mula grade 7 hanggang grade 10. Pakatapos no'n ay sasagot ng mga tanong tungkol sa English. Malamang, yung grupong may pinakamataas na puntos ay yung mananalo.

May tatlong round yung Quiz Bowl - yun ay ang Easy, Medium at Hard. Bawat round, maeeliminate yung grupong may pinakamababang puntos hanggang sa dalwang grupo nalang yung magpapaligsahan sa Hard Round. Last group standing, wins.

So, nandon na kami sa may gym, nakaupo kami nina Shanley, Janelle, Gillian, Golda, etc.

Tumatawa kami dahil sa mga picture ni Sir Jony noon na mukhang Jejeng miyembro ng F4.

"Bu-bu-bu-Baby, baby! My baby, baby!" Kumakanta kami habang tinataas yung mga kamay namin at yung picture ni Sir Jony habang tumatawa.

"Tingnan nyo! Nandun si sir, oh!" Turo ng isa sa amin at tumingin kami sa may labas ng gym at nandon nga si sir, nakikiusap kay mam Rowi.

"At nanjan pa si Mam Rowi." Turo pa ng isa.

Maya maya, nagsimula na yung paghihiwalay sa amin.

Magkasama sina Shanley at Gillian sa iisang grupo, at...basta ako lang yung nag iisang Grade 8 sa aming grupo.

Medyo awkward, dahil wala naman akong kaclose dun, ngunit, buti na lamang ay nabait yung lider namin at nakikinig sa bawat sagot at opinion ng bawat isa.

Ilang oras na ang nakalipas at nag eliminate na sila ng mga grupo.

Sadly, bago pa man magfinals, naeliminate na kami.

The Dolorian TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon