Away at Bible Verse (Dolorians Version)

32 3 12
                                    

Author's POV

Maaari ninyong sabihin "Ano ba naman tong Ramirez o Dolorians, panay ang away! Walang unity!" Besh, tama ka jan. Kung sa kabila malakas ang presensya ng unity sa pamamagitan ng pag gagayahan, sa amin, wala. Wala kang makitang unity, kahit sa practice.

Sa chapter na ito, ikikuwento ko sainyo yung rage quit namin sa speech choir sa english. Merong nagmura na hindi pangkaraniwang nagmumura, merong nagsesend ng bible verse, ganon.

So, ilang linggo na kaming nagprapraktis at ang natatapos pa lang namin ay ang intro. Ang pamagat ng i-s-speech choir namin ay "the AnatomYY....The Anatomy...THE ANATOMY OF A FILIPINO!!" by professor felix bautista...

Kung mapapansin ninyo, maliliit lang na titik ang ginamit ko sa pangalan ni Professor Felix Bautista, at 'yon ay dahil sa kung ga'no kalakas yung pagsigaw namin sa intro.

Matapos ang isa pang linggo, 1/8 na ang natapos namin sa speech choir. YAYYYY.

"BILISAN NYO NGA! NEXT WEEK NA ANG PERFORMANCE AND WE BARELY EVEN TOUCHED HALF OF THE SPEECH!" Sigaw naming mga leader sa mga pasaway naming kaklase. "COOPERATION IS THE KEY TO SUCCESS!"

"Kaya hindi pa natin natatapos yung speech ay dahil puro lang kayo pagalit!" Reklamo ng kasama namin.

"Kaya kayo pinagpapagalitan dahil hindi naman kayo susumsunod!!" Pagpaliwanag ni Janelle.

"Di ba magagalit kami kapag pinapatayo kayo nang tuwid sa iyong linya at wala pang limang segundo, GANITO NA YUNG LINYA NYO!!" Dagdag ko at nag sign language ako na hindi naman talagang sign language, parang ginalaw ko lang kung saan saan yung mga kamay ko na nagpapaikta ng galaw nila. "Mga high school, mga isip-bata pa?! Kaya tayo palaging napapagalitan dahil immature pa!!"

Friday...

Nagkaroon kami ng quiz sa research at pagkatapos, bago magsiuwian ang lahat, may inannounce si Golda.

"Wala po munang uuwi! Magprapractice po tayo! May tutulong po na mga grade 9!"

Pakatapos niya nag announce, nagsiuwian ang iba. T******

Around past 5 pm...

So, ang uwian namin ay mga 3:30 o 3:40 pm kung mag oovertime si sir, kaya ba't andito pa kami kahit pasado alas sinco na? Dahil kasi yan sa nagprapractice kami ng Speech Choir.

"Sige na! Please! Mahiya naman kayo, tinutulungan na nga tayo ng grade 9!!!" Pagmakaawa ng iba.

"Sige na, pumunta na kayo sa mga linya nyo." Utos ko. Sumunod ang iba, ngunit...ang ibang hindi sumunod naman ay....

"Sabing luminya na nga, eh!" Pag uulit ko.

~~~

Habang nag prapractice, yung iba online dahil chinicheck yung mga nagagalit sa gc.

Filbert: Papunta na kami.

Binalita ni Zander sa amin ang chinat ni Filbert.

"Sabihin mong wag na dahil patapos naman tayong magpractice." Seryosong pagsabi ko, "Kanina pa dapat nandito na sila dahil sa lunes na ang performance." Dagdag ko.

Raj: Pwede bang mag-sorry?
Filbert: Wag kang nagsosorry, hindi naman natin kasalanan!

Nabasa ko 'yon at nagalit ako kami ni Janelle. Galit na galit.

"Kasalanan pa natin kung bakit sila umalis kaagad?!" Sigaw ko.

"Eh, nag announce na nga ako na magprapractice tayo." Sabi ni Golda.

The Dolorian TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon