Hot or Not?

63 3 7
                                    

Author's POV
*requested by janelle_cm12

Pumasok si Sir Bryan, ngunit hindi ko namalayan dahil nag camouflage si Sir sa mga kaklase ko.

"Phones down." Inutusan niya kami at tila bang si Flash o kaya naman ay si Quick Silver (kung Marvel fan kayo kagaya ko) dahil takot kaming ma-confiscate ang cellphone namin.

Pumunta si Shanley sa unahan kung saan naroroon ang laptop ni sir. Siya kasi yung pipindot ng next kasi naka power point si sir.

"Sir!" Tawag ng isa kong kaklase "Sir!" Inulit niya "Sir, pwede po bang gamitin ang cellphone para magpicture?" Tanong niya, ngunit masyadong maingay ang klase kaya hindi niya ito narinig.

"Sir! Pwede po bang magpicture?" Tinulungan ko ang kaklase ko upang marinig ni sir, ngunit hindi niya ito narinig.

"SIR!" Sigaw namin sabay.

"Opo, opo! Pwede ninyong gamitin ang cellphone pang picture ng slides lamang!" Sagot ni sir, "AT! Kapaga may nakita akong naglalaro, o ginagamit ang cellphone para sa kalokohan o sa hindi naman related sa topic or lesson natin ngayon..." Natahimik ang buong klase, "...alam niyo na ang mangyayari."

Pumunta si sir sa unahan at nagsimula na ang lesson.

"Okay, so our lesson for today is all about the levels of measurement."

Pumunta ako sa tabi ni Shanley para mas malinaw yung kuha ko ng pictures.

Earlier that day...

1:08pm

8 minutes "late" pero ayo lang dahil mas late si Mam HAHAHAHHA naisip ko at napangiti ako nang mag isa na parang baliw na kung ano ano ang nasa isip.

Nakita ko ang room ng Angel Alcala at nakasara ang lahat ng mga pinto.

Bakit kaya? Tanong ko sa sarili ko.

Habang papalapit sa room ng Alcala, nakita kong may mga tao sa loob.

Ay, baka naka-power point na naman si sir.

Nang dumaan ako sa pinto na pinakamalapit sa teacher's table, may nasilayan akong nakakatawa.

Anlakas ng tawa ko sa sarili ko at nas lumakas pa nang makita kong wala pa si Mam. Late. As usual.

Present...

"...Sige, Shanley, next slide!" Utos ni Sir. Kami ni Shanley, tumatawa na do'n sa harap na parang mga baliw dahil nakikita namin ang susunod na slide.

Nang pinindot ni Shanley ang next at nang makita na ng mga kaklase namin ang slide, sobrang lakas ng tawanan namin.

Nakalagay kasi do'n yung title ng topic: Levels of Measurement; sa baba ay: Prepared by: Sir John Bryan *apelyido niya*; YouTube Channel: Sir_JB xoxo. Ngunit, ano ba ang nakakatawa dun? Ano kasi yan! Yung ano!

Hinde! Wag kang mag-iisip ng kung ano-ano! Nakalagay kasi sa bottom left ng slide yung picture niyang feel na feel niya ang self-love.

"Langhiya!" Sigaw ng iba habang tumatawa.

Lumapit si sir sa amin ni Shanley dahil may gagawin siya sa laptop niya.

"Ayos Sir, ah! Lakas ng loob mo!" Biro ko at napangiti sya.

"Ano kasi...high ako." Biro nya at natawa kami ni Shanley.

Later...

"Okay, so Interval. Kasama dito yung likert scale." Sabi nya. "Alam nyo ba kung ano ang likert scale?" Tanong nya.

"Ano po yun Sir?" Tanong namin.

"Ang likert scale ay ang scale na kung saan ni-ra-rate mo yung isang produkto o kung anuman from 1 to 10 base sa iyong satisfactory rate." Pagpaliwanag nya, "1 being the lowest, meaning, hindi ka nasiyahan sa produkto, at 10 being the highest, meaning, naaliw o nasiyahan ka sa produkto nila."

"Oohhhh....gaya ng nga survey?" Tanong ko.

"Oo, gaya no'n!" Sagot nya. "Naranasan nyo na bang bigyan ng survey kung saan may ipapatikim sa inyong pagkain at bibigyan nyo ng rating from 1 to 10? Yung sa Senior High? Di ba nagtatanong sila?" Tanong ni Sir at umoo kaming lahat.

Pumunta ulit si sir sa may sa amin ni Shanley at sinesenyasan kaming umalis.

"Alis kayo jan! Kasabay kayo sa gawain." Utos nya at umalis naman kami ni Shanley.

"Okay, so, gusto kong irate ninyo ang nga picture ng celebrities na ipapakita ko from 1 to 10, ok?"

And with that said, nagsimula na ang likert scale. At nagsimula na rin ang kalokohan.

Ang unang pinakitang larawan ni sir ay ang larawan ni Enrique Gil. Karamihan ay 8 ang binigay na rating. Sumunod naman si James Reid, at dahil nga sa issue nila ni Nadine ngayon, pinagtripan ng mga kaklase ko ang likery scale.

"ONEEEE!!!" Sigaw ng iba at napatawa ako.

"Grabe kayo!" Natatawang sabi ko at naisipan ko ding sumali sa kabaliwan, "TWOOOO!" At least mas mataas kesa kanina.

Ang sumunod naman ay isang Koreanong artista na hindi ko kilala kaya hindi ako nagbigay ng rating.

Ang susunod naman ay ang nagsimula ng ingay at tawanan dahil...ang sumunod ay si.....Ivana Alawi.

"TEEEENNN!!! TEEEENNN!!!"

"TEEEEEEEEEEEENNNNNNNNNNN!!!!"

Sigaw ng halos lahat ng boys habang tumataas ng dalawang kanay na nagsasabing 10 ang rating nila.

Natawa kaming lahat sa pangyayari at pakatapos at bumalik kami sa dating puwesto.

After the lesson...

"Okay, mag-prepare para sa quiz bukas tungkol dito." Sabi ni sir.

"One up to ilan po sir ang items ng quiz?" Tanong ng isa kong kaklaseng hindi ko maalala yung pangalan ulit.

"1 to 50." Sagot ni sir at napatigil kami sa kung ano ang ginagawa namin at napasigaw.

"ANO?!"

"Wag kayong mag alala! Lahat lang naman yan identification kung aling sitwasyon ang nararapat sa Ratio, Interval, Ordinal at Nominal." Paliwanag nya. "Class Dismissed."

The Dolorian TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon