Forbidden 2: Mister Pogi
(Snow’s POV):
Papunta ako ngayon sa Secret University of Makati. Sa pagkakaalam ko kasi ay doon naka-assign ngayon si Atty. Lee. Gusto ko kasi siyang makausap eh.
“Sige na, samahan mo na’ko!”
[“I’m really sorry, girl. Isinama kasi ako nina mom at dad eh. Babawi ako next time, promise!”] Sagot ni Evangeline sa kabilang linya.
“Hayy, okay. Sige naiintindihan naman kita eh... Ingat kayo.”
[“Ikaw din. Sorry talaga. I got to go! Byeeee!”]
“Bye...” And I ended the call.
Tsk. Mag-isa akong pupunta dun?
Kainis naman. I’m nervous...and shy!
Kaya mo yan, Snow. Ikaw pa!
Yes! Kaya ko ‘to!
------------
Teka... Hindi ko alam kung saang parte ng eskwelahang ‘to yung faculty room na kinaroroonan ni attorney eh.
Nahihiya din akong magtanong...
Wag ka nang mahiya, Snow. Nukaba! Hindi ka naman aswang!
Sabagay... Sige na nga magtatanong na nga lang ako!
“Excuse me? San po ba yung Law faculty room dito?” I asked the girl.
“Ahhh. Dun lang yun, miss. Diretso ka lang, then sa pinakadulo, yung sa right side, yun na yun.” Ngumiti siya sa’kin.
Huh?! Ngumiti sa’kin yung babae?
OH HIMALAAAA!
Dun lang naman sa New Makati University yung maraming bully eh. Labas-labas ka din kasi minsan para tumaas self-esteem mo.
Konsensiya is that you?! ANG GALING MO!
Namaaannn!
Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo aa direksiyong itinuro ng babae.
Oh, andito na’ko. Nakita ko na!
Binuksan ko yung pinto ng faculty room at nakakita ako ng babaeng teacher na malapit sa’kin. Kaso... May kinakausap siyang estudyante eh. Parang anlalim ng pinag-uusapan nila.
“Oo, bakit??”
“K-Kasi po—“
Ayyy, bahala na. Kelangan ko nang makausap si attorney eh!
“Miss, excuse me, nandito po ba si Attorney?” Napalingon naman agad yung lalaki sa’kin.
Shett ang gwapo niya! Kaso mukhang masungit eh!
Sus, baka mukha lang. Malay mo mabait.
Tama nang pag-epal, konsensiya!
“Ah wala pa siya dito, dear. Baka bukas pa yun or the next day.” The teacher answered.
Ay? He’s not here today? Ang malas ko naman!
“Ahh, okay po.” Sagot ko sabay huling sulyap kay kowyang pogi tsaka na’ko tuluyang umalis.
Ayoko nang magtagal pa dito. Nakakahilo.
Maitext ko na nga lang si Evangeline kung nasan sila. Susunod na lang ako dun para naman maaliw ako. Amboring kaya...
BINABASA MO ANG
Forbiddenly In Love with My Angel
Teen FictionSi Snow? Mag-isa sa buhay, binu-bully, walang lovelife. Kaya naman pinayagan na siya ni "Boss" na makita at makasama ang kanyang Guardian Angel. As he promised to help her find her true love, magtatagumpay kaya ang kanyang Angel-slash-Cupid sa misyo...