The Seeking 30: I'm Really, Really Sorry
(White's POV):
"Monica!" Sigaw ko habang tumatakbo pasabay sa stretcher ni Monica na hinihila papunta sa Emergency Room.
Hindi siya sumasagot kasi wala siyang malay. >___<
Kasalanan ko 'to!
Anghel niya'ko! Dapat hindi ako umalis sa tabi niya!
"Sir, hanggang dito na lang po kayo." Sabi ng nurse sabay pigil sa'kin.
"Pero—"
"Babalitaan po agad namin kayo."
*Tulala*
"Playmate..." Hinawakan ni Evangeline ang balikat ko. "Wag ka nang mag-alala... Magiging okay yung babaeng yun. Strong yun eh..."
"Evan..." Tinitigan ko siya. "Kasalanan ko 'to eh..."
"Bakit? Hindi ah..."
"Hindi ko siya dapat iniwan..." Nagbuntung-hininga ako.
Kinakabahan ako... Natatakot ako...
Kapag may nangyaring masama kay Monica Snow, papalitan na'ko. Ibig sabihin, FAILED ang mission ko. At ihihiwalay na'ko sa kanya... :'(
Umupo kami ni Evangeline sa gilid sa labas ng ER. Ipinagdikit ko ang dalawa kong palad at ipinatong ko ang mga siko ko sa kandungan ko habang nakayuko ang ulo ko (in short, yung posisyon ng nagdadasal habang nakaupo).
"Lord... God... Patawad po... Sana po 'wag Niyo siyang pahihirapan. Ako na lang po... Ako na lang po ang parusahan Ninyo dahil kasalanan ko naman. Alam ko namang hindi Kayo kailanman nagpaparusa kahit sa pinakamakasalanang tao. Alam kong natural consequences ang lahat... Pero sana po 'wag Niyo munang burahin ang pangalan niya sa listahan ng mga buhay. Sana po 'wag Niyong hayaan si kamatayan na kunin siya. Alam ko pong may awa Kayo. Patawarin Niyo po ako sa pagpapabaya ko. Pangako... Pangako ko po sa Inyo, kapag gumaling si Snow, hinding-hindi ko na siya pababayaan at iiwan ulit. Pangako po yan..."
Mga isang oras ang makalipas, lumabas na ang doktor.
"Kaanu-ano po kayo ng pasyente?" Tanong niya.
"K-Kasama po niya ako sa bahay." Sagot ko.
"Asawa ka ba niya?" Medyo nagulat ang doktor. ASAWA??? O__O
"H-Hindi po!" Hala! "A-Ako po yung nagbabantay sa kanya." =__= "Wala na po kasi siyang mga magulang."
"Ahh..." Tumango siya. "Stable na ang lagay ng pasyente."
O.O
"O-Okay po ba siya??"
"Sa ngayon, unconscious pa rin siya. Marami ang dugong nawala sa kanya so we're transferring blood to her. Tumigil na sa pagdugo yung sugat niya at mabuti na lang nakaabot kayo. Mabuti na lang at nadala niyo pa siya dito."
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Singit ni Evangeline.
"Natuyo na ang dugo sa ibang bahagi ng sugat niya, which means ilang oras na ang lumipas bago niyo pa siya nadala dito. Mga dalawang oras na lang ay maari na siyang mamatay kung hindi niyo pa siya nadala dito."
O____O
Napalunok ako.
Muntik na...
"Pero okay po siya ngayon diba? Gigising po siya diba?" –Ako
BINABASA MO ANG
Forbiddenly In Love with My Angel
Teen FictionSi Snow? Mag-isa sa buhay, binu-bully, walang lovelife. Kaya naman pinayagan na siya ni "Boss" na makita at makasama ang kanyang Guardian Angel. As he promised to help her find her true love, magtatagumpay kaya ang kanyang Angel-slash-Cupid sa misyo...