The Seeking 22: Lost the Light
White and Angeline in the Media Picture. Try to check out the lines I included in the pics. ^_~
(Evangeline's POV):
Hi! If you remember me, I'm Evangeline Arano, Monica Snow's bestfriend. ^___^ And I'm the current GIRLFRIEND of White Evangeliko, another bestfriend of Snow. Akalain mo yun? The bestfriend of my bestfriend is my boyfriend! JOKE. The truth is, we're not DATING. Ahahah! XD Sabi kasi ni Whitey-bebeh, bawal daw silang magkagusto sa isa't isa ni Snow dahil nga kailangan niyang bantayan nang mabuti yung bestfriend ko. Hindi daw siya dapat mailang o maattach masyado kay Snow para magawa niya ang task niya nang buong-buo.
And since nagkakagusto na si bestie sa kanya, sinubukan niya'kong ligawan bigla.
Syempre hindi ko siya sinagot! CRUSH ko siya but I don't wanna be a REBOUND! Echos!
But he begged me to act as his girlfriend hanggang sa magkatuluyan na sina Jan Deru at Monica Snow.
"Heyyyou!" I snapped out sabay sakal-sakal kay White. Joke-joke lang namang sakal. XD
"Arrgghhh!!" Napapikit siya. Hahaha! "Aray, playmate!"
"Wow! Hiyang-hiya naman ang kamay ko sa'yo!" Biro ko. "Aarrteee nito."
"Joke! Hehehe." Ngumiti siya.
Ngumiti na lang ako sa kanya at ipinulupot ko ang kamay ko sa braso niya.
"AHERM!" Narinig kong igham ni papa. Napalingon kami ni White at papalapit na pala sila ni mama...
"Papa!" Masaya kong sabi sabay tayo at lapit sa kanila. Ngumiti naman agad siya.
"Anak. Ito na ba ang sinasabi mong ipapakilala mo sa amin?" –Mama
"Yep yep yep!" Nagthumbs up ako.
"Hello po!" Kumaway-kaway si White habang tumatayo with matching angelic-childish smile. Hahaha, ankyut lang!
"Mama, papa, siya po si White Angeliko, alaga ko. White, sila ang grandparents mo." Pabiro kong introduction. XD
"Hija! Umayos ka nga!" Angal ni mama na nadadala na sa mga ngiti ni White.
"Oo nga, ano mo ba talaga siya, hija?" –Papa
"Okay!" I sighed. "Siya po ang bagong bestfriend ko. Actually, alaga po siya si Snow. But since bestfriends kami ni Snow, alaga ko na din siya! Playmate ko po itong batang 'to." I smiled. They also smiled.
"Abaa, ang cute naman ng alaga mong 'yan, anak." Lumapit si mama kay White. "Ilang taon ka na, hijo?"
"14!" Masigla niyang sagot sabay ayos ng glasses niya. O.O 14?!
"14 ka pa lang? Buti naman nakakasabay ka na dito sa ate mo?" –Papa
"Opo! Mabait naman po kasi si ate playmate."
"Naku! Antagal naming pinangarap na magkaroon ng anak na kasing cute at kasing sigla mo." Tuwang-tuwang pahayag ni mama. Hindi naman yata CHARMS ni White ang nakakaattract kay mama, diba?
"Oo nga, hijo. Naku matutuwa lagi ang tita mo 'pag pupunta ka ulit dito." –Papa
Actually, mababait naman talaga parents ko (sa kanila nga ako nagmana eh LOL). Pero sadyang namamagnet lang din talaga sila sa kakyutan at kakulitan ni White-bebehkoh.
"Okay po! Pupunta po ako lagi dito basta may pagkain!" Kumindat si White sa kanila na siya namang ikinatawa ni mama.
"Hahahahaha! Nakakagigil na bata!" *Kurot sa pisngi ni White*

BINABASA MO ANG
Forbiddenly In Love with My Angel
Ficção AdolescenteSi Snow? Mag-isa sa buhay, binu-bully, walang lovelife. Kaya naman pinayagan na siya ni "Boss" na makita at makasama ang kanyang Guardian Angel. As he promised to help her find her true love, magtatagumpay kaya ang kanyang Angel-slash-Cupid sa misyo...