Chapter 3

2 1 0
                                    

Pinakita saakin ng babae ang pic ng anak nya at infairness!
Ang ganda!
Siguro napakagwapo ng ama! 

Hays mabuti pa si ate nakabingwit ng gwapo!

Ako 25 yrs old na wala pang jowa since zygote.

Nalaman ko rin pala na hindi talaga nakakapagsalita si ate, pero sinulat nya na 32 years old na daw sya and her name is  Antionnette E. Dishing.

Tapos ang anak nya daw na si Attrianne E. Dishing is 13 yrs old.  Grave 19yrs old palang ina na,  tapos iniwan pa ng nakabuntis sakanya.   So sad lang. 

Pero nagpakilala din ako sa kanya.  Sabi ko ako si Nicuella Sweetened. At wala akong ibang information na sinabi pa.

So hinanap nga namin ang anak nya sa buong part ng mall hanggang sa makita namin ito sa may parking lot.  May kasabunutan.

Patakbo kaming lumapit sa anak ni ate at ninawat ito.

"Mom! That girl is bullying me! "

sigaw ng napakaadorable na anak ni ateng. Lakas ng boses. But Shes wearing a cute school uniform.  At yung kakaway nya rin.  I think ka klase nya yung kaaway nya.

"Ako?  Mambully sayo? Tanginahan ba to? Attrianne E. Dishing? Kasi kung oo tangina ka!".... Wtf?  Grabe magmura yung kaaway ni attrianne!  Daig pa ako na adult na!

"So ako ang punagmumukha mong mali? Krezzy? Sabi mo saakin baliw mama ko!  Alangan man hindi ako magalit nung sinabi mo yun! Tapos nilalandi mo pa bf ko!"
Sigaw ni attrianne sabay punas luha

"Wow!  Edi ako mali? Ako nagsabi?  Ako nang landi?  Ako talaga? Fuck you! Ako pa binaliktad eh ikaw na nga may resbak! Ikaw nauna! Panget ng ugali mo parang basura!  Nanahimik ako tapos nangugulo ka! Bitch!"

Tiningnan ko si ate at si attrianne na mukha nang galit pero hindi sila makaaway kasi mute nga si ate kaya ako nang ang nagproxy sa kanya para sigawan tong bata.

"Hoy hoy hoy kaaway ni attrianne!  Grabe maka mura ng iba!  Perpekto kaba? And for your information! Ikaw siguro ang naguna!  Sa itsura ni attrianne na pagkabait bait sya mangbubully at manlalandi?"

Hays kapagod magsalita!

"Sino ka naman ate! Papakealaman mo kami? " siga sya!

I stand straight and chin up para kahit nakikipagsigawan sa isang teenager ay may poise padin ako.  Duh!

Wala akong paki kahit mag isip sila na isa akong isip bata para awayin Ang isang teenager.  Ang importante maturuan ko to ng leksyon! At kahit pa matami nang tao ang nanood saakin, saamin.

"Hindi ka siguro tinuruan ng mabuting asal ng mga magulang mo! Kebata bata mo pa natututo kanang mang agaw!  Ikaw ang malandi! Wala ka pang galang!"

I paused for a moment to breathe then patuloy

"I think youre just 13 yrs old and ganyan na ugali mo? Sinasayang mo lang ang pagiging bata mo and mga gaya mo ang sumisira sa reputasyon ng lahat ng youth! Kaya hindi na kayo napagkakatiwalaan eh! "

Nakita kong unti unting pumatak ang luha niya.  Medyo nakonsensya ako dahil i think its below the belt. Pero nung tangkang lalapitan ko na siya ay biglang sumigaw sya.

"Kala mo madaling maging bata sa panahon ngayon? Lalo pa ganto itsura mo?  Maitim? Maliit? Walang kwenta?  Kala ninyo easy easy lang buhay ko? Kilala nyo ba ako?  At ikaw ateng pakealamera!  Hindi mo kasi naranasan ganto eh!  Yung ipahiya!  manghuhusga!.......................  Sana maging bata ka ulit at danasin moto lahat! " at diretso syang tumakbo ng walang lingon lingon.

Naawa ako at the same time naiinis ako sa sarili ko kasi nasobrahan ko na yung nasabi ko sa bata.

At nag paulit ulit sa utak ko yung last na sinabi nya

"Sana maging bata ka ulit at danasin moto lahat! "

"Danasin moto lahat! "

"Lahat! "

I really got scared by that words.

--------------------------

Chap three!  Yiee heeeee

The Big Little Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon