Chapter 11

0 0 0
                                    

Wala akong karapatan mag pahatid sa driver namin at wala namang tumitigil na jeep or taxi saakin sa labas ng subdivision kaya napilitan akong maglakad

9am ako umalis sa bahay and 1pm na ako nakarating doon sa company ko. medyo malapit lang naman.  Hingal, pagod, asar na asar na ako.

"Kuyang Guard, papasukin mo ako" pagmamakaawa ko

"Emergency po eh" pag dagdag ko pa

"Bata bawal kang pumasok"

"Please" sinamahan ko pa ng pout at konting pagpapacute

"Bata di bagay, ampanget mo eh. Bawal panget sa loob. " ayyy asar na asar na ako. I will have a note na pagbumalik na ako sa dati tatanggalin ko tong guard na feeling may ari ng kompanya ko.

naiintindihan ko naman sana kasi trabaho nya nabantayan ang building pero yung nilait nya ako? wala yun sa patakaran

"So kuyang Guard nasa labas ka it means panget ka rin. I mean mas panget ka rin" i smiled tapos walked away. Fuck shit lang!  Di pa ako nananghalian! 100 pesos lang dala ko!

2pm na ang dungis ko ka kasi kanina pa ako naglalakad sa gilid ng kalsada puro na alikabok mukha ko. Gutom na ako.  May nadaanan akong fastfood chain pero di ako pinapasok. At dahil wala na akong lakas makipag away pinabayaan ko nalang.

Naglakad ulit ako ng lakad nung may madaanan akong karinderya. Wala gutom na gutom na ako. Gagastahin ko na pera ko. Bahala na.

Nag order ako ng isang serving ng kanin, dinuguan at isang soFtdrink. kain lang ako ng kain at aware din ako sa mga titig ng ibang ato pero duh!  Wala akong pake!

Natapos ko na ubusin yung kinakain ko na parang kisap mata. Akmang kakapkap na ako sa bulsa ko para kunin yung bayad. May nakita akong pamilyar na mukha pero biglang nawala. Kumiling kiling nalang ako.

Nung dukutin ko na pera ko sa bulsa Nagtataka ako kung bakit wala akong makapa na perang papel.

Shit!  Baka nahulog ko kanina habang naglalakad.  Ayoko maghugas!

Napansin kong napatinhin na din saakin yung mga tindera sa karinderya.

Just Fuck!  Im dead!  Naiwan ko cellphone ko!

Lumapit saakin yung isang babaeng nagseserve ng pagkain

"Ano miss wala kang pang bayad noh? " halatang asar na asar sya saakin base sa paraan ng pag sasalita nya

"A-ah oo, na-nawawala pera k-ko eh" shit! Alam kong hindi ako nito paniniwalaan.

"Palusot! Luma na yang modus mo miss! 55pesos lang naman babayaran mo eh! "

Sa pagsigaw saakin nung babae ay mas nakaagaw kami ng atensyon. Noong di pa ako nagiging ganto i really love attention Pero ngayon?  I really hate it!

Ayoko talaga maghugas nang mga pinggan bilang kabayaran kaya nanalangin nalang ako bawal din ako mag 123

'Please Lord sana po may sumulpot na prince charming ko!  Kahit bayaran nya lang muna tapos babayaran ko sya kahit 10 thousand para lang maisalba ang buhay ko, salamat po in advance. Amen.'

Akmang sisigawan pa ako nung babae nang may pumigil dito.

Wow ang bilis naman igrant ni Lord yung prayer ko!  I love u po! Salamat!  Ligtas na ako!

-----------

Naranasan mo na mag 123?

The Big Little Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon