Chapter 8

0 0 0
                                    

"Gagana ba talaga to?" Hindi ko maiwasang magtanong

"Opo madam" sagot nya habang inaayos palda ko dahil nagusot kanina

"Eh ano laman nitong bag?" Pinabibit nya kasi ako ng bag at nakakailang na hanggang balikat nya lang ako. Eh dati napakatangkad ko

"Props yan madam,  please madam mamaya kana magtanong madam"

"Kainis ka naman madam ka ng madam,  eh nakita mo nga itsura ko! Madam pa ba ako? Ha? "

"Ha? " bingi pa!

"Hackdog!  Sa itsura kong to mukhang madam pa ba? "

"Opo naman madam, ikaw parin po amo mo".  Wow ambait nya

"Pero.. Duh! Kung tutuuisin sa pagkatao ko ngayon ay ate kita tama? "
Ngumiti nlang sya at inayos nalang yung sobra gulo kong buhok.

"Nga pala didi. Di kaba nagtataka kung paano ako naging ganito.. "

"Paanong ganyan madam? "

"na na na naging bata..... Ulit"

"Nagtataka din ako madam pero kung alam mo madam ang nagyayari sayo edi sana chillax ka po tapos di ka natatakot gaya kanina" sabagay may punto sya

"Pero alam mo madam itong oportunidad na ito ay sobrang bihira, maraming tao ang gustong mangyari sakanila ang ganito. Gusto nilang maging bata ulit. Gusto nilang mablikan ang karanasan ng pagiging bata. Kung silay ikaw, naku baka magpacelebrate pa! "

"Madam ka ng madam,  nic nalang.  Pero im sorry hindi ako sila kaya.... Arghhhh nakakainis bumalik sa ganitong anyo! "

"Ma-madam este nic... Low down your voice po baka marinig tayo edi buking! "

Nung handa na kami ay pumunta nakami ng sala dahan dahan dahil nandoon daw si dad

Para kaming mga tanga na dahan dahan na naglalakad pababa sa napakatahimik na hagdanan, limang hakbang nalang sana ay makakababa na kami ngunit

"Didi? Anong ginagawa nyo? "

"Ay! Pantymopink! " si didi grabeng nagulat kaya natulak nya ako pababa ng hagdan at ako naman ay nagpagulong gulong

Shit.... Fuck...

Limang baitang na nga lang sana pero nauna pa mukha ko! Kaya ang sakit ng ulo ko at mukha dahil gumulong ako pababa

"Mada----nic! "

"Bata! "

"Aray! " unti unti nila akong itinayo ngunit nahihilo ako kaya inalalayan nila ako patungong sala at pinaupo sa couch hanggang sa dumating si dad, yung ibang katulong at si nanay ling. Tapos may dala na rin silang yelo na pang lagay sa bukol ko. Feeling ko may bukol buong mukha ko. 

------------

Maiksi lang again

The Big Little Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon