its already 11:59pm and its time for sleep.
Tomorrow will be Monday and it is the first day of school. Ate is already snoring beside me and i already drank my milk but until now the ispiritu of kaantukan is not possesing me.
I know magkakaroon ako ng eyebags at magmumukha akong zombie anong magagawa ko hindi ako nakakatulog.
for the nth time i closed my eyes. Habang ang kaantukan ay dumalaw my old mamories flashes like a scene in a movie
(flashback na tuuuuuuu)
"hoyy andyan na yung wirdo"
"hindi yan wirdo panget yan"
"May kaibigan kaya yan?"
"sa palagay mo? Malamang wala!"
alam kong hindi sila nag bubulungan nag paparinig sila. pero hayaan mo na yan gusto nila akong pagaksayahan ng oras eh. At akala nila total loser ako.
Ako nga ang nangunguna sa buong batch namin eh tapos tatawagin nila akong loser? Bahala na nga
dirediretso akong nag lakad sa corridor papunta sa classroom ko na II-A (old education system) na ngayon ay tinatawag na grade 8 -A. that classroom. full of memories. almost all are a bad one but it is also a memory to keep.
papasok nalang sana ako sa classroom ng may bumato saakin ng isang plastic ng harina na madali namang nabutas kaya halos hindi na ako makahinga at alam kong mukha na akong Clown sa pagkaputi
"hahahahah tanga"
"mas lalong pumanget sya"
"kawawa naman hahahhahah"
ilan lang iyan sa mga naririnig kong lait at tawanan galing sa kanila. Nagpagpag nalang ako at dumiretso sa upuan ko.
naabutan ko doon ang dalawa kong best friend si Sierra A. Madre. maganda sya, mali sobra nyang ganda. Yung tipong nung nagpaulan ng kagandahan ang 1/2 nun sya ang sumalo. makinis, maputi, matangkad, maganda ang labi, napakatamis ng kanayang ngiti.
Sya nga ang campus crush na babae. Katabi naman niya ang best friend kong lalake si Naveen J. Clifford sya naman ang heartthrob ng Campus. Napakagwapo nya. As in Sobra! moreno, matngkad, talented, matalino all in one na!
Binati ko sila ngunit hindi naman nila ako tinapunan ng pansin. Siguro busy lang. At nagtataka naman ako dahil kahit panget ako naging matagal ko nang kaiibigan ang dalawang iyon at napaka swerte ko! dahil ang nagiisa at pinakauna kong crush ay close saakin! si Naveen!
Nakaupo na ako ng maayos at sakto naman na pumasok na ang first period Lecturer namin si Ma'am Bogcia.
Science ang subject niya at Medyo mainit ang dugo nya saakin dahil ayaw niya na kinocorrect ko sya pag mali ang naituturo nya.
"So our topic for today is about finding PE or Potential energy"
Sabay sabay naman umangal ang mga ka klase ko dahil ayaw na ayaw nila sa mga lessons na may patungkol sa math at buhay na buhay naman kapag tungkol sa pornograpiya, kasarian at reprudaksyon ang pag uusapan.
sinulat ni maam ang formula at sample problem sa chalkboard.
" finding Potential Energy is so simple you will Just blahhh blahhhhhh blahhhh"
Nakinig ng nakinig lang ako sa kanaya kahit sa palagay ko ay kalahati ng clase nya ang may sarisariling mundo na. may nagkekwentuhan, may nagtatawanan, may naglalaro, ang iingay nila
Konting sandali lang ay may napansin akong mali sa formula na binigay ni Maam! at sigurado akong mali ang makukuhang sagot kung hindi yun aayusin.
Nagtaas akong kamay para humingi ng pirmiso na magsalita. walang pumansin saakin kahit ang mga bestfriends ko.
umabot nang tatlong minuto ako kakataas kamay at nangangatalay na din ako kaya nagsalita na ako
"maam Mally Bogcia kanina pa po-----" pinutol nya ang sasabihin ko
"At sino naman ang nagbigay sayo ng permiso na magsalita Miss. Samonte " Napatayo ako
alam kong asar na asar sya dahil tinawag ko sya sa kompleto nyang panagalan na katunog ng salitang ' malibog sya' kaya tinawag nya akoo sa apelyidong ayaw na ayaw kong gamitin.
"kanina pa po ako humihingi ng permiso ngunit hindi mo ako pinapansin. Kanina ka pa po dyan turo ng turo hindi mo nman po tinatanong studyante mo kung naiintindihan po ba nila or may mali sa itinuturo mo po. At mali po ang formu----"
hindi ko na napagpatuloy ang sinasabi ko dahil tumayo bigla si Sierra na bestfriend ko. Akala ko ipagtatangol nya ako ngunit kabaliktaran nito ang sinabi nya
"alam mo Nicuella matagal na akong naiinis sa bunganga mo! hindi mo ba kayang Itikom o isarado yan? porket napakatalino mo ginaganyan mo na si Maam! daig mo pa taga eskwater sa mga pinagsasabi mo! mahiya ka nga ang pangit pangit mo na ganyan pa ugali mo!" nakita kong napangisi ang mga kaklase ko kahit si Maam
"Tama ka dyan Miss Madre, Wala na talagang galang ang istudyanteng yan"
Sabat pa ni maam napalingon ako kay naveen at tumingin ako sakanya na nagpapahiwatig ng paghingi ng tulong, tumingin lang sya nang malamig saakin at nagsalita ng mga salitang tatak sa buong pagkatao ko
"walang kwenta, walang silbi, pangit at Tanga. Yan ka Nicuella"
wala akong nagawa kundi umiyak at tumakbo palabas. Palayo sa kanilang lahat.
(End of flashback)
_______________
May nagbabasa kaya nito?
BINABASA MO ANG
The Big Little Me
RandomJust read it. I dont want to be a walking spoiler. Ya know?