JOHN'S POV:
Pagkauwi nila Alison, napaisip ako sa sinabi ni Jean kanina.
''Bakit kasi ayaw pa ibalik. Pwede naman ibalik ang nakaraan!''
Tama sya! Pwde naman eh.. Pero ang tanong, may pag-asa pa kaya kami ni Alison? Para kasing naka move on na sya eh.. Pero nagsisisi na talaga ko sa pagkawala ng time sa kanya nung kami pa, tska sa pagiging babaero ko. Tsss! Sana di pa huli ang lahat.
Oo, inaamin ko nung una, hindi ko mahal si Alison nung naging kami. Pero mga ilang araw simula nung nagbreak kami dun ko narealize na parang ang sama sama ko! Hindi na pala parang, talagang ang sama sama ko, kasi nasaktan ko sya ng sobra. Alam ko kung gano nya ko kamahal pero ewan ko ba sa sarili ko kung ba't hindi ako makuntento! Ayun! sa sobrang katangahan ko nawala yung babaeng akala ko hindi ko magagawang mahalin. Ngayon tuloy nagsisisi ako kung bakit pinakawalan ko pa sya, kung ba't pumayag akong mawala sya sa piling ko.
Pero siguro di pa naman huli ang lahat diba? May pag-asa pa siguro ako! Think positive John! Think positive! Don't lose hope!
Pinag-isipan kong mabuti kung makikipagbalikan ako kay Alison. Bka kasi mapahiya ako eh. Ewan! Bahala na, kung maging pangit man yung resulta tatanggapin ko nalang, tutal kasalanan ko nman eh! Pero kung itatry ko naman, walang masama diba? Bahala na nga.. Buo na desisyon ko babalikan ko na sya..
BINABASA MO ANG
BITTERNESS Is Next To LONELINESS
Teen FictionAlison Fernandez & John Galang are senior students. They have met each other when they are in 3rd year high school. Ex- boyfriend ni Alison si John. What if one day nagkakamabutihan uli sila ngunit may isang magiging HADLANG sa pagmamahalan nila? W...