CHAPTER 4

71 0 0
                                    

ALISON'S POV: 

 Nakakatuwa talaga.. Nagiging close na naming mga old students ung mga transferees tska karamihan pa sa kanila mababait. Tska isa pa, mga kalog din at pasaway lalo na ung mga transferee na boys!! Haha pero ok lang yun kasi masaya naman silang kasama..

Itong si Andrew, transferee student at pinaka bata sa mga boys naming classmates ang pinka pasaway pero kwela sa mga bagong estudyante sa school namin. Pero infairness hindi halatang 15 years old lang sya, muka na kasi syang 16 eh. Matured ung muka nya pati kilos kaya di mo akalaing 15 lang sya. Natatawa ko sa kanya kasi nag papa-cute sya sa bestfriend kong si Minjee. Sabi nya sakin ang lakas daw ng tama nya kay Minjee at tulungan ko daw sya para maligawan nya si Minjee. Kapal ng muka eh noh! Lakas ng fighting spirit! ^_^v pero mabait naman itong si Andrew may pagka pilyo lang talaga at matakaw ^_^

 Maya mayang konti, bago mag-uwian ay nagkayayaan kaming magka-kaklase na pumunta sa bahay ni mommy Mika. Mommy tawag ko sa kanya kasi yun yung turing ko sa kanya lagi din kasi syang nandyan pag may problema ako, parang tulad ng isang ina kaya tinawag ko syang mommy.Tambay daw kami sa bahay nila tapos mag food trip at syempre mag kwentuhan & magpicturan. Pumayag ung iba samin pero ung iba hindi sasama kasi may gagawin daw sila. Kami naman kahit busy eh sumama pa din kami syempre last year na namin to kya sulitin na namin. Tska isa pa, kasama si John kaya sasama na din ako ^_^

 Pagdating namin kela mommy Mika, agad kaming nagkwentuhan.. About sa buhay namin, sa career, sa love life at kung anu-ano pa..

 ''Bagay na bagay talaga si John at Alison..'' Sabi ni Kathlyn habang pinapanuod ung music video na ginawa namin nung 3rd year pa kami.. Project namin yun dati at partner kami doon ni John. Dun nagsimula ung love story namin ^_^

  ''Nasayo padin ung video na yan?'' tanong ko sa kanya.

 ''Oo naman ayoko burahin ang ganda kaya nito''

''Tama! Si ate nga kinikilig nung napanuod yan eh! Pati si mama! Natutuwa sa kanilang dalawa. May chemistry kasi talaga sila!'' sabi naman ni Minjee.

 ''Bakit kasi ayaw pa ibalik. Pwede naman ibalik ang nakaraan!'' sabi naman ni Jean.

Talaga tong mga toh!! Hayysss nahihiya tuloy ako eh.. Nahahalata pa ata ni John na nag ba blush ako! Ngumingiti kasi sya! Tssss! John wag ka nga ngumiti! Kinikilig ako lalo eh!

''Haha baliw talaga kayo oh.. Natatawa nalang tuloy si John eh! Diba tropa (eehhhh TROPA daw tsss ano ba ko!!)''

 ''Okay lang yun!'' sabi nman ni John.

 Maya mayang konti ay nagyaya na ako,si Minjee,Kathlyn,Nika,Thea, at iba pa naming classmates na umuwi, bawal kasi kami gabihin kaya nag-paalam na kami sa mga natira naming classmates doon. Hinatid kami ni mommy Mika sa labasan nila, nagtawag ng trycycle na sasakyan namin.

 Habang nasa byahe kami ay nagtaka ako kay Minjee. Pinababa nya na kasi ako sa binabaan nila ni Thea samantalang hindi pa ako doon bababa medyo malayo pa ang bahay namin sa lugar na binabaan namin kaya ako ang maiiwang ihatid ng trycycle nagtaka ako sa kanya dahil pinababa nya din ako at pinaalis na ang trycycle.

 ''Bakit Minjee anong problema?'' tanong ko.

 Inantay muna ni Minjee makaalis yung trycycle bago magsalita; ''kasi Alison may napansin akong kakaiba sa driver eh. Mukang may masamang balak..''

''Ha? Paano mo nasabi? Bakit?'' pagtatakang tanong ko.

''Napansin ko kasi na tinititigan ka nya, tapos tinatanong ka nya sakin kung san ka daw nya ibababa basta parang intresado sya sayo eh, kinabahan ako bigla lalo na ikaw nalang ung pasahero pag baba namin mahirap na baka san ka pa dalhin nun! Kaya sinama ka na namin ni Thea sa pagbaba namin''

Nagulat ako sa sinabi ni Minjee. Kinilabutan ako bigla.. Parang tama nga sya kasi napansin ko din na parang ayaw pa kong pababain nung driver nung pinababa na ako ni Minjee.. Grabe na shock ako ng todo,ang tagal bago ako nakapag-salita..

''Buti nalang pinababa mo ako..Pano na kaya kung naiwan pa ko dun malamang nayari na ako.. Salamat talaga ha....Thanks talaga..Kundi dahil sayo baka napahamak na ko, buti pinababa mo din ako at buti napansin mo ung kilos nung bwiset na driver na yun! Mamatay na sana yun! Maniac! Hindi ko napansin yung kilos nya..Buti nalang at napansin mo.. Sobrang thanks talaga'' sabi ko kay  Minjee.

''Wala yun. Syempre kaibigan kita ayokong mapahamak ka. Kinabahan kasi ako sa kilos nya eh. Thanks god at okay ka''

 Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad akong hinatid nila Minjee at Thea sa sakayan ng trycycle banda kela Minjee. Hindi na ako kinabahan kasi kakilala nman ni Minjee yung driver. Grabe parang na trauma ako. Parang ayoko ng sumakay sa iba ng walang kasama :'/

BITTERNESS Is Next To LONELINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon