CHAPTER 10

47 0 0
                                    

ALISON'S POV:

  Pagsapit ng sabado ay nagkayayaan kaming mag ka-kaklase na pumuntang SM. Since boring naman sa bahay, sumama na ko. Mag-e-enjoy naman ako kasi madami kaming sasama.

   Pagdating namin sa SM, kumain muna kami sa KFC tapos naglakad lakad, Syempre hindi mawawala ang picture taking... Kahit saang sulok ng mall nagti-take kami ng picture haha! Sobrang saya talaga ng high school life.. Lalo na kapag kasama mo yung mga tunay na kaibigang lagi mong maaasahan.. Pati na rin syempre yung taong nagpapaligaya sayo :)

  Habang naglalakad kami papuntang storyland para sumakay ng roller coaster, tinititigan ko si John pati na rin ang mga hakbang na ginagawa nya.. Ramdam kong masaya sya ngayon.. Yung mga ngiting nakikita ko sa kanya, sana isa ako sa mga taong nagpapalabas ng ngiti sa kanyang mga labi.. Nung mga oras na yun, binabantayan ko ang bawat pagngiti nya.. Pati na rin ang mga halakhak nya. Gusto ko kasi lagi syang masaya, lalo pang lumalakas ang tibok ng puso ko tuwing tinititigan nya ko, sabay ngingiti. Huwag ko na kayang patagalin ang paghihirap nya?

 Pagkababa namin sa roller coaster ay pinunasan ni John yung pawis ko. Wow ang sweet nya ha! Isa din yan sa mga katangian nyang nagpainlove sakin.. Ang pagiging sweet nya at caring. Sana hindi sya magbago. At sana lagi ko syang kasama kahit saan man kami dalhin ng aming mga paa.

   Nagkayayaan na kaming umuwi. Sumakay na kami ng jeep. Ang natira nalang ay ako, si John, Minjee, Andrew, Junshi, at yung classmate naming si Anthony. Nauna na kasing umuwi yung iba. Hindi kami magkatabi ni John sa upuan, punuan kasi eh, ang katabi ko ay si Minjee at Anthony. Katapat namin sila John,Junshi, at Andrew. Sila ang magkakatabi.

   Nagkukwentuhan sila, si Junshi yung topic. Nagsasabi sila ng mga tagalog words na gindi alam ni Junshi.Kumbaga, kung anu-ano mga sinasabi nila kay Junshi. Mga baliw talaga. Pero ang saya nilang nagkukwentuhan. Kaming tatlo naman ay tahimik dahil sa pagod..

  Habang pinagmamasdan ko silang tatlo ay napansin ko yung titigan nila Junshi at John habang nagbibiruan. Kumbaga, parang may spark sa dalawang mata nila. Kung titignan parang may relasyon sila.. Nakaramdam ako ng selos, ewan ko kung bakit. Pero sinarili ko nalang yun maliit na bagay lang yun, kung anu-ano talaga pumapasok sa utak ko!

     Kahit hindi ako nakatingin sa kanila ramdam kong nakatingin sakin si Junshi.. Bakit kaya? Hmm Just, never mind it Alison! Your getting paranoid nanaman! Just think positive! May tiwala ako kay Junshi at kay John.. Naaaning lang siguro ako..

   Pagkauwi ko sa bahay ay nagpahinga ako saglit. Medyo napagod din kasi ako.. Pagkagising ko     ay inopen ko yung cellphone ko para tignan yung inbox ko. Nabasa ko yung text ni John..

   ''Kumain ka na agad pagkagising mo ah.. I love you''

   Nag-reply ako..

   ''Kagigising ko lang.. Tapos na din ako kumain.. Ikaw kumain ka na ba?''

    '

   'Oo katatapos lang din.. Ano na ginagawa mo ngayon?''

   ''Ito ka-text ka lang tapos soundtrip''

  ''Ah, may itatanong ako sayo?''

  ''Ano yun?''

  ''Kelan mo ba ko sasagutin :'(''

 ''Hindi ko alam.. Bahala na''

 ''Sige, maghihintay ako hangga't kaya ko. May ipapaalam sana ko sayo''

  ''Ano yun?''

 ''Pwede ba ko sumama kay kisses sa EB ng clan nila? Nagpapasama kasi eh, okay lang ba?''

 EB = Eyeball

 Kisses, yun yung tawagan nila ni Junshi. I don't know but I feel jealous when he said it.

 ''Ah sige okay lang'' I replied.

  ''Thanks.. Alam mo sabi ni Junshi nung magkatext kami, feeling nya daw nagselos ka nung nagbibiruan kami sa jeep. Totoo ba yun?''

  Wow ha nahalata pala ni Junshi yun! Kaya pla tinitignan nya ko.

 ''No. Bat naman ako magseselos wala namang dahilan para maramdaman ko yun eh'' I lied.

  ''Ah buti naman, wag ka mag-alala wala ka naman dapat ikaselos, ikaw lang mahal ko eh''

  ''May tiwala naman ako sayo. Tska isa pa, kaibigan ko si Junshi kaya may tiwala din ako sa kanya. At alam kong mabait sya.''

  ''Hehe tama.. Ang bait talaga ng Alison ko, kaya love na love ko yun eh''

After ng conversation namin na yun ni John ay nagpaalam na ko na matutulog na ko. Pero sa totoo lang, di pa ko natulog that time.. Nag-isip pa kasi ako bago matulog.. Hindi ko alam kung bakit parang napapalapit na sa isa't isa si Junshi at John.. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanilang dalawa kaya naiisip ko yung mga ganitong bagay, hindi ko din alam kung ba't naiisip ko to.. I hope mali yung mga naiisip ko..

BITTERNESS Is Next To LONELINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon