CHAPTER 13

31 0 0
                                    

ALISON'S POV:

 Walang oras na hindi ko iniiyakan si John. Lagi ko syang naiisip. Mahal na mahal ko sya pero sobrang sakit ng ginawa nya sakin, hindi ko alam kung kelan ko sya mapapatawad.

 Tuwing pumapasok ako ng school ay tahimik lang ako, pag vacant ay umiiyak ako sa mga friends ko, ramdam kong naaawa sila sakin. Na-a-appreciate ko lahat ng concern at mga advice nila. Buti nalang andyan sila palagi kundi baka mabaliw na ko kakaisip sa problema ko.

Hindi pa ko nakaka get over sa problema ko ay may dumagdag pang isang problemang hindi ko inaasahang mangyayari.

''Sobrang sakit kaya Alison! Seryoso ako sa kanya tapos malalaman ko na nag two time sya sakin! Ang masakit pa dun, tropa ko pa! Grabe di ba? Ang kakapal ng muka!' sabi saakin ni Natan.

''Sino ba yung tinutukoy mo? Hindi kita maintindihan? Ano bang nangyari sa inyo ni Junshi?''

 ''Sila pala ni John! Di ba nakikipagbalikan sayo nung nakaraan yun? Tapos malalaman ko sila pala ni Junshi! Oo alam ko may pagka pilyo ako pero seryoso talaga ko kay Junshi! Ramdam nyo naman yun di ba?!''

 ''A---anno---nnngg s---ssabi mo? Si-gu---ra---do ka ba?'' maluha luhang tanong ko kay Natan.

''Oo Alison! Hayaan mo, wag kang umiyak! Ako kahit nasaktan ako, tinatatagan ko pa din yung sarili ko! Madami pang babae dyan na hindi katulad nya! ''

 ''Oo nga, ikaw Alison maganda ka, wag mo sayangin luha mo sa walang kwentang lalaki na tulad nya!'' sabi naman ni Jean.

 Hindi na ko nakapagsalita. Tuluyan ng dumaloy yung mga luha ko sa aking mga mata. Speechless ako that time.. Hindi ko alam kung ano yung mga dapat kong sabihin. All I know is.. I want to cry... I want to cry as all as I can.. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko..

  Habang umiiyak ako, alam ko naka tingin sakin si Junshi. Kahit hindi ako naka tingin sa kanya, alam ko nakatitig sya sakin. Nakukunsensya kaya sya sa ginawa nya sakin?

  ''Tahan na, move on nalang, mahirap pero kelangan mong gawin.. Para sayo din to'' sabi ni Andrew habang pinapalakas ang loob ko.

  ''Sana, sana nga magawa ko yan! Sana ganun lang kadali lahat!''

''Kaya mo yan bhest, matapang ka, kaya alam namin na kakayanin mo yan. Lalaki lang yan, madami pang iba dyan!'' sabi naman ni Warren.

 Lungkot, pagdadalamhati, galit, at poot. Lahat nang 'yan ay nararamdaman ko noong mga oras na yun. Wala na kong maramdaman pang iba. Kundi yun na lahat, manhid na ang puso ko sa pananakit ni John. Ano pa bang gusto nya? Mamatay na lang kaya ako para matapos na itong mga paghihirap ko na dulot nya? Ang sama sama nya! He's a devil for me! I hate him. Maski si Junshi! Ang kapal ng mukha nya! Nagagawa nilang magsaya habang ako nagdudusa sa ginawa nila! One day pagsisisihan nila ang lahat ng 'to!

 Oo mahal ko parin si John. Bitter na kung bitter! Pero anong magagawa ko? Alam ko sa pagiging bitter ko, mas lalo akong nasasaktan. Pero hindi maglalaon, alam ko, makaka move on din ako. Sa ngayon? Hindi ko alam.. Kelangan ko maging handa sa lahat ng mangyayari.

BITTERNESS Is Next To LONELINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon