"Haaayy...." sabi ni Asher habang nag-uunat.. Kakagising
lang nya, pagod na pagod sya dahil gabi na sya nakauwi
mula sa isang birthday party ng kanyang katrabaho...
Hindi ugali ni Asher na uminom pero dahil na rin sa kulit at
kakapilit ng kanyang mga katrabaho, wala na syang
nagawa.
Nagtatrabaho si Asher sa isa sa mga kilalang NGO sa
bansa... Gustong gusto nya ang kanyang trabaho dahil
feeling nya, hindi man kalakihan ang sahod eh nakakatulong
naman sya sa mga nangangailangan. Isa sya sa mga pinaka
batang project coordinator ng nasabing NGO.
Tumayo sya at nag-unat unat ng kumatok sa pinto ang
mommy nya...
Tok. tok. tok
"Anak, gising na! Kakain na tayo ng pananghalian! Tara na!"
yaya ng mommy nya.
"Opo Ma! Susunod na po, sandali lang!" sagot nya.
Pumasok sya sa CR upang mag-ayos at magbawas na rin.
Habang nakaupo sa toilet bowl, nakagawian na ni Asher na
magbasa ng magazines at dyaryo, pampalipas ng oras...
Nagawi sya sa Society page ng pahayagang binabasa nya...
"Gerald Randolph Anderson: The Society's Golden Boy"
hindi nya napigilang tingnan ang mga larawang kasama ng
article na yon.. Gwapo, mestisuhin at maganda ang
pangangatawan... "Sino bang hindi makakakila sa kanya?
Dapat hindi na sya na-fefeature sa mga ganitong dyaryo eh,
sayang lang sa space.. hmmp" reklamo nito sa sarili...
Naiinis sya sa mga taong arogante at mayayabang na
walang ibang alam kundi ang mag party gabi gabi at
gumastos ng sobra sobra. Para sa kanya, dapat itinutulong
