"Friends.... friends.... friends...." ito palagi ang sumasagi sa isip ni Randy tuwing siya ay mapag-iisa, Animo'y isang recording na paulit-ulit sa ulo nya, inaalala ang mga tagpo noong mga oras na kasama nya si Asher, sa mall, sa bahay nito at maging sa opisina nito.
For some reason, si Asher ang gusto niyang makasama tuwing may kailangan syang puntahan, tuwing kailangan nyang mamili o kaya minsan tuwing nabo-bore sya.
A week ago....
Kring. kring..
Unregistered number.
"Hello? Sino 'to?!" tanong ng dalaga habang ginagawa ang mga dokumentong kinakailangan nya sa bagong proyekto.
"Remember me?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.
"R..Randy?" gulat na tanong ni Asher.
"Yep! You heard it right? Havn't you saved my number yet? Tsss." inis na tanong ni Randy.
"Ah..hmmm.. oo, pasensya na ah, bakit ka nga pala napatawag?" tanong ni Ash.
"Are you free later?" walang sino-sinong tanong ni Randy.
"Ha? May trabaho pa ko eh..."
"I mean after your work..."
"Bakit ba?!" nagtatakang tanong ni Ash.
"Basta... Tsss.. Don't ask na lang..."
"Hindi nga pwede kasi marami pa kong gagawin!" inis na sagot ni Asher.
"Sige na! Please, i need your expertise here..."
"Expertise? Bakit ba?"
"Basta, i'll fetch you after work, it'll be fast!"
Expertise? Fast? Hala ka?! ito ang tumatakbo sa isip ni Asher.
"Hoy Randy! Wag mo kong ...!" hindi na natapos ni Asher ang sinabi dahil binaba na nito ang telepono.
"Grrr. Randy Anderson!"
Pagkatapos ng trabaho, sinundo na ni Randy si Asher. Hindi sana sasama ang dalaga pero nagpumilit pa rin ang binata. Akala ni Ash ay kung saan siya dadalhin pero laking relieved naman nya na sa isang supermarket sila bumaba.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Ash.
"We're friends right?" nakangiting tugon ni Randy.
Friends?! "Well, uhmmm,, kinda?.." alanganing sagot ni Asher.
"Friends help each other.. so you will help me doing my groceries!" nakangiting sabi ni Randy na animo'y proud na proud pa sa naisip.