Maaga nagising si Ash para pumasok sa opisina, kumikirot pa rin ang sugat nito sa braso dahil kailangan nyang palitan ang benda payo na rin ng doktor bago sya pina check out sa ospital kahapon ng hapon.
Hindi nya pa rin pinipirmahan ang waiver na binigay ng attorney na nakausap niya, ayaw nya itong basahin, desidido syang wag makipag settle at may balak pa syang ipa-blotter ang nangyari kahapon.
Bago umalis, narinig ni Ash na may kausap na naman ang ina sa telepono. Marahil ito ay ang Tita Tess nya... napansin nyang umiiyak ito at hindi sya nagdalawang isip na lapitan ito... hinintay nyang matapos ang ina sa pakikipag-usap bago magtanong.
"My, ano daw yun?" tanong ni Ash.
"Anak, ang lola mo, kelangan siyang mag undergo sa bypass surgery.. Malaki-laking halaga ang kelangan natin eh.." sabi ng ina habang humihikbi.
Naaawa si Asher sa ina, alam nyang kakagaling lang nila sa isang malaking gastusin, at eto isa na naman...
"Magkano daw ang kelangan?" tanong ni Ash.
"Kelangan daw makapag-down na ng P80,000 bago simulan ang operasyon, eh saan naman tayo makakakuha ng ganun kalaking halaga?" maiyak-iyak na tugon ng ina.
"Basta My, tingnan ko baka pwede tayong humingi ng tulong dun sa foundation na pinagta-trabahuhan ko, tingnan natin" sagot nito sa ina.
"Sige nga anak, alam mo naman na kakagaling lang natin sa isang gastusan eto na naman..." sabi ng ina na puno ng pag-aalala.
"O sige My, titingnan ko ah para maipadala na natin kay lola" sagot ni Asher.
Pagkapasok ni Ash sa opisina, panay ang tanong ng mga kasamahan kung anong nangyari, kinwento naman nito sa mga kaibigan ang nangyari sa kanya...
"Naku Ash, mag-ingat ka sa susunod ah... Wag kung saan-saan titingin, tsk. tsk, ikaw talaga oh" sabi ni Yeng.
"Opo, sa susunod mag-iingat talaga ako, at tsaka kung sino man ang mokong na yun eh eengot-engot din naman sya noh? May kasalanan din sya!" sagot naman ni Ash.
"Eh sino ba yung nakabangga sa'yo?" tanong ni Yeng.
Kinwento naman ni Ash ang tungkol sa settlement at yung mga offers ng attorney na nakausap nya.
"Wow... bongga naman pala eh... 100 kyaw ayaw mo pa?!" gulat na gulat na sabi ni Yeng.
Nanahimik naman si Ash sa tinuran ni Yeng.
"Eh bakit ayaw mo pang magpa-areglo? Diba sabi mo kelangan nyo ng pera? Ayos na yun Ash.." payo ni Yeng.
"Eh ayoko nga sana eh, kung iisipin mo kung nakapatay pala yung engot na driver na yun ganun-ganun lang ang gagawin nila? diba? diba?" pangungumbinsi ni Ash sa kaibigan.
"Nandun na nga tayo, pero Ash be practical naman... Ayos lang sigurong magreklamo ka kung wala kayong problema, pero Ash think of it na blessing in disguise na rin siguro yung nangyari kasi kahit papaano mayaman yung nakabangga sa'yo at willing silang makipag settle. Kung magplang din eh magpapa-bunggo na lang ako. Hahaha" sabi ni Yeng.
"Loka-loka ka talaga, pero tama ka nga noh? Pero paano yan? Nag-inarte na ko eh, anong sasabihin ko sa kanila?" tanong ni Ash.
"E di tawagan mo o di kaya, puntahan mo na lang! sabihin mo na makikipag settle ka na, ganun lang yun. Lunukin mo muna yang pride mo, tsaka mo na yun isipin" sagot ni Ash.
"May point nga naman si Yeng, siguro nga blessing in disguise na rin yung nangyari." sabi nito sa sarili. "O sige tatawagan ko sila mamaya" sabi nito.
Next chapter na! :)